CHAPTER 7 - we fight we break-up, we kiss we make-up

347 14 11
                                    

March 31, 2020
Sheryl Cruz's POV

Let's get loud.. Let's get loooud

Turn the music got to hear that sooound..

Tatlong linggo nang naka-home quarantine, kung anu-ano na rin ang ginawa ko sa bahay para 'di-mainip. Kaya ngayon panay rin ang paghuhula-hoop ko habang sumasayaw sa tugtugin. Lagi din naman kaming nagco-communicate ng daughter ko, mga friends at iba pang kamag-anak.. At si Jeric, kapag wala akong ibang pinagkakaabalahan. Isang linggo nang nakalipas nung huling pagkikita namin. Pinagsabihan ko na siya na huwag na munang magpunta sa bahay ko dahil alam naman natin na delikado sa maraming aspekto. Kaya eto, nililibang ko nalang ang sarili ko sa pag-eehersisyo.

Come on people let's get loud.. Let's get loooud

Ain't nobody gotta tell ya what u gonna do

Nabigla ako nang may pumalakpak pagkatapos ng kanta at natapos rin ako sa paghuhula-hoop.

"Jeric?!"

"Magaling!" sabi pa niya habang naka-upo sa isang sofa. Kanina pa ba siya? "It's a yes for me. Or should I say, pasok ka sa grand finals."

"Di ba sabi ko sayo 'wag ka munang pumunta dito? Wag ka nang lumabas ng bahay. Alam mo ba marami nang positive ng COVID?"

Tumugtog na ang kasunod na kanta kaya hinanda ko na naman ang weighed hulahoop. Plano ko sanang hindi na pansinin si Jeric para mainip siya at tuluyan nang umalis. Nagdala pa siya ng bulaklak at cake.

"May quarantine pass naman ako, Miss She. At tsaka na miss lang kita."

Bumuntong hininga nalang ako. Dalawang rason: napagod sa pagsasayaw, at dahil matigas ang ulo ni Jeric pero wala na akong magagawa kasi andito na siya. Don't he has anything much better to do? Aside from me?

"Ang tigas ng ulo mo." Sabi ko sa kanya ngunit hindi ko siya tinignan. Nagpatuloy pa rin ako sa pagpapa-ikot ng hoop sa aking bewang.

"Gusto ko lang naman dalawin ka." Sabi niya. "Ngunit parang may na-una na pala."

I didn't bother asking what he meant. Hinayaan ko lang siya dun sa sofa.

"Kanino 'yan galing?"

"Ang alin?"

"May iba ka na bang lalake? Sino ba siya?" Sunod-sunod niyang tanong.

Tinignan ko kung ano ang tinutukoy niya. Ang bouquet at cake na may dalang card pala na nasa mesa.

"Bigay 'yan ng co-endorser ko sa Levy Travel and Tours. Advance birthday present para sa akin."

Alam naman niya kung sino ang tinutukoy kong tao. Naging usap-usapan kasi kami nun sa media na bagong boyfriend ko raw. Nilinaw ko naman na hindi yun totoo. There was never an us. He's not even a fling. Kung nakita man kami ng mga tao sa public na lumabas, we just went for coffee dates. And that's all.

"So nagpunta siya dito? Kanina?"

"Hindi. Pinadala lang sa isang mutual friend. Hindi naman ako basta-bastang tumatanggap ng gift lalo na sa panahon ngayon pero I trust the person, eh." Paliwanag ko sa kanya para hindi na siya mag-alala.

"At tsaka wag kang mag-alala. Hindi ko nga 'yan ginalaw kanina pa. Pagtanggap ko Nilagay ko lang agad dyan."

"Eh kung ganon, itinapon mo nalang sana 'yan." Cold niyang sabi.

Behind The CamerasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon