PROLOGUE

275 11 13
                                    


"May problema ba tayo?" Mahinahong tanong ko sa kanya. Alam kong napakaliit na bagay lang nitong pag-uusapan namin pero duda ko talaga may ibang malaking dahilan kung bakit niya ito ginagawa sa'kin. Kung hindi lang sana naging uso itong COVID, kung normal lang sana ang lahat, edi sana nagkita na kami sa personal nang mapag-usapan namin 'to nang maayos.

Pero nakapunta na siya dito sa bahay ko mga ilang beses especially sa first month of lockdown. But on my birthday, he never came. And so the following months.. May, June, July.. Pero naiintindihan ko yun kasi valid naman ang naging reason niya. Mabuti nga yun eh. Ayokong magkaroon pa kami ng issue.

"Bakit, may problema ka ba sa'kin?" Cold niyang sagot sa kabilang linya. Sagot in a form of tanong rin naman.

"Jeric." Napa-buntong hininga ako. "Hindi kita maintindihan."

"Hindi rin kita maintindihan, miss She."

"Ano bang problema mo sa'kin Jeric?" Medyo napataas ko aking boses. Masyado nang nakakairita ang pag-uusap na'to. "Sabihin mo nang malaman ko na!"

Noong March sweet pa siya sa'kin. Mahabang kwento pero tinigil ko na kasi ang ugnayan namin sa isa't isa after months na hindi kami nagkita. Hindi dahil sa nagkalabuan kami. Those months na hindi kami nagkita, it gave me enough time to think na mali talaga ang naging relasyon namin. Mabuti nalang walang ibang nakakaalam kaya mas mabuti nang tapusin ito bago pa mahuli ang lahat.

"Kayo dapat ang tinatanong ko nyan, ano bang problema n'yo sa'kin?!" Tension niyang pagtanong sa'kin. Nagulat ako sa naging tono niya. Si Jeric galit sa'kin?

"In-unfollow mo'ko sa IG!" Yan. Nasabi ko na talaga. Maliit na bagay. Para kaming mga bata kung yan ang pag-aalitan namin. Pero hindi n'yo pa kasi alam ang buong kwento.

Hindi naging kami. But I broke our intimate connection in August. Through a text message. March 31 kami huling nagkita non. Hindi na siya nakapunta sa bahay in April kasi bumalik na ang kasambahay ko. Lalo na nung mga sumunod na months kasi madalas nang dumadalaw ang mga fans/kaibigan ko dito. He came over after reading my text. Na-surprise ako sa pagdating niya. Naunawaan niya naman ang naging desisyon ko. We agreed to be still friends. Like nothing happened. But something else happened that day..

"Kayo ang unang nag-unfollow sa'kin!"

Hindi na ako nakasagot pa dahil na-realize ko, oo, ako nga pala ang unang nag-unfollow sa kanya. Teka ano nga ba yung dahilan..

"Hindi ko alam kung may problema tayo, okay naman tayo bago ang quarantine. Okay rin tayo hanggang nag-quarantine. Nag-usap tayo tungkol sa kagustuhan mong umiwas sa'kin at inintindi ko yun. Inintindi ko lahat kahit masakit kasi.. Di bale na. Ano pa bang dapat kong gawin? May nagawa pa ba akong mali sayo?" Pagpapatuloy ni Jeric.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hawak ko pa rin ang cellphone ko sa aking tenga pero ang naiisip ko lang naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko. Nang nagpunta siya last August, na-miss ko siya, gusto ko siyang yakapin at hagkan. But I was "breaking up" to him. But still, I hated the fact that something else happened that's not included in the plan.

"Sorry, Miss She.. Sorry po. Nadala lang ako sa emosyon ko. Hindi ko kayo dapat inastahan nang ganon, pasensya na po."

Naiinis ako kasi hindi ko magawang mainis sa kanya. Kahit kailan.. Bakit masyadong mahalaga si Jeric sa'kin? Sinabi ko na sa sarili ko itigil na lahat ng nararamdaman ko para sa kanya kung meron man. Na kailangang ibaon nalang sa limot lahat ng ugnayan na meron kami noon. Lahat ng pagkakataon nung akala namin tuloy-tuloy na totohanang relasyon namin. Pero bakit ganon? Sa totoo lang nalilito na talaga ako sa nararamdaman ko. May hindi tama. Bakit ba ang hina ko?

"Miss Sheryl? Andyan ka pa ba?"

"H-ha?" Natauhan ako bigla. "Kalimutan mo na na nag-usap tayo ngayon, Jeric. Sige.."

"Pupuntahan ko kayo diyan sa bahay n'yo."

"Ha? Para ano pa? Wag na."

"Para makapag-usap tayo. Para ma-settle natin kung ano ba talaga ang issue. Akala ko kasi tapos na yung unang issue natin. Tingin ko may kinalaman doon."

Oo. In-unfollow ko siya para makalimutan ko siya. Dinelete ko nga pati number niya after that day na tinext ko siya ng Gusto ko ng itigil ang lahat ng ito Jeric. I'm sorry. Akala ko kasi pag wala na kaming communication, unti-unti rin kaming maka-move on sa mga nangyari. We'd just stay friends in the eyes of the people na para bang walang kalokohan ang nag-insert noon.

"Wala ng issue." Sabi ko. Pero nag insist talaga siya.

"Nakita ko na napansin na ng mga tao ang pag-unfollow natin sa isa't isa sa IG. Malaking bagay yan para sa fans natin. At kung may malaking bagay sa fans natin, nakaka-apekto yan sa ating career." Paliwanag pa ni Jeric. "Kaya pupuntahan ko kayo diyan."

Ewan ko, gusto ko siyang makita pero ayaw ko rin namang papuntahin siya dito sa bahay ko. Never again. Wala ba siyang ibang pwedeng pagka-abalahan kesa mamilit na bumyahe papunta dito sa bahay ko sa gitna ng pandemya?

"H-hindi.. Hindi ka pwedeng pumunta dito." I finally said. "Walang pwedeng bumisita sa bahay ko."

"Hindi ako naniniwala miss She. Madalas kang pinupuntahan diyan ng mga fans mo. Sila nga ang dahilan kung bakit hindi na ako nakapunta diyan mula April diba? Wag kang mag-alala, safe ako. Gaya ng dati nang nagpunta ako diyan, wala akong COVID." Rason pa ni Jeric at parang nagmamadali siya base sa kanyang boses mula sa phone.

Teka paano niya nalaman? Diba nag-unfollow na siya.. Does he still stalk me? My account?

Bago pa ako nakapagtanong ang nasabi ko sa halip ay, "Basta hindi ka na pwedeng magpunta dito!"

Ilang beses na siya nakapunta dito sa bahay. Pero gaya ng sinabi ko August pa ang last time. Yung March 31 na pagkikita namin, we were still having you know, that kind of relationship. Next pagkikita namin after that is 2 months ago, mga last week of August na ba yun or 1st week of September na ba yun.. At ayokong pag-usapan ulit ang araw na yun na pagdalaw niya sa'kin.

"Jeric? Hello? Jeric sinasabi ko sayo wag kang pumunta dito. Naiintindihan mo ba ako, John Eric??"

Matagal-tagal din bago siya sumagot sa kabilang linya. Puro ingay lang ang naririnig ko. Hindi ko na alam anong ginagawa niya.

"Jeric-"

"Papunta na ako miss She. Stay ka lang dyan."

"John Eric!!" Hysterical na ako dito sa kinaruruonan ko, sa living room.

"See you later, Miss Sheryl Rose." Huling sabi niya saka pinatay ang cellphone.

Ang tigas talaga ng ulo! Eto talagang mga millennials/bagets ngayon hindi nakikinig sa mga mas nakatatanda. Kung anong gusto nila, ang siyang susundin. Hindi yan uubra sa'kin pero si Jeric talaga! Inaabuso na niya yata ang pagiging close namin. Napa-upo nalang ako sa couch.

But I always like how he says my name tho..

Miss Sheryl Rose.

Behind The CamerasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon