TEARSPagkatapos ng gabing 'yon ay mas lalong naging komportable ako sa kanya. Mas naging open ako sa kan'ya at ganun din s'ya sa'kin. Sa mga green minded, ibang open po ang tinutukoy ko.
"Jaicca, nakita mo si Elegen?" Carly asked while fixing her grey sweater paired with a faded high waist jeans. And I forgot to mention that she has a super model body that every women dream of.
"Hindi, diba magkasama kayo?" I answered.
"Biglang nawal—" naputol ang pagsasalita ni Carly nang biglang dumaan si Elegen sa gitna namin at halatang galit ito.
"Nag-away ba sila ni Titi?" Napalingun kami kay Tin dahil sa sinabi nito.
"M-Magkakilala sila?" I asked.
"Nakita ko sila na nag-uusap kanina e, tapos parang nag-aaway," kwento ni Tin.
"Nakakatawa 'tong boyfriend mo, Jaicca. May pagkachismoso din pala," tawang-tawa na pahayag ni Carly.
"Hindi ko pa 'yan boyfriend," walang gana kong sagot.
Sinulyapan ko si Tin at nagulat ako sa mga nakakatakot n'yang tingin. Halos magkasalubong na ang mga kilay nito.
"Tara na, uwi na tayo na badtrip si Elegen e, chichikahin ko muna," wika ni Carly saka naglakad na papunta sa malaking gate ng Camp Pepe kung saan naka tayo si Elegen habang naghihintay sa'min.
Hindi muna ako sumunod kay Carly at naiwan kaming dalawa ni Tin dito na nakatayo lang.
"A-Anong problema mo?" tanong ko.
"Wala," aniya at nag-iwas ng tingin.
"Okay, sabi mo e." Naglakad na ako patungo may malaking gate at iniwan s'ya doon na nakatayo.
Aalis na kami ng Camp Pepe at talagang mamimiss ko ang lugar nato. Sa ilang araw na nagstay ako dito ay ang dami kong natutunan. Madami rin akong na diskobre tungkol sa sarili ko.
Naging madali lang ang aming byahe papuntang terminal. Ang Motor Jack Riders parin ang sinakyan namin papunta dito.
"Kalagot sad uy, nganung mga badtrip kaayo ang mga tao karun?" (Kainis, bakit badtrip ang mga tao ngayon?") sambit ni Carly habang paakyat ng bus.
"Iwan ko d'yan kay Tin, hindi ko alam bakit galit 'yan e," saad ko.
"Tabi tayo," sambit nito sa may likuran ko. Hindi ako sumunod at nagmatigas kay Carly sana ako tatabi nang bigla niya akong hinigit papalapit sa kan'ya at pinaupo sa may likuran ng driver katulad ng pwesto namin dati, malapit sa may bentana ako naka pwesto.
"Anong problema mo? Ba't badtrip ka ata?" matapang kong tanong, ngunit hindi ito sumagot kaya nagsalita ako ulit. "Na badtrip ka ba dahil hindi kita pinagbigyan kagabi?"
Nagulat s'ya sa sinabi ko at agad na sumagot. "No! Hindi ako ganyan. Ginawa ko lang 'yon dahil sabi nila Carly na sunggaban na kita at baka magalit ka sa'kin kasi nabitin ka."
Napabuga ako ng hangin sa'king mga narinig. Ako pa talaga ang nabitin? Takte, ba't alam n'ya?
"Sa susunod wag kanang maniwala sa dalawang aso na 'yon huh," wika ko sabay turo sa dalawa kong kaibigan na naka upo sa kabilang side ng bus katapat ng sa'min.
"Hindi sex habol ko sayo," saad nito.
"Alam ko, hindi din sex habol ko sayo kahit malaswa ako magsalita minsan... P-Parati pala," sabi ko na nagpatawa sa kan'ya.
"Bakit ka tumatawa? Hindi kana galit sa'kin?" tanong ko.
"Hindi ako galit sayo 'no, naiinis lang ako kanina kasi sabi mo hindi mo'ko boyfriend," sagot nito at sumandal sa upuan ng bus.
![](https://img.wattpad.com/cover/242866465-288-k218629.jpg)
BINABASA MO ANG
Notche Series #1: His Temptation✓[UNDER REVISION]
General FictionFeatured in Wattpad RomancePH reading list. [FORMER TITLE: I Am His Temptation (Notche Series #1)] He changed me. I changed him. He saved me. I destroyed him. He's an Angel, yet I am his temptation. [COMPLETED] Started: October 25, 2020 Finished: N...