TIN'S POV
She taught me everything I had not learned in my former existence.
Galing ako sa isang religious outing para na rin mag-evangelize ng mga kabataan, for them to get closer to God.
Habang nakatayo rito sa terminal ay naghanap ako ng masasakyan papunta sa condo ng pinsan kong si Luke. Wala akong makitang taxi kaya naisip ko na jeep nalang ang aking sasakyan.
Bitbit ang isang malaking bag at tumbler ay sumakay ako ng jeep. Medyo kunti lang ang laman ng jeep kaya mas pabor para sakin na ilagay ang bag sa tabi ko.
Umandar ang jeep kasabay ng pagbuhos ng ulan. Habang tumatakbo ang jeep ay magiliw akong nakatingin sa labas kahit medyo malakas ang ulan. Hindi naman kami mababasa kasi may panangga naman sa ulan ang bintana ng jeep. Kahit medyo malabo ay nakikita ko pa rin ang mga tao sa labas.
Ngunit isang babae ang umagaw ng pansin ko. Nakayakap ito sa tubo ng waiting shed. Nakalugay ang kanyang maalon na buhok. May maliit itong mukha at heart shape na mapupulang labi. Bumagay ang tangos ng kanyang ilong sa kurti ng kan'yang mukha.
At sa unang pagkakataon, narinig ko ang bawat pintig ng puso ko. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Parang nakapako ang aking mga mata sa dilag na 'yon.
Hindi ako mahilig sa babae, sa katunayan ay inilalayo ko ang aking sarili sa kanila. Takot ako na baka katulad din sila sa aking ina. Basta-basta nalang nang-iiwan.
Pumara ito ng jeep at sakto namang ang sinasakyan ko pa ang huminto sa harap n'ya. Maiigi ko siyang tinitignan habang siya ay paakyat ng jeep, ngunit nang ito'y lumingon sa'king gawi ay dali-di akong umiwas ng tingin.
Ilang minuto ang lumipas at sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang inapakan ng driver ang preno ang jeep. Sumubsob ang babae sa akin dahil sa impact, maswerte ako at nakahawak ako sa hawakan ng jeep.
Napagtanto ko na lasing ito dahil sa amoy ng alak na naamoy ko sa kan'ya. Subalit ang isang kamay nito ay nakatukod sa sensitibong bahagi ng aking katawan, at sa unang pagkakataon ulit ay nakaramdam ako ng init. Init na hindi ko pa nararamdaman noon.
"Akala ko tumbler, titi pala."
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga salitang 'yan, dahil d'yan kami nagsimula.
Nang makarating sa condo ni Luke ay agad akong nagkwento. Tinawanan n'ya lang ako dahil ignorante raw ako sa babae.
Hindi ko inaasahan na ang tadhana na mismo ang hahanap ng paraan para magkatagpo ulit ang aming landas.
Sa dami ng tao sa auditorium na 'yon ay hindi nakaligtas sa aking mga mata ang babaeng nagparamdam sa'kin ng mga pakiramdam na hindi ko pa nararamdam' 'nino man.
Naisip ko na paraan na ito ng Diyos para mas makilala ko pa s'ya. Nakikita ko sa likod ng kan'yang mga ngiti ay ang lungkot. Ito ang ginamit kong rason para sunggaban ang pagkakataon.
Ang saya ng gabi ko no'ng tumawag s'ya sa'kin, pero bago pa man 'yon nangyari ini-stalk ko na s'ya sa lahat ng social media. Laking pasalamat ko sa mga kaibigan n'ya dahil ibinigay nito pangalan n'ya.
"Jaicca Faith Salla."
Isang napakagandang pangalan.
Ang lahat ng nangyari sa Camp Pepe ay ang hindi ko malilimutan sa lahat. Lahat ng tawanan at tampuhan ay ang sarap balik-balikan.
Sino bang makakalimot sa unang halik?
Sa unang pagkakataon ay nagkalakas loob akong halikan s'ya. Ang mga labi n'ya ang pinakamatamis at masarap sa lahat ng natikman ko. Nakakahiya lang no'ng sinabi ko na hindi ako marunong humalik. Ngunit nang natuto ako kung paano gawin ay parang ang sarap nang hindi tumigil. Kung hindi lang sana umiksena sina Carly at Elegen, e 'di sana... Okay, never mind.
BINABASA MO ANG
Notche Series #1: His Temptation✓[UNDER REVISION]
Ficción GeneralFeatured in Wattpad RomancePH reading list. [FORMER TITLE: I Am His Temptation (Notche Series #1)] He changed me. I changed him. He saved me. I destroyed him. He's an Angel, yet I am his temptation. [COMPLETED] Started: October 25, 2020 Finished: N...
![Notche Series #1: His Temptation✓[UNDER REVISION]](https://img.wattpad.com/cover/242866465-64-k218629.jpg)