Kabanata 8

1.5K 66 32
                                    


PATAWARIN

Kanina pa ako nakasunod sa kanilang dalawa habang sila ay aliw na aliw sa isa't-isa. Hindi na ako nag-atubili na makinig sa pinag-uusapan ng dalawa baka mas lalo lang ako mainis.

'Naka tagpo lang ng dating kaibigan naka limutan na ako, nakalimutan na namay kasama s'ya,' nilakasan ko ang pagbulong na nagpalingon sa kanilang dalawa.

"A-Ah, Ow, may kasama ka pala," wika ng babae.

Oo dai, may kasama yan hayop 'di ako pinapansin.

"Keshea, si Jaicca nga pala kaibigan ko," pakilala n'ya ni Tin sa'kin.

"Hi," sambit ko at inilahad ang kamay para makipag-shake hands.

"Ahm, Hi Jaicca," sagot niya at nakipagkamay sa'kin.

"Si Keshea nga pala, Jaicca, asawa ng kaibigan kong si Kyle."

Asawa? Ano raw? Asawa ng kaibigan niya? Oo, asawa. Naku 'di n'ya namam agad sinabi.

"Ahh! Hi Keshea, naku alagaan mo ang asawa mo, huh, may asawa na pala..." biro ko dahil sa tuwa.

"Oo naman, mahal na mahal ko 'yon," aniya at ngumiti ng napaka tamis. Inlove nga si ate.

"Ow, punta na kayo doon sa Tagpuan Cottage kanina pa sila doon, e," paliwang niya saka tinuro ang maliit na kubo.

Sumabay ako kay Tin sa paglalakad at di umimik hanggang s'ya na ang unang nagsalita.

"Jaicca... a-ahm, sorry kanina 'di agad kita napakilala kay Keshea," sabi niya ay nagkunware na makati ang batok na kahit halata na nahihiya ito dahil namumula nanaman ang mga tenga. Alam na alam na kita boy.

"Okay lang 'no," tipid kong sagot.

"Bigla lang kasi akong nailang sayo kanina," nahihiyang sambit ni Tin sabay kamot sa batok n'ya.

Hala? Ba't s'ya naiilang?

"Kasi, ewan 'di ko ma explain ang pakiramdam," dagdag n'ya.

Tumawa lang ako ng mahina. Hindi ako sure pero feeling ko kilig yung feeling na tinutukoy n'ya. Siguro para sa kanya ay isa itong foreign na pakiramdam.

Nang makarating sa kubo ay umupo kami sa bandang likuran habang ang iba ay maiging nakikinig sa nagsasalita sa unahan. Isa itong medyo may edad na babae kasi dahil sa itsura nito at halata na rin ang puti sa kanyang mga buhok.

"I am Nanay Lusing ang magiging nanay n'yo dito sa camp. Alam ko na bawat isa sa inyo ay may pinagdadaanan sa buhay, kaya nga kayo andito diba? Pero andito kayo para unti-unting bitawan lahat ng pinapasan at bitbit n'yo dito," sabi ni manang Lusing at itinuro ang puso.

Sa tingin ko ang lugar na ito ay isang healing place, at sila ang aming healer, ang mga staff dito.

"Dito ako gumaling," rinig kong bulong ni Tin.

"What?"

"Dito ako gumaling. Dati kasi na depressed ako sa pahihiwalay ng mga magulang ko, halos hindi na ako makausap sa bahay, kinuha ako ng Lola ko at doon na tumira sa bahay n'ya," kwento ni Tin.

Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa kahapon n'ya, minsan kasi pag nagkikwento s'ya ay tungkol lang lahat sa present.

"Parehas lang tayo. Yung mga magulang ko rin," sambit ko. Hinawakan niya ako sa kamay at ngumiti. Sa simpling ginawa niya ay gumaan ang pakiramdam ko, ramdam ko na hindi na ako nag-iisa.

"Okay, tumayo na tayong lahat at maglibot-libot na kayo sa lugar na ito habang niluluto pa namin ang pagkain," anunsyo ni Nanay Lusing saka nagtayuan ang lahat.

Notche Series #1: His Temptation✓[UNDER REVISION] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon