Kabanata 21

1.3K 62 50
                                        

WALA NA

It's been five years since that day happened, and that was the last time I saw Tin. I tried to find him to explain that nothing happened to Samael and me, but I could not find him.

I went to the mansion many times, but they always told me the same reason.

'Wala dito si Tin, hindi na s'ya umuuwi dito." Iyan parati ang sinasabi nila sa'kin. Pagtinatanong ko naman sila kung asan na si Tin baka pwede nilang sabihin kung saan na siya tumutuloy, ang palagi lang nilang sinasabi na hindi nila alam. Pati mga pinsan n'ya ay hindi rin sinasabi sa'kin kung asa si Tin.

Hanggang isang araw nalaman ko nalang galing kay Lola Jane na tinuloy ni Tin ang pagpapari n'ya. Naging magaan ang bigat na aking nararamdaman dahil hindi s'ya nagloko o sinira ang sarili n'ya katulad ng sinabi n'ya sa'kin noong huli naming pagkikita.

"Mama! Andito na po si Ninang Carly!" sambit ni Andy habang abala ako sa pag-ayos ng cookies na niluto ko.

Naglakad si Andy palapit sa'kin galing sa bukana ng pinto sa kusina.

May sarili na akong bahay. Hindi ito gaanong kalakihan, sakto lang samin ng anak ko. May maliit na sala, kusina, banyo, at dalawang k'warto. May kulay asol itong pintura, maliban sa k'warto ko, pero ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang kusina. Wooden style ito at dito ako parating tumatambay nagluluto ng kung ano-ano para sa anak ko.

"Mama, ang sharap naman n'yan. Pahingi mo po, please," Andy plead and blink his eyes three times.

"Kuha na, baka agawan ka pa ng Ninang Carly mo," aniko saka s'ya kumuha ng isang piraso.

"Mama, pwede sabihan mo si Daddy Samael na magpiplay kami dito sa house mamaya?" wika nito na nagpatigil sa'kin.

Hindi ko pa talaga napatawad si Samael sa ginawa n'yang pagsisinungaling. Pero araw-araw s'yang bumibisita para hingin ang kapatawaran ko. Hindi ko gustong ma-attach si Andy sa kan'ya, lalo na't uhaw sa pagmamahal sa ama ang anak ko. Ngunit, si Andy na mismo ang lumalapit at nag-insist na tawaging daddy si Samael.

"Baka busy s'ya, Andy," sagot ko.

"Okay, sorry Mama." Humingi ito ng tawad at iniyoko ang ulo n'ya.

"Hi! Wazzup mother fucker!" bungad sa'min ni Carly nang makapasok ito at napadpad sa kusina.

Hindi na ako magugulat kung paano naka pasok 'tong babaeng to alam ata lahat pati facebook password ko.

"Iyang bunganga mo, may bata dito," suway ko.

"Ito naman, sorry na." Naglakad ito palapit dito sa lamesa at tinabihan si Andi na masayang kumakain ng cookies habang naka upo. Katapat ko na silang dalawa ngayon.

"Baby Tintin, wag mong gayahin si Ninang ganda hah," dagdag nito. Tumango-tango naman ang anak ko.

"Ninang sama ka sa'min ni mama bukas, magsisimba kami," aya ni Andy sa Ninang n'ya.

"Nako kang bata ka, wag kang sumunod sa yapak ng Pa-"

"Carly! Ano ba," suway ko saka nagsalita ulit. "Andy, pwede do'n ka muna sa sala, may pag-uusapan lang kami ng ninang mo," mahinahon kong sabi sa anak ko.

Nang maka labas na si Andy sa kusina ay agad kong sinabunutan ang bruha kong kaibigan.

"Alam mo ikaw, 'yang bunganga mo walang preno."

"Aray!" impit nito habang sinasabunutan ko s'ya. "Ito naman high blood agad. Malalaman n'ya rin naman na priest ang tatay n'ya."

"Alam mo namang ang hirap pagnalaman n'ya at pag may ibang makaalam. Ayaw kong sirain si Tin, maayos na buhay n'ya. Mapapasama lang s'ya pagnalaman n'ya tungkol kay Andy," paliwanag ko.

Notche Series #1: His Temptation✓[UNDER REVISION] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon