Chapter 18

12 5 0
                                    


"I'm sorry," sabi ko nalang at napabuntong-hininga. Mali yung sinabi ko,maling-mali. Di ko dapat guguluhin ang isip niya at di dapat ako manggulo sa kanilang dalawa.

I was just his past while she is her present.

"I'm really sorry, takot lang ako..." Takot akong mawala ka sa akin pero wala akong karapatan para iyon ay hilingin.

I wore my jacket properly at umupo din ng maayos. Kaya mo ito Lhorraine, you can face them right? Isantabi ko muna ang pagmamahal na ito and they're Smith while I am Alonte. Sila ang may kasalanan sa akin at hindi ako. I shouldn't be scared. I should know how to stand alone.

"It's okay, wag ka lang iiyak okay? I'm here at hindi kita pababayaan. Promise," then I felt his lips touches my forehead. I depth sighed at tumayo na.

Ang hina mo Lhorraine, ex mo yan remember? At wala ka ng karapatan diyan.

"Sorry,pinag-alala pa kita." I said and forced a smile. Umiling siya at tumawa.

"Ayos lang," natatawa niyang sambit. Natakpan ang pagkayelo niya sa tawang iyon and I can't help but to smile.

I thought na babalik na kami yet hinila niya ako papaupo and he created a bonfire. After that, he putted my head into his shoulder and in this moment, I felt secured.

"You know what, kung nandito lang sana si Rain ay siguro masayang-masaya ka ngayon. You don't deserve this kind of pain. May misunderstanding man kami pero matagal ko na siyang pinapatawad and it's for your happiness though. Siguro hindi ka iiyak ngayon at–" I cut his words. I don't like it and the kind of his voice he used. Parang piniga ang puso ko doon.

"Arth...stop," wika ko. Humugot siya ng hininga at hinaplos ang buhok ko.

"Lhorraine,you can be happier with him." Mahina niyang sabi at mapait akong ngumiti. I'm just fooling myself if you just knew.

"Dalawang taon na ang nakalipas pero di pa din ako nakakamove on sa kaniyang paglisan. Ang hirap e," sambit niya at ramdam kong umiiyak siya.

"Ang hirap mawalan ng isang tunay na kaibigan. Para akong...sinasaksak ng paulit-ulit  ni hindi ko man lang siya nagawang protektahan nun. Nahuli ako at iyon ay ang aking pinagsisihan." Pinahid niya yung luha niya and he sniffed.

"Iniisip ko minsan,may kuwenta kaya ako sa kaniya? At hindi ko man lang naiabot sa kaniya ang aking pagpapatawad. I'm such a useless best friend..."

"Arth..."

"Until now, I'm still blaming myself on what had happened. Sana ako nalang yung nawala e. At tama nga sila, naging ganito ako dahil sa kanila. Hindi ko na magawang maging tunay na masaya dahil kailangan ko sila." Sinong sila ang tinutukoy niya? Akala ko ba si Rain lang ang dahilan kung bakit siya nagbago?

"Kung hindi lang sana kasalanan ang pumatay ay siguro noon ko pa kinitil ang buhay ng taong nasa likod ng pangyayaring iyon." Napalunok ako dahil di ko mapigilang matakot sa boses niya. Inalis ko ang pagkasandig ko sa kaniya at galit ang emosyong namutawi sa kaniya. Kung gusto niya but why is it there will be Smith tomorrow?

"Useless talaga ako diba? Hindi ko siya naipaghihiganti sa-"

"Arth!" Napataas ang boses ko nun at halatang nagulat siya. Ayaw ko ng marinig pa ang iba.

"We're same at pareho tayo nawalan. But do you know remember what had he said to us? Noong time na kumpleto pa tayong tatlo? He said na di dapat natin ang iblame ang ating sarili of what will happen?" Sabi ko sa kaniya at napaiwas siya ng tingin. Hinawakan ko ang balikat niya na napatingin siyang muli sa akin.

"Tomorrow will be your birthday,be happy okay? Isantabi mo muna ang lahat ng problema mo,kahit bukas lang." I uttered. He wipe his tears and smiled. Kita ko pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"And promise me that you will tell me the secret that you've been hidden about me." Pinisil niya ang ilong ko at paos siyang tumawa.

"Atat na atat ka huh? Ihanda mo muna ang sarili mo." Ihanda? Gaano ba kalaki ang sekreto nila sa akin?

"Balik na tayo doon, sigurado ako na hinanap na tayo." Saad niya ulit. Pinatay niya ang kalayo at sabay kaming naglakad papabalik. Bipolar din siya minsan e. Matapos siyang umiyak,magalit ay tatawa agad.

"At oo nga pala,before I forgot..." Paunang sambit niya at napatigil kaming dalawa sa paglalakad. Parang pinaplano siya sa uri ng ngiti niya.

"Ano iyon?" Tanong ko sa kaniya.

"Kakantahan mo ako bukas diba?  Dapat maganda huh?" Aba! Mahina ko siyang pinalo at sinamaan ng tingin.

"Ikaw pa nga aawitan sa awit na ayaw ko, magreklamo ka pa. Ikaw na nga ang mag-adjust!" Pa-inis na sabi ko at padabog na iniwan siya doon.

"Lhorraine,hintay!" Sigaw niya sa pangalan ko pero di ko siya pinansin.. Di naman talaga ako nainis sa kaniya at arte ko lang iyon. Tahimik nalang akong napangiti at tumakbo papunta kina Tita Janelle.

Someone

Nagsindi ako ng sigarilyo habang tanaw na tanaw ko silang dalawa. Malapit ng magkaayos ang dalawang pusong nagmamahalan noon. Pero kunti nalang, magkahiwalay din sila.

"Anong plano mo ngayon?" Tanong ng isang babae sa aking likuran. Tiningan ko ito at napangisi.

"Itago mo lang ang lahat ng ebidensiya, yun lang..." Kumunot ang kaniyang noo at tumawa siya ng mahina. Nakakairita!

"Hindi ka ba natatakot? Paano kung malaman na niya ang lahat? Paniguradong kamumuhian ka niya." Matalim ko siyang tiningnan at sa inis ko ay nasakal ko ito.

"Hindi mo naman siguro ako ipapahamak diba? I trusted you at kung sisirain mo ang tiwalang ito ay ikaw ang isusunod ko." Kamuhian man niya ako ay wala na siyang magawa pa. Ako ang nagmamay-ari sa kaniya. Ako lang...

Binitawan ko siya at hingal na hingal niya akong tiningnan.

"Alam natin na alam ng Crawford ang nangyari two years ago. Baka nakalimutan mo?" I clinched my jaw. Matagal ko ng alam yan at kung mangyari mang malaman niya ay alam ko na kusa siyang babalik sa kung saan siya nanggaling. At sa pagkakataong iyon ay hindi na ito makakawala pa.

"Wala akong pakialam." Huling saad ko at umalis.

Kung hindi aayon ang plano ko sa kaniya at kung mahuli man ako ay aayon naman ang inisip ko sa maging pupuntahan niya sa araw na may malaman siya.

Kiel Lhorraine, I'm waiting for your comeback. Hihintayin namin ang pagbabalik ng aming prinsesa.


@check_korek

Tale of their Affections (Book 1- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon