Chapter 13

11 4 0
                                    


Pagkatapos ang pag-uusap namin kahapon ay bumalik na siya dati. Not literally the old Arth, cold pa din pero di na siya masyadong masungit sa akin. Maybe he's sincere with his sorry. At siguro sobra akong na carried doon kaya napaiyak ako. When he's about to wipe my tears ay ako din naman ang umiwas ng tingin sabay sabing "apologize accepted."

Para sa iba ay walang kuwentang pag-uusap iyon dahil umalis agad ako but for me, it's not. Malaking bagay iyon para sa akin. At di ko iyon makakalimutan.

"Thanks for helping us Lhorraine," Tita said. Katatapos lang naming magplanong tatlo with Tito for the set up at kung paano siya isusurpresa. But because his birthday is on next week, Tuesday at Sunday pa ngayon kaya mamimili muna kami. It's a plan first. Sobrang excited ata nila kasi kay aga nilang pinaplano ang lahat kasama ako.

"Wala pong problema Tita," I uttered and smiled. Nag-uusap muna kami and after it, umakyat na ako sa kuwarto para magpahinga. I am really tired.

"I wanna go back to the way we used to be
I wanna feel your skin,your lips so close to me
I wanna go back when I called you mine all the time
Every smile and every moment,if only I have a time machine..."

Hindi ko pa man nabuksan ang pintuan ng kuwarto when I heard that song.

"Time machine," bulong ko at nanindig lahat ng aking mga balahibo. May naaalala na naman ako.

"If you will miss me at kung wala na ang salitang tayo sa ating dalawa."

" Lhorraine, sang it and reminisce our past para mabuhay ulit ako diyan sa puso mo."

"Mahal na mahal kita. Walang expiration at hindi iyon magbabago."

I depth sighed at tumingin sa right side. His words was a fallacy. I saw Arth playing a piano at ramdam mo ang emosyon niya habang siya'y umaawit. I wish I can have that kind of voice too.

Pero yung inawit niya,bakit yun pa? At bakit parang apekatado ata ako? Grr!

"Wanna sing with me?" Tanong niya when he noticed that I am looking him.

"Hindi muna. Sige,magpahinga muna ako." Saad ko. Tumango lang siya pero nanatili pa rin ang pagkayelo niya. I'm about to enter my room when I heard him saying behind my back. Nakalapit pala siya sa akin. Ang dali naman.

"On my birthday,"hindi masyadong yelo ang boses na iyon. I want to looked him back but I smell his scent at kung haharap ako ay paniguradong magkalapit ang aming mukha. At ayaw ko iyon.

"Favor ba iyan?" Tanong ko habang nanatili pa din ang aking kamay sa doorknob.

"More than a favor," he answered seriously. Paano kung ayaw ko? Tapos time machine yung gusto niya e. Ayaw ko!

"Paano kung ayaw-" naputol ang sasabihin ko when he carried me.

"MOMMY! DADDY!" Sigaw ko habang siya ay bumaba sa mataas na hagdan. Nabango ko tuloy ang pabango niya ng malapitan at para na talaga akong kinuryente.

"Wah! TITA,SI ARTHNEIL JAMES PO!" I shouted yet Arth just laughed in a first time. My cheeks went read when I saw them looking us.

"Pashneya ka,"bulong ko sa kaniya at napasubsob sa dibdib niya. Mahina ko siyang hinampas dahil sa hiya pero wala pa din siyang balak na ibaba ako.

"Kuya, ibaba mo ang ate ko!" Ard shouted while Tita,Tito and Ark are laughing gaya nitong bumuhat sa akin.

"Ate mo ba ito?" Pang-aasar niyang sabi. Ngayon ko lang narinig ang ganoong boses niya. Namula si Ard at tinalikuran kami.

"Ate ko yan at di mo yan ate." Pagmamaktol nito at di na niya kami liningon pa.

"Pikon ka bunso," dagdag pa nito at sinulyapan ako. Matalim ko siyang tiningnan pero di niya ako pinansin. Instead ay muli siyang tumingin sa bunso niya.

"Ate mo lang ito pero akin to," feeling ko tumaas lahat ng dugo ko dahil sa sinabi niya. Dagdagan pa ng pagbilis ng tibok ng aking puso na para bang nabaliw na.

"Psh,fallacy." Bulong ko sa sarili. Hindi naman iyon totoo, panigurado. At bakit naman ako maniniwala?

"Whatever," masungit na bigkas ni Ard at tuluyang pumunta ng kusina. Malakas na tawa ang narinig namin galing kay Arth at talagang kaming lahat ay natigilan doon.

"Oh bakit? Mom, Dad, may lakad lang kami." Sabi niya at di ko makita ang expression ng mukha niya sapagkat di ko naman siya tiningnan. Lumabas na kami ng tuluyan at pinasok niya ako sa kaniyang sasakyan.

"Saan mo ako dadalhin?!" Inis kong tanong sa kaniya. Nagmaneho na siya at nasa daan na kami palabas ng village nila. He won't answer so I chose to remained silent. Saan ba ako dadalhin ng lalaking ito?

Nakalabas na kami ng village but he's still laughing. And silently, a smile formed between on my lips. I heard his laugh again. Sa ilang taon na lumipas ay narinig ko ulit ang tawa niya na parang walang katapusan.

Bahala na kung pagtripan mo ako basta tatawa ka lang,ayos na.

Pinilig ko ang ulo ko sa aking naisip at pati sarili ko ay nagulat doon. Sira ka talaga Lhorraine,kahit kailan!

"Bakit mo ako dinala dito?!" I asked when he parked his car. Dinala lang naman niya ako dito sa mall. At anong gagawin namin dito?

"Thank you ah, thank you kasi ginala mo ako." Sarcastic niyang sabi na napatawa sa akin. Ang cute niya nang sinabi niya iyon.

"And I don't know," he added. Sira din pala e. At least di ako nag-iisa diba? Bumaba na siya ng sasakyan at sumunod naman ako. I tied my hair properly and I watch my reflection on my phone's screen.

"Let's go,di ka talaga maganda." Sinamaan ko siya ng tingin at nauna na siyang naglakad. Sarap sapakin, hmpk!

Hindi ako sumunod at nanatili lang akong nakatayo kung saan siya kanina. Tinitigan ko lang ang likod niya at sumandig sa kaniyang kotse. Aaminin ko,para akong naiilang matapos niya iyon gawin sa akin. Pero deep inside was I don't know why I felt so happy. Malayo-layo na din ang nalakad niya at di niya talaga ako napansin.

Grr,bahala siya sa buhay niya!

Napayuko nalang ako at hihintayin ko nalang siya dito hanggang sa matapos siya sa pakay niya doon. Wala naman akong choice e at wala din akong balak na susundan siya. Lalo na sa ikakasama siya dito sa public.

"Bakit di ka sumunod?" Napalundag ako sa gulat at hinabol ang aking hininga. Paksheyt,para siyang multo na bigla lang sumulpot.

"E...kasi-"

Hindi ko na natapos ang aking mga salita when I felt his left hand's holding my right hand. Ang lakas na ng tibok ng puso ko. Parang gusto ng lumabas at nabibingi na ako. May sinabi pa siya ngunit di ko na iyon narinig pa.

"Kahit ngayon lang, pagbigyan mo ako."


@check_korek

Tale of their Affections (Book 1- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon