Chapter 17Matt's POV
(A/N: We'll go to Matt's POV for a change. It'll go back to Nisha's soon.)
2:30 pm.
Pupuntahan ko na ba bahay ni Nisha? Medyo tinatamad ako ngayon eh tsaka may kalayuan din. Natapos ko ng kainin yung mga naiwan nyang chips sa cupboard nya, mamaya maghahanap na lang ulit ako ng makakain ko.
Sigurado naman ako na di sya magagalit. Maiinis oo, pero hindi yun magagalit, gagawin din naman nya to eh kung sya pinagbantay ng bahay ko.Kinuha ko yung wallet ko sa taas ng coffee table at binuksan ito, napangiwi na lang ako ng makitang 50 na lang laman nito.
Pinambayad ko na pala kahapon ng tubig at kuryente. Hayy, kung nandito lang si Nisha kahit kuripot yun papakainin nya ako.
Teka, may choice nga pa pala ako.
At para di halatang patay gutom ako isasabay ko na lang ibigay sakanila yung wedding invitation ng kapatid ko.
Nilock ko ang lahat ng mga bintana at pinto sa apartment ko bago sumakay sa motor.Pupuntahan ko si Hans, chef nga pala si Elliot at baka pagluto nya ako.
Kaya lang, pagkarating ko kayna Hans, nakita ko na lang na paalis na yung BMW ni Elliot at nasa may pintuan si Hans na parang naglulupasay na ewan.“Uy bakla, napano ka?” sabi ko at lumapit sakanya.
Tiningnan nya ako na pula at maga ang mata sa kakaiyak.
“Si Elliot, iniwan nya ko.” iyak nya.“Alam mo ang panget mong umiyak. Nakita ko nga, kakaalis lang.” Sagot ko at tumayo sya at tiningnan ako ng masama.
“You don't understand! He left me for real, di na nya ako babalikan, pinagpalit nya na ko sa mas magandang bakla.”
Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko alam ang gagawin. Tsk. Kung nandito lang si Nisha baka alam nya gagawin. Kinuha ko ang kamay ni Hans at inalalayan sya sa loob kahit mahirap, ang bigat naman kasi eh. Pinaupo ko sya sa sofa kung saan patuloy syang umiiyak.
Napabuntong-hininga na lang ako nilapag yung mga wedding invitation sa maliit na table sa tabi ng sofa, tapos kinuha ko yung phone ko at tinext si Nisha, baka mabigyan nya ako ng advice kung ano ang gagawin.“A-Anong ginagawa mo?” Tanong ni Hans kaya tumingin ako sakanya habang binubulsa ang cellphone ko.
“Tinext ko si Nisha, baka alam nya gagawin.” Sagot ko.
“Wag!” biglang sigaw nya kaya ako napatalon.
“Bakit naman?” nagtatakang tanong ko.
“Just don't. Ayoko munang maistorbo yung bakasyon nya at baka pag bumalik sya rito ay magpa-uto nanaman sya kay Lucian.” sagot nya at pinunasan ang luha nya gamit yung sleeve ng damit nya.
Nagkibit balikat ako.
“Natext ko na, sabi ko wala na kayo ni Elliot.”Tiningnan nya ako ng masama at napataas ang kaliwang kilay ko.
“Ano?”“Did you have any idea of what you've just done?! Pupunta dito si Nisha and Lucian would have the chance na kontrolin sya ulit!” He screamed kaya napatakip na lang ako sa tenga ko.
“Edi ite-text ko ulit na wag syang pumunta rito at prank lang yun.” Sabi ko at kukunin ulit sana ang phone ko pero nagsalita ulit sya.
“Parang hindi mo kilala si Nisha, tingin mo ba maniniwala sya na ipa-prank mo sya sa ganung bagay? Kahit sabihin mo na hindi sya pumunta rito, uuwi't uuwi pa rin sya. Di ka ba nag-iisip?!” Sabi nya at biglang sumama ang pakiramdam ko ng na-realize ko na tama sya.
“G-Gagawan ko ng paraan.”
“Too late.” sagot nya at tinuro ang pinto.
“Get out at kailangan ko muna mapag-isa. Ang bigat na nga na nakipag-hiwalay si Elliot dadagdagan mo pa ang problema ko. Umalis ka na muna.”
BINABASA MO ANG
P.S. Obsessively In Love With You
RomantikWarning: This story contains abuse and toxic behaviour that should never be normalized in real life. Read at your own risk. --- Nisha wants to become a well known horror romance writer, it was one of her biggest dreams. So it was no wonder how excit...