HIATUS (noun)• a long break or interruption in time.
—————
"Monty," tawag sa'kin ni Teo. "May tanong ako sa'yo."
Nilingon ko naman siya, tinaas pa'ng kilay ko. "Ano?"
Bahagya siyang ngumuso bago nagsalita. "Kapag ba sinabi kong... mahal kita, magagalit ka?"
Sandali akong natahimik, hindi alam ang isasagot sa kaniya. Hindi naman ako nagulat dahil natural na kay Teodoro ang magtanong ng mga katangahang gano'n. Ang random niya talaga. Parang ugag.
"Malamang, mahal mo 'ko," sagot ko at inalis ang tingin sa kaniya. "Magkaibigan tayo, 'di ba?"
"Hindi gano'n. Tanga mo naman," masama ang tinging sabi niya. "Pa'no kung mahal, as in mahal, talaga kita? 'Yung hindi lang bilang kaibigan."
"Siraulo ka ba?" kunot-noong tanong ko nang makalingon ulit sa kaniya.
"Dali na!" aniya at sumimangot. "'What if' lang naman, sagutin mo na." pamimilit niya at siniko pa ako nang mahina.
Bumuntong-hininga ako at umiwas muna ng tingin, nag-iisip. Imposible naman 'yong iniisip niya dahil alam kong hindi kami darating do'n kahit kailan. Kaibigan ko lang siya, at ayokong masira 'yon dahil siya lang ang itinuturi kong kaibigan ngayon.
"Wala akong masagot," sagot ko ulit at tumingin sa mga paa ko.
Naramdaman kong lumingon siya sa'kin. "Bakit?"
Tumahimik ako. Mayamaya'y inangat ko na ulit ang paningin ko kay Teo na nakatitig din sa'kin, pagkatapos ay bahagya ko siyang nginitian.
"Malabong mahalin mo ako, dahil magkaibigan lang tayo."
—————
VBoys Series #1: Hoax
VBoys Series #2: Heartbreaker
VBoys Series #3: Haven
VBoys Series #4: Hiatus
i highly suggest you read VBoys Series #1: Hoax, VBoys Series #2: Heartbreaker, and VBoys Series #3: Haven before reading this story. this may contain spoilers. if you are looking for the following stories, you can visit my profile:
@thesarbey
—————
this is a work of fiction. names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents do not depend on anything and are product of the author's imagination. any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
plagiarism is a crime.
enjoy!
love lots,
thesarbey
BINABASA MO ANG
Hiatus (VBoys Series #4)
RomanceVBOYS SERIES #4: VILLAROEL --- "Malabong mahalin mo ako, dahil magkaibigan lang tayo." Hailey Jacquelyn Montemayor has never been the sociable type. She never had a lot of friends, and she liked it that way. That's what she thought... until the frie...