Elezia POV
Hindi pa rin kami nakaalis dito sa place namin matapos ang meeting. Masiyadong nagsasaya ang mga members ko dahil hindi masyadong crowded ang lugar and kakaunti lang din naman ang tao.
Napatayo ako para magbanyo. Huhugasan ko ang kamay ko dahil kanina natapunan ito ng alak.
Malapit na ako sa restroom ng Girls ng may narinig akong babaeng tumitili. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras agad kong sinundan ang ingay na narinig ko mula sa isang babae.
Nakita ko sila sa may likod ng restroom kung saan walang makakakita dahil hindi ito puntahan ng iba pang guests dito sa bar.
Nakita ko yung babae na hirap na hirap habang nilalatay ng 3 pang lalaki. Malalaki ang katawan ng mga ito pero hindi ko pa rin sila uurungan.
Agad kong hinila ang nasa gitnang lalaki at ng aambahan na niya ako ng suntok nakaiwas ako.
"At sino ka naman miss? Gusto mo din bang matuhog?" Saka siya humalakhak nang malademonyo.
Kaagad ko siyang siniko at tsaka sinipa dahilan para mapatumba siya. Namimilipit na siya sa sakit. Hindi ko ikakailang may itsura ang lalaking ito. Pasalamat siya at hindi pa nila nagalaw ang babaeng nandito.
Nilingon ako nung dalawa pa niyang kasama at naglabas ng pocket knife yung isa pa. Hinawakan ako nung isang lalake pero agad kong inikot ang katawan ko dahilan para mawalan siyang tyansang pumalag. Natumba din siya kasama ang leader yata nilang mala bullsh*t.
"Matapang ka ha. Nice to meet you Elezia." Nagulat ako sa sinabi nung lalaking iyon na nauna kong pinagbuhatan ng kamay.
"Hindi na kita hahayaang magpakilala, huwag kayong magkalat lalo na dito sa bar na ito."Humalakhak ulit siya at akmang tatayo na pero nasipa ko ang paa niya.
"Pano ba iyan? Mag-isa ka nalang, ang hina naman ng dalawa mong kasama." Susugod na sana siya para itarak ang balisong niya sa kahit na anong parte ng katawan ko pero hinila ko ang balisong niya gamit ang kamay ko at agad siyang napalapit sa akin.
Doon ko siya natutukan ng baril sa may sentido.
" Umalis na kayo sa lugar na ito kung gusto niyo pang mabuhay, manatili kayo kung gusto niyong makita si kamatayan." Agad siyang tumayo at inalalayan ang dalawa pa niyang kasama.
Nilapitan ko ang babae para tulungan siyang tumayo. Nakikilala ko siya, isa siyang estudyante sa UST. Siya si Zyrine yung palaging nabubully dahil sa pagiging nerd niya.
" Ayos ka lang ba?" Sabi ko at tinignan ko ang katawan niya kung may sugat. Pero wala naman akong nakita.
"Ah oo, salamat ha baka di ko alam ang gagawin ko kung wala ka dito." Ngumiti siya sa akin, nginitian ko din siya.
"Matuto kang lumaban Zyrine, magiging sandata mo iyon. Pero nasasaiyo parin kung mananatili ka aa kung ano ka ngayon." Hindi siya nakasagot sa mga sinabi ko.
"Umuwi ka na Zyrine. Baka mapahamak ka ulet. Huwag mo ulit hayaan na gawin nila sa iyo yon, kilala mo ba sila?" Tanong ko pero umiling siya halatang baguhan lang dito ang tatlong iyon.
"Hinde eh parang baguhan lang ang mga iyon, siya sige mauna nako Elezia. Salamat ulet, Byee!" Agad na siyang lumabas para makauwi na din.
![](https://img.wattpad.com/cover/246948024-288-k696711.jpg)
YOU ARE READING
The Gun and Gang
ActionMy name is Elezia Elouise Zainoda. A girl who loves to kill nasty people. A leader of a former gang. Who fell inlove with a guy who give me a reason to open my heart. A woman is not just woman, we are woman we can do whatever we want. Hangad ko lama...