Elezia's POV
Maaga akong nagising para magprepare at magbasa kaunti ng mga lessons na hindi ko naman alam kung inaral nila. Alam nila mommy na kaya kong ipasa ang exam pero dahil major subjects ang kailangang maitake ngayon aagahan kong pumasok.
Halos limang araw na din nang wala akong balita kayla Jen dahil na din siguro busy din sila.
Nagpaalam na ako kay Mommy na aalis na ako papunta ng school. Hindi na ako kumain pa ng breakfast dahil busog pa naman ako.
Pagdating ko sa school Nakita ko si Lucas sa tapat ng gate sa school. Kausap niya yung kapatid niya na halatang kararating lang din. Matalino ang kapatid ni Lucas hindi tulad niya na mahina ang utak. Natigilan ako ng mapatingin si Lucas sa gawi ko. Iniwas ko agad ang ulo ko.
Pumasok nalang ako sa school pagkatapos magpark ng sasakyan. Pumunta ako sa garden para muna lumanghap ng hangin. Naisipan kong tawagan sila Jen para na din kamustahin sila.
"Hello Jen? Kamusta kayo?" Tanong ko kay Jen. Gusto kong makasiguro na ayos lang sila. Ayaw ko silang napapagod dahil wala pa namang kilos na ginagawa ang grupo ni Lucas.
"Ah Aseo okay lang po kami, kayo po kamusta?" Nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman okay lang sila Jen. Ayaw ko silang maghanap muna information about sa profile ni Lucas.
Hindi ko pa nasasabi sa kanila na nagkausap na kami ni Xadrix at nagkaaway na kami. Hindi ko kayang paniwalaan ang mga sinasabi ni Xadrix dahil kapag naniwala ako sa kanya maaaring mapahamak ang pamilya ko.
Gusto niyang maghiganti at pumatay ng isa sa mga Zainoda.
"Ah hello Aseo? Nandiyan pa po ba kayo?" Agad akong natauhan ng magsalita si Jen sa kabilang linya. Nawala sa isip ko na kausap ko pala siya.
"Ay hala nandito pa ako Jen sorry." Pagkatapos kong sabihin yon agad namang nagring ang bell sign na after 15 minutes magsisimula na ang Exam.
"Ah Jen ibababa ko na papasok na ako sa room. Bye Jen if there's a problem just contact me or go to our house." Ibinaba ko na ang linya matapos kong sabihin ang mga iyon.
Pumunta na ako ng room at wala pa ang proctor. Hindi namin alam kung sino ang proctor ngayon. Habang wala pa namang teacher pumunta muna ako sa may bintana at tumingin sa baba.
Maya maya lang ay pumasok ang isang teacher at....
kung minamalas ka nga naman yun pang masungit na teacher ng Science Biology. Si Mrs. Buenevades siya ang pinaka masungit sa lahat ng lecturer. Lagi niya akong binabara tuwing present ako sa class niya.
"Goodmorning class today is the second day of our examination. Huwag kayong magcheat dahil irereport ko agad sa guidance ang sinumang magcheat." Ang aga aga nasa mood siyang magtaray. Nakakairita ang boses niya parang sibuyas na ginigisa.
Nagulat naman ako nang lingunin niya ako. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Halatang ipriprito nanaman niya ako sa kumukulo niyang mantika.
Yes, kaya kong ipasa ang exam kahit hindi ako nagrereview. Nagugulat siya dahil naipeperfect ko ang bawat surprise quiz na pinapagawa niya kahit na absent ako.
"Siguraduhin mo Ms. Zainoda huwag kang mahangin. Okay class let's start the first subject."
Matapos lang ang ilang oras tapos na ang exam. Kala ko mahirap pero parang mas mahirap pa ang mga nasa minor subjects kaysa sa mga major subjects.

YOU ARE READING
The Gun and Gang
ActionMy name is Elezia Elouise Zainoda. A girl who loves to kill nasty people. A leader of a former gang. Who fell inlove with a guy who give me a reason to open my heart. A woman is not just woman, we are woman we can do whatever we want. Hangad ko lama...