Chapter 6

10 2 0
                                    

Xadrix's POV

Hi my name is Xadrix Len Golma. I studied at Australia but I prefer to stay here in my cousins house here in Philippines. Pumunta ako abroad dahil hindi ko kayang makita ang patayan sa pagitan ni tito at kalaban niya.





Im also a gang leader few years ago. Bumitaw ako sa pagiging leader dahil alam kong hindi ko kayang pumatay ng inosente.



Labis ang lungkot ni Lucas ng mamatay ang father niya. Plano niyang patayin ang anak ni Dr. Zainoda na si Elezia Elouise Zainoda.




Kilala ko sila dahil kasama rin ako sa planong ito kaya umuwi ako ng Pinas. Nais kong malaman kung sino ba talaga itong Zia na ito.




Noong umuwi ako masyadong bored. So I decided to go to bar with my old friends.


Sinundo ko sila sa bahay nila para sabay sabay kaming uuwi pag tapos na kaming uminom.


Matapos ang 30 mins na byahe nakarating na din kami.


Nandito na kami sa bar. Hindi daw kilala itong bar na ito dahil tago at mga mayayaman lamang ang nakakatapak dito.


Habang umiinom kami may nakita kaming isa babae. She's so damn sexy and hot. Agad ko siyang nilapitan at hinila sa tabi ko.


Agad naman siyang napaiwas pero mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya.


"Ano ba bitiwan mo nga ako!"  Sabi niya habang pinapalo ako sa braso.





"Shhhh hindi kita sasaktan. Just come with me." Sabi ko sa kanya pero ayaw patinag ang tibay.



"Sabi nang bitawan mo ko eh! Sino ba kayo ha?"  Irita na niyang sabi kaya naman nag-init ang ulo ko.




"Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo."  Hinila ko siya papunta sa may tabi cr para walang makakita.



Sinenyasan ko ang dalawa kong kasama na bantayan kung sino mang makakakita sa amin.




Nakuha agad nila ang ibig kong sabihin kaya naman humarap na ulit ako dito sa babaeng kasama ko.



Ngumiti ako sa kanya at kinindatan siya pero sadyang maarte ang isang toh. Tsk.



"Ano ba kasing kailangan niyo?"  Tanong nanaman ng babae kaya naman mas lalong lumakiang ngiti ko.



"Ikaw, ikaw ang kailangan ko." Akma ko na sana siyang gagalawin ng tumili siya ng malakas.



"Ano ba wag ka ngang maingay. Kung hindi papatayin kita." Inis na sabi ko.




"Tulonggg!!!!!!!" Sigaw ulit niya. Nakakarindi naman itong babae to. Sakit sa tenga.


Hindi pa man ako nakasagot sa babae, May isang babaeng dumating.



Kaagad akong hinila nitong babae at aambahan ko na sana siya ng suntok pero nakaiwas siya.



Kakaiba mabilis ang kilos niya. Halatang marunong makipaglaban.




"At sino ka naman miss? Gusto mo din bang matuhog?" Humalakhak langako sa kanya ng nakakaloko.



Agad niya akong siniko at sinipa kaya naman nawalan ako ng control tsaka napatumba nalang. Masakit yun ahhh. Bwiset na babae to may kalalagyan to.


The Gun and GangWhere stories live. Discover now