Prologue

373 6 0
                                    

(Author's Note: This is not a perfect story. Don't expect to much because I'm not a perfect writter. May mga naisulat na ko pero hindi pa yung sapat para matawag akong Author. Pakisuportahan ang storyang ito! Wag po kayong maihihiyang magsabi kung sa tingin nyo ay may mali, bagkus makakatulong iyon para ma-improve ko pa yung pagsusulat ko. Ngayon pa lang pinasasalamatan na kita dahil binabasa mo ito. Konting pasensya at pagi-intindi. Salamat! ♥♥ share the love guys! #PositiveVibes ☜ -Khitqhielle ♡)

---

Prologue

Napakabait ko daw na anak. Ginawa ko daw ang lahat para mapaligaya ang mga magulang ko kahit pa ang kapalit nito ay ang sarili kong kaligayahan. Saklap no? Sabihin ko na nga.

Kinasal lang naman ako.

Yeah! Simple like that. Kinasal lang naman ako sa isang Halimaw! Hindi literal na halimaw, pero ugaling halimaw. Mukha na rin pala syang halimaw na uhaw na uhaw sa katawan ng mga dilag. Kadiri! Bwiset na yan!

Ang saya no? Nasira lang naman ang mga pangarap ko, pangarap namin ng taong mahal ko. Sa isang iglap biglang naglaho. Masakit, pinakamasakit na desisyon para sakin ang ginawa ko. Pero mas masakit makita na nahihirapan na ang mga magulang ko. Kaya naman, pinagpalit ko ang lahat ng kasiyahan ko mapanatag lang sila.

Sa una inisip ko, pwede bang mag paka selfish muna ako? Ngayon lang para sa ikaliligaya ko.

Pero matitiis ko ba ang mga magulang ko? Matitiis ko bang makita ang papa ko na nakalatay at nahihirapan sa hospital gayong may alam akong paraan para mapagaling sya? Hindi diba?

Kaya nagpakasal lang naman ako. Paraan para gumaling si Papa.

Wala na kong naisip na paraan bukod doon. Wala kameng malaking pera para mapagamot sya. Tanging sa Fix marriage na lang kame umasa. Ipapagamot nila si Papa kapag pumayag ako. Ang hirap talaga kapag mahirap ka. Pero kahit mahirap ako, may digdinidad ako. Isang katangian ko na hindi kayang bilhin ng pera.

Kahit masakit at labag sa loob ko, ginawa ko. Pinanindigan ko, alang alang sa kalagayan ng papa ko. Bayani ako eh!

Ngayon? Eto, ang saya saya! Hindi ko kasama ang taong pinapangarap ko. Ang masaklap pa don, nagsinungaling ako sa kaniya.

Flashback

"Nikki? Bakit?" Sabi nya ng puno ng pagtatanong ang mga mata nya. "Anong ginawa kong mali? Huwag ka namang ganyan oh!?" At nagsimula na syang umiyak.

Tumalikod na ko sa kaniya. Hindi ko maatim na makita ko ang taong pinakamamahal kong umiiyak dahil sakin. Parang dudurugin ang puso ko kapag nakita ko yun. Baka bawiin ko lang lahat ng sinabi ko. Sobrang sakit! Sobra!

Hindi ako nagpatalo sa sakit na naramdaman ko. Inayos ko ang boses ko kahit alam kong anytime baka marinig ko na rin ang sarili kong umiiyak.

"I'm sorry Michael, na-realize ko lang na... hindi na pala kita mahal."

Naramdaman kong nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Napansin ko din syang hindi na nagsalita. Ang tanga ko! Napakatanga ko! Sinaktan ko lang naman ang taong mahal ko.

"Nikki?" Nagbalik ako sa katinuan ng nagsalita sya. Nakatalikod pa rin ako sa kaniya. "Binigay ko lahat sayo. Kaya kong gawin ang lahat para sayo. Hindi pa ba sapat yon? Sabihin mo lang kung ano yung mga ayaw mo, babaguhin ko."

Mas lalo na kong naiyak. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman namin sa isa't isa. Ganyan nya ko kamahal, kaya nyang magbago para saken. Napakalaki ko nga lang tanga dahil papakawalan ko na sya. Napakahirap na desisyon para saken pero hindi ko mapigilang isipin na sa mga susunod na araw, gigising na lang ako na hindi na sya ang katabi ko dahil kasal na ko sa iba. Alam kong masasaktan sya kaya naman pinangunahan ko na. Ganyan ko sya kamahal! Mas maganda nang nagsinungaling ako sa kaniya kaysa sa malaman nya ang walang kwentang bagay na papasukin ko na hindi sya kasama.

Naramdaman ko ang mga braso nya na yayakapin ako patalikod. Hinayaan ko na lang sya na gawin iyon kase alam kong huling yakap na ito. Mami-miss ko to ng sobra! Ang mga yakap at halik nya. Ang mga paglalambing at pagiging maalaga nya. Lahat ng yun, mawawala na.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Hinalikan nya muna ako sa pisngi bago nya pinatong ang ulo nya sa balikat ko habang nakayakap patalikod saken. Umiiyak rin sya dahil nararamdaman ko sa balikat ko yung luha nya. Ang sakit. Please naman! Wag mo naman akong pahirapan.

Wala na kong magagawa saming dalawa. Naka-oo na ko sa pesteng kasalan na yan! Kaya kahit anong gawin ko, wala na kong takas.

Naramdaman kong bumitaw na sya sa pagkakayakap nya saken. Ibig bang sabihin nito bumitaw na rin sya saken?

5 minutes. Ganyan tumagal ang yakap nya sakin. Walang nagsasalita, walang imikan. Tanging ang mga iyak at hikbi lang ang naririnig namin.

Napahawak ako sa bibig ko dahil alam kong humahagulgol na ko. Hindi ko na talaga kaya! Kailangan ko nang tapusin ang lahat ng namamagitan sa amin bago pa magbago ang isip ko at mag paka selfish na naman ako.

Pinunasan ko ang mukha ko at inayos ang sarili ko. Humarap ako sa kaniya. Nanlaki ang mata ko nung nakita ko sya. Mugto ang mga mata at tahimik lang. Naiiyak na naman ako. Nakita mismo ng dalawa kong mata na umiiyak si Michael, ang pinakamamahal ko.

Hindi pwede! Kailangan ko nang ituloy. Lumalambot na naman kase ang puso ko. Hindi ito pwede!

"Tapos na ang lahat satin Michael. Kalimutan mo na ko. Wala nang dahilan para ipagpatuloy natin to dahil hindi na kita mahal. Huwag mo na kong subukang lapitan dahil.. sawang sawa na ko sayo."

Wala na... nasabi ko na. Bato na eh! Wala na kong pakelam kung masaktan sya sa mga sinabi ko dahil hindi lang naman sya ang nasaktan. Kaming dalawa.

Sa huling pagkakataon, tinitigan ko na sya. Pinilit kong mag pretend na wala na kong nararamdaman pa para sa kaniya, makita ko lang sa huling pagkakataon ang mukha nya. Babaunin ko to sa utak ko.

Hindi na sya nagsalita. Naramdaman ko nang sumuko na sya. Sapat na rin talaga ang mga sinabi ko para bumitaw na sya.

Kilala ko sya, kapag nasasaktan sya, pipiliin nya na lang manahimik kaysa sa magsalita.

Sobra na kameng nasasaktan. Kaya naman tumalikod na ko. Paalis na ko ng bigla syang nagsalita.

"Ni minsan ba.. minahal mo ko?"

Napatigil ako sandali. Dyosko! Alam ng Dyos kung gaano kita kamahal! Mahal na mahal na mahal na mahal kita! No words can describe how much i love you.

"Minahal kita, pero nakakasawa."

Kinagat ko ang labi ko. Nararamdaman ko na naman kaseng iiyak ako. Pesteng luha yan! Makisama ka naman!

"Ganun mo na lang ba kayang kalimutan ang apat na taong pinagsamahan natin?" Sabi nya ng umiiyak.

"Oo, dahil lahat ng yon wala ng halaga para sa akin."

Dyosko! Naging makabuluhan ang buhay ko nung nakilala kita kung alam mo lang.

"Hindi na kita kilala."

Pinigilan ko ang sarili ko. Ang sama na siguro ng tingin nya saken ngayon. Umiyak ako ng walang ingay.

"Salamat na lang sa lahat." At umalis na ko.

Nang medyo malayo na ko, sinimulan ko ng tumakbo na parang walang bukas. Hindi ko na din napigilang maiyak uli. Nagsisigaw ako habang tumatakbo. Wala na kong pakelam kung magmukha man akong tanga sa mga taong nakakakita saken. Eh tanga naman talaga ako! Napakalaki kong tanga!

Dumiretso ako sa bahay at agad agad pumasok sa kwarto ko. Doon ko lahat nilabas ang sama ng loob ko. Nagsisigaw ako ng parang ako lang tao sa mundo. Nagsisigaw ako na para bang gusto ng maputol ng ugat sa leeg ko.

Nang medyo kumalma ako, kinuha ko ang mga litrato namin. Mga masasayang memories. Titignan ko lang habang iyak ng iyak. Isa na lang tong magandang alaala na hinding hindi ko makakalimutan habang buhay.

Mahal na Mahal kita Michael! Kung alam mo lang..

---

(Enjoy and keep reading! Salamat!)

My Casanova HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon