Napakalakas ng kabog ng puso ko. Sa nakikita ko kay Ivoh para syang galit at sobrang seryoso. Nakaramdam tuloy ako ng takot sa kaniya. Nakakuyom pa rin ang mga palad nya at ang sama ng tingin nya kay Dylan. Ano bang nagawa nya? Sa awra ng pagkatao nya parang naghahanap lang ng away. Wag mong sabihing...
*boooooggssh*boooooggssh*
"IVOH!" Sigaw ko.
Sinuntok ni Ivoh si Dylan dahilan para mapaupo sya.
"FUCK OFF TO MY WIFE!" Sigaw nya naman kay Dylan.
Aakmang susuntukin ulit ni Ivoh si Dylan pero hinarangan ko at tinulak ko sya palayo kay Dylan.
"ANO BANG GINAGAWA MO?! BAKIT MO SYA SINUNTOK?!" Galit na sabi ko.
Bakit nga ba sya nanununtok? Hindi ba sya nahihiya sa pagmumukha nya?
Hindi sya nagsalita. Siguro dahil nagulat sya na sinigawan ko sya.
Lumuhod ako para makita ang mukha ni Dylan. Nanlaki ang mata ko ng nakita kong may dugo ang dulo ng labi nya.
"D-Dylan.."
Hinawakan ko ang mukha nya. Ngumiti lang sya saken na parang sinasabing 'okay lang'. Oo napakagwapo nya kapag ngumingiti sya, pero ngayo may dugo yung labi nya! Pero bakit ganon? Gwapo pa rin? -___-
"C'mmon!" Sabi saken ni Ivoh at hinawakan ako sa braso. Napatayo tuloy at napaharap sa kaniya. Ang sakit ng pagkakahawak nya saken.
"Ano ba!? Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako!" Nagpupumiglas na sabi ko. Pero hindi nya ko binitiwan. Mas lalo nya pang diniinan ang pagkakahawak sa braso ko. Nakatingin siya ng masama saken.
"ANO BA!?" Sigaw ko. Nasasaktan na talaga ako.
Hanggang sa tinulak nya ko papalapit sa katawan nya. Naramdaman ko ang labi nya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari. Hinahalikan nya ko ng madiin at mabilis na kumikilos ang labi nya sa labi ko. Nalasahan ko ang laway nya, lasing sya!? Kaya naman pala bangag! Hindi ako makahinga sa nangyayari. Kaya nagpumilit akong kumalas mula sa mga halik nyang marahas. Sa ginawa nya mas lalo lang akong nagalit sa kaniya. BASTOS! MANYAK!
*paaakkk*
Hindi ko na napigilan ang sarili kong sampalin ang napaka-kapal na pagmumukhang taglay nya. Sinong nagsabi sa kaniyang pwede nya kong halikan? Kapal ng mukha! Walang hiya talaga!
Hinawakan nya uli ako sa braso pero nagpumiglas uli ako.
"ANO BA?! BITAWAN MO SABI AKO EH! NASASAKTAN AKO!" Sabi ko habang tinatanggal ang kamay nya sa braso ko. Bangag na nga talaga.
"Bitawan mo sya."
Napatigil kaming dalawa ni Ivoh ng nagsalita si Dylan. Napatingin naman ako sa kaniya.
"Sino ka para pagsabihan ako kung ano ang gagawin ko sa asawa ko?!" Seryosong sabi ni Ivoh.
"Im he's friend. Sya na ang nagsabing bitawan mo sya kaya bitiwan mo ang braso nya." Seryoso sabi ni Dylan.
Napalunok ako ng laway sa kanilang dalawa. Tinginan pa lang nila parang nagpapatayan na! Ramdam ko yung kuryente sa tinginan nila.
Tinignan ko si Dylan at tumingin naman sya saken. Nakita ko yung labi nyang pumutok dahil sa suntok ni Ivoh. Nasugatan tuloy yung labi nya. Bwiset talaga tong Ivoh na to! Nanununtok ng wala sa lugar!
Tinignan ko naman ngayon si Ivoh. Nakahawak pa rin sya sa braso ko. Sinamaan ko sya ng tingin. Ang kapal talaga ng mukha! Grabe!
"Bitawan mo ko." Seryosong sabi ko habang nakatingin sa kaniya ng diretso. Galit na talaga ako.
BINABASA MO ANG
My Casanova Husband
RomanceIsang araw nagising na lang ako na kasal na pala ako sa ISANG CASANOVA! Hindi sya ang pinapangarap kong lalaking makakasama ko habang buhay pero, mapipigilan ko ba ang sarili ko na kumalas sa kanya kung unti-unti na rin akong nahuhulog sa kaniya? #...