Lumabas na ko sa kotse ng punong puno ng paninindigan ang isip. Inilahad ni Ivoh ang mga palad nya sa palad ko dahilan para mag holding hands kame. Di naman ako pumalag. Hinayaan ko na lang. Wala kase akong paki-elam.
"Congratulations!" Bati sa amin nila Mr. And Mrs. Parker. Ang mga amerikanong ninang at ninong namin.
"Thanks." Sabi ni Ivoh at dinaanan na nya. Bastos kumbaga! Syempre bago ko sila malagpasan, ngintian ko sila. Nakakahiya naman kase kung pati ako bastusin ko sila. Di naman ako ganun kagaya nitong taong to!
"Congratulations!"
"Wish you all the best!"
"Happy Wedding!"
"Be a good husband and wife!"
"Congrats! Mr. and Mrs. Peterson!"
Bati nga mga tao samin. Puro ganyan na lang talaga ang mga naririnig ko. Nakaka umay! Wala bang iba? Nakakairita sa totoo lang! kase in the first place, hindi naman kami masaya na kasal na kami! Ano bang happy doon? Nangingiwi na lang ako sa mga sinasabi nila.
"Ladies and Gentlemans! Let us all welcome Mr. and Mrs. Peterson! Let us give them a warm of applause!" At nagpalakpakan naman silang lahat.
Sa wakas nakarating na rin kame sa lugar namin. Nagsimula na rin ang reception. May MC sa harap namin na di ko naman kilala. Puro english ang salita! Malamang amerikano sila eh. Nakakabagot promise!
Actually puro Amerikano ang mga invited sa kasal namin. Halos lahat puro mga kaibigan ng mga magulang ni Ivoh. Amerikano kase Daddy ni Ivoh, kung hindi ako nagkakamali French ata? while her mom is half italian and Filipino. Karamihan sa mga invited ay mga Co-Business partners ng mga magulang nya. Bongga diba? Lumipad pa ang ilan dito para makapunta sa magarbong kasalan na naganap. At ako? Purong puro! Pure Filipina. Sa side ata namin, ang tita ko lang ang invited dito at ang anak nya na pinsan slash bestfriend ko, si Bianca.
This wedding is the perfect wedding that every girl's dream.
Oo, aaminin ko. Isa nga itong perfect wedding para sa dalawang taong inlove sa isa't isa. Pero para saken? Syempre mas perfect pa din kung kinasal ako sa taong mahal ko at mas perfect din para saken ang Church Wedding kaysa sa Beach Wedding. Iba rin talaga kasi kapag sa simbahan ka kinasal.
Haaaaayyy
Napahikab ako bigla. Nakaramdam kase ako ng antok. Medyo wala rin pala akong tulog, hindi dahil sa excitement kundi sa lungkot na naramdaman ko kanina na ikakasal na pala ako bukas. At eto na nga. Tapos na nga eh.
"Hey!" Napalingon naman ako kay Ivoh.
"What?" Irita kong sabi.
"Do you want to eat or not?"
Biglang nabuhayan ang katawang lupa ko. Nagugutom na din pala ako! Di ko man lang napansin dahil sa lakas ng apekto ng kasal na ito saken.
Nakita kong padating na ang mga pagkaen namin na hawak ng mga waiter.
Ang mga pagkaen na nandito ay karamihan ay Italian/French/Filipino food. Nakita kong kumuha na ng ulam si Ivoh. Ang mga kinuha nya ay yung mga pang ibang bansang mga pagkaen. Di ko naman alam ang mga tawag don.
Nagulat ako ng bigla syang tumingin saken.
"What the hell are you waiting for? Gusto mo ba ako pa magpakain sayo?" At kumindat sya saken.
Hah! Kapal ng mukha! Kumindat pa! Kala naman ang gwapo gwapo nya! Tssss.
"No thanks! I can handle it." Pagmamataray ko.
Kumuha ako ng Filipino Food. Syempre yun lang alam ko eh. Kumuha ako ng afritada at chicken fillet. Ang daya! Yun lang ang kilala kong mga pagkaen kaya naman dinamihan ko na ang pagkuha. Napaka unfair! Nakakainis!
BINABASA MO ANG
My Casanova Husband
Roman d'amourIsang araw nagising na lang ako na kasal na pala ako sa ISANG CASANOVA! Hindi sya ang pinapangarap kong lalaking makakasama ko habang buhay pero, mapipigilan ko ba ang sarili ko na kumalas sa kanya kung unti-unti na rin akong nahuhulog sa kaniya? #...