8 ♚ The Contract

112 3 0
                                    


Nikki POV

"Good Morning World."

Gumising ako ng may Positive Good Vibes. Positive! No nega! Kahit sabog sabog na ang buhok ko. Ayoko kasing masira ang araw ko dahil sa presensya ng kasama ko. Mababadtrip na naman ako. Yung tungkol kagabi kinalimutan ko na. Kapag naaalala ko yun, naloloka lang ako.

Nakakapagtaka lang kasi yung inasal nya kagabi. Parang tanga lang, akala mo nag aalala pero hindi naman talaga. Sus! Mga lasing talaga, di alam kung ano yung mga ginagawa.

Bumangon na ko sa kama at tumingin sa orasan. Alas nuwebe na pala ng umaga. Inaantok pa ko pero ayoko ng bumalik sa kama.

"Maliligo na nga ako." Sambit ko. At pumunta na kong CR.

Matapos ang isang oras, lumabas na ko sa kwarto. Nakapagbihis na ko at maayos na ang itsura ko.

Nang lumabas na ko medyo nagulat lang ako sa nakita ko pagkalabas ko. Walang tao? Wala si Ivoh? Na naman? Ang aga aga lumayas agad? Takteng tao yan. Medyo maniniwala na sana ako sa na nag alala nga sya kagabi saken tapos ngayon umalis na naman? Well, who cares? Eh di umalis sya. Tsskk.. Kasira ng mood.

Positive Good Vibes! P.O.S.I.T.I.V.E. I sighed.

Kinuha ko ang cellphone ko sa sofa. Hindi ko na pala nahawakan to simula kagabi. Simula kasi nung naghiwalay kami ni Michael, wala ng kwenta ang cellphone na ito saken. Pagkabukas ko tumambad saken ang misscalled mula kay Ivoh, ito siguro yung kagabi. Nakita at nabasa ko rin ang ilang mga text saken.

From Mama:

Anak kamusta ka na dyan? Huwag mong pababayaan ang sarili mo dyan ah. Magtext ka kagad kay mama kung pinahihirapan ka ng asawa mo! Uuwi ka pa ng ligtas. Oh sya, pakasaya ka dyan. Mwuah!

Hayy.. hindi ko alam ang nararamdaman ko sa tinext ni mama, matutuwa ba ako o maiinis? Tetext kita mama, huwag kang magaalala. Pero paano ako magpapaload? Huhu. Tch.

From Bianca

Hoy gaga! Umalis ka dito sa ng di ka nagpaalam saken? ︶︿︶ Grabe ka! Kung di lang talaga kita bestfriend...... Hmmpp! Bumawi ka saken ah! Pag kauwi mo magkwento ka kung anong nangyari sa inyo dyan tyaka yung alam mo na, yung sexytime nyo ni Ivoh! Waaahh!! Basta, chika chika din pag may time di nakakamatay. Haha. Love yeah! :*

-_____-

Bukod kay Ivoh na may pagka abnormal, ito ring babae to ang kilala kong may pag ka abnormal na taglay. Bagay silang magsama.

Nakalimutan ko pala sya. Tssskk..

"Babawi talaga ako sayo Biyang!"

From (Anonymous Number)

Goodmorning Beautiful! This is Handsome Dylan ;)

"Waaahhh!!" Mahinang sabi ko.

Shemay! Nagtext na si Papa Dylan! Waaahh!! Kenekeleg eke se kenye! Beautiful daw? Waahhaha!!! Tapos ipapakilala lang yung sarili nya may 'handsome' pa talaga? Haha! Sabagay, gwapo naman talaga sya. Bagay na bagay magpahangin. Gusto ko sana syang replayan kaso wala pala akong load. Tch. Save ko na lang dito sa cellphone ko number nya.

Binack ko ang message sa menu. Napatitig na naman ako sa cellphone ko. Yung wallpaper ko dito, kaming dalawa ni Michael. Nakaramdam na naman ako ng masakit. Yung masayang mood ko kanina napalitan ng lungkot ng nakita ko ang picture naming dalawa. Naiiyak na naman ako. Ang saya pa namin dito. Selfie na magkadikit ang pisngi. Parehong nakangiti na labas ang ngipin, dahil nung mga panahon na ito, 4th year anniversary namin. Ang gwapo talaga ni Michael, lalo kapag nakangiti.

My Casanova HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon