Nikki POV*chomp*chomp*
Sarap kumaen! Wooaaahh! Grabe mga pagkaen dito! Ang sarap! Hahahahaha. *^▁^*
Nandito ako sa resto ng lotte hotel, sa ibaba. Ang ganda ng service nila! Pang world class! tapos yung mga pagkaen pa! Grabe! Masarap pala yung rice cake? Akala ko hindi! Hahaha. Kasarap talaga! Ang dami kong nakaen, sa sobrang dami, di ko na alam yung mga kinakaen ko. Pero the best talaga yung japgokbap (rice mixed with barley, millet and beans) at jaban (salted dried fish). Waahahhaha!! Busog much talaga! Promise! (^O^)
"Ahhmmm... salamat ah!" Sabi ko sa lalaking kaharap ko ngayon.
"Your welcome." At nginitian nya ko. Syet! Ang gwapo! Ahahaha! Crush ko na sya! Waaah!!
By the way, sino yung kausap ko? Haha.. kakilala ko pa lang sya dito ngayon lang. yeah! As in right now.
Flashback
Letse! Anong oras na? Di pa rin umuuwi yung kumag! Anong balak nya? Hindi na bumalik? Gagu yun ah! Bwiset!
Halos alas dose na hindi pa rin sya bumabalik simula kanina. Gutom na gutom na ko. Kung alam ko lang kung paano bumili ng pagkaen dito eh di ginawa ko na kanina pa! At isa pa, wala akong pera! Remember?! Sya lang ang may pera! Tapos wala atang balak bumalik dito! Letseng buhay naman to!? Hindi na nga ako kinasal sa pinakamamahal ko, tapos gugutumin pa ko? Peste... -______-
Shit! Kanina pa ko nagugutom. Nanghihina na ko! Waaahh!! Wala naman kase kaming biniling pagkaen kanina o kahit order o take out. Basta na lang syang umalis kanina ng hindi nagsabi kung babalik pa ba sya! Litsi talaga! Kukuyugin kitang kumag ka pag nakita kita! T_____T
Kinuha ko ang cellphone ko at susubukang kong tawagan si Mama. Takte! Bigla kong naalala, Wala pala akong load! Buwiset na buhay to! Kung minamalas ka nga naman ano?! =___=
Hihintayin ko na lang ba yung kumag na yun o malilipasan ako ng gutom? Potek! Ayoko ngang malipasan ng gutom! Tch! Bahala sya! Kakain ako nang wala sya! Wala akong pakelam kung hindi na sya bumalik forever! Peste sya! Hindi ko ikamamatay yung pagkawala nya! Ang ikamamatay ko yung hindi ko pagkain ngayong gabi! Buwiset talaga! Buwiset!!!
Wala na kong nagawa kundi lumabas ng kwarto at bumaba sa first floor kung saan yung puro resto.
Nang nakababa na ko. Ang daming kainan! Waaahhh π_π. Paano ako kakain kung hindi ko alam ang mga pagkain dito? At syempre PAANO AKO KAKAIN KUNG WALA AKONG PERA! WAAAHHH!! (~_~メ) Kaka-awang nilalang. Mamamalimos pa ba ako? Huhuhuhu kakahiya.
Tumingin ako sa mga resto na nandito. Hanggang sa tumigil ako sa isang korean resto. Tumingin ako at takam na takam sa mga nakikita ko. Hanggang tingin na lang ba ako? Huhuhuhuhu.
*bruuuuu*
Hinawakan ko ang tiyan ko. Shemay! Nagwawala na ang mga alaga ko! Anong gagawin ko? Waaahh o(╯□╰)o
"Gutom na gutom na ko..." Nasabi ko. Nakakagutom na talaga. Huhuhu.
"Miss?"
Nakakaiyak! Waaahhh T___T Ganito pala kapag nagugutom ng sobra! Letse ka talagang kumag ka! Kahit kailan hindi ako ginutom ni Michael at ng mga magulang ko tapos gugutumin mo lang ako? Walangya kang malandi ka! Malantod!
"Miss!!?"
Napatigil ako sandali. Miss? Ako ba yun? Napalingon naman ako sa nagsalita.
O_o
Ang... ang... Wait lang hihinga lang ako! Waahhh! Ang GWAPO! Waahhhhh!! Super Gwapo!
"Gusto mo sabay na tayong kumain?"
BINABASA MO ANG
My Casanova Husband
RomanceIsang araw nagising na lang ako na kasal na pala ako sa ISANG CASANOVA! Hindi sya ang pinapangarap kong lalaking makakasama ko habang buhay pero, mapipigilan ko ba ang sarili ko na kumalas sa kanya kung unti-unti na rin akong nahuhulog sa kaniya? #...