Chapter 3

3 2 0
                                    

CHAPTER 3:

Hanggang gumabi ay nandito parin ang mga kaibigan ni ate, napakaingay nga nila dito. Tas ako nanonood lang ng anime, Hotarubi No Mori E. Nakakabakla man kaso nasasaktan talaga ako sa movie na ito. Sana lang hindi magiging ganito ang love story ko.

Nagulat ako nong biglang kumatok si ate sa kwarto ko. Napakalakas ng katok niya, padabog ko naman yung binuksan. Oh diba siya nga, alam ko kasi yung way ng pagkatok niya.

"Halika dito, may surpresa ako sayo" sabi niya hinila pa ako papalabas sa kwarto. Magrereklamo na sana ako kaso biglang nanlaki yung mata ko nang makita ko si Fritzy, nakared dress siya, ang puti niya tignan.

"Hoy Fritzy! Crush ka daw nitong kap—" bigla ko namang kinurot si ate kaya napaaray siya, kung ano ano nalang kasi yung sasabi tas mali mali pa. Napatingin naman si Fritzy sa gawi namin, ngumiti ako. Lumapad ang ngiti niya.

"Hoy Crayola! Kapatid ka pala ni ate Khriza?!" sabi niya. Tumango ako. Nagtaka naman si ate sa pakikitungo namong dalawa ni Fritzy.

"Oo, hahah pasensya na kay ate" sabi ko. Binatukan naman ako ni ate, gagi talaga tong babaeng to. Wala naman akong ginawa e sa kanya e.

Pumasok na ako sa kwarto ko kaso nagulat ako nong sumunod si Fritzy, gagi nakakahiya naman 'to.

"Hoy, nanonood ka ng anime?" tanong niya sumisilip siya sa laptop ko.

"Oo" sagot ko sa kanya. Nananatili ako sa may pintuan at tinignan kung anong pinaggagawa niya. Oh diba feel at home lang siya.

Lumapit ako sa kanya, nanonood na pala ng anime movie. Title ay I want to eat your pancreas, hindi ko pa napanood to. Tumabi ako sa kanya. Magkaibigan naman din daw kami sabi niya.

Seryoso kaming nanonood dito, magugulat nalang ako sa kanya kapag bigla siyang matawa kahit wala namang nakakatawa sa pinapanood namin.

Hanggang sa nasa part na namatay ang babae. Tinignan ko si Fritzy, umiiyak siya. Tas napansin kong hinahawakan niya ang puso niya. Kumuha ako ng tubig at binigay sa kanya. Ngumiti siya at kinuha yun at uminom. Pagkatapos nh movie ay napansin kong napatulala nalang siya. Oh anong nangyari.

"Wag ka na ulot manuod ng ganon, ang iyaken mo pala" sabi ko. Ngumiti lang siya ng peke. Parang may bumabagabag sa kanya. Hindi ko alam kung ano pero nakikita ko sa mga mata niya.

May naisip akong ideya, mamamasyal kami ngayong gabi para hindi na siya maiyak.

"Wala ka bang gagawin ngayon? Anong oras kayo uuwi?" tanong ko. Tumingin siya sakin

"Sleep over daw kami dito sabi ni ate" sabi niya tumango ako, good makakapasyal kami, dito lang pala siya matutulog. Sinabihan ko siyang mamamasyal kami kaya nagbihis muna siya tutal may dala naman siyang damit kaya ayon hinintay ko nalang, maliligo pa daw siya.

Nabigla ako nong biglang tumabi ang ate niya sa akin at bigla nagsalita.

"Bantayan mo si Fritzy ah?" sabi niya sabay ngiti. Kahit nagtataka ay tumango ako.

"Ingatan mo siya" sabi pa niya, ay akala niya siguro magjowa kami.

"Magkaibigan lang po kami" sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin at napatawa.

"Oo alam ko, basta gawin mo nalang ah? Tsaka pasayahin mo siya" sabi niya tumango ako. Hanggang sa nakita ko ng papalapit na si Fritzy sakin, hindi ko alam pero feeling ko kailangan ko siyang ingatan napakafragile niya.

Namasyal na kami, pumunta kami sa park, nagpapahangin. Nagkukwentuhan din minsan, nagkukulitan. May nagtanong nga samin kung magjowa ba daw kami tapos panay iling lang ang maisasagot namin. Hanggang sa napunta kami kung saan maraming stuff toys.

"Can you by me one please?" tanong niya. Napatawa ako at tumango. Binilhan ko siya ng isa. Agad niya naman itong niyakap. Binilhan ko din siya ng ice cream kaya ayon tuwang-tuwang siya. Naglalakad na kami pauwi nang bigla siyang huminto. Huminga siya ng malalim at ngumiti.

"Okay ka lang?" tanong ko ngumiti lang siya sakin at tumango. Nag-anyaya na siyang umuwi kasi daw pagod na daw siya.

Umuwi naman kami, pero isa lang ang nasa isip ko parang may mali sa kanya. May mali talaga.

SLEEP LIKE A WINTER BEARWhere stories live. Discover now