Chapter 6

2 2 0
                                    

CHAPTER 6:

Sumama ako papunta sa bahay nila, nandon ang ate niya parang may lalakarin. Ngumiti naman siya sa akin.

"Dito ka matutulog?" sabi ng ate niya.

"Ay hindi po, hinatid ko lang tong si Fritzy" sabi ko. Ngumiti naman siya sabi niya dito nalang daw ako matulog para daw may kasama naman si Fritzy. Tas siya nalang daw bahala sa ate ko.

"Basta wag gumawa ng kalokohan" sabi niya nanlaki naman ang mata ko.

"Ate!" saway ni Fritzy sa ate niya.

"Hindi po ako ganung lalaki" sabi ko.

Napangiti ang ate niya. "Basta ikaw sis, pag sumakit na naman sabihan mo lang si Krayon, ikaw Krayon ingatan mo ang kapatid ko ah?" kahit nalilito ay tumango ako. Nilingon si Fritzy, nanginginig siya kaya hinawakan ko ang mga kamay niya. Tinignan ko siya sa mata at ngumiti.

Nang umalis na ang ate niya ay pinapasok niya ako sa kwarto niya. Binigyan niya ako ng damit baka daw maisipan kong maligo tinanong ko siya kung saan ang banyo kasi maliligo talaga ako haha.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay pumasok na ako sa kwarto niya, tapos na din siyang maligo may banyo din kasi sa kwarto niya. Nanonood siya ngayon ng Train To Busan. Tumabi naman ako sa kanya. Sinabihan pa nga niya akong ako daw yung zombie na nabali yung kamay na nasa may train yung military ba yun? O police ba ewan, tawang-tawa pa nga kami. Hahah

Imbis na maiinis ako sa kaniya ay hindi ako nainis. Sinabi ko din sa kanya na siya yung babaeng buntis. Pero nagulat akobsa sinagot niya.

"Mabubuntis pa kaya ako?"

"Oo naman, kasama ang taong mahal mo" sabi ko. Bahala na kung hindi ako, basta kung saan siya masaya, masaya na din ako.

Pagkatapos ng movie ay nagkuwentuhan pa kaming dalawa, nagtataka lang ako kasi palagi niyang itatanong kung ano ang feeling maikasal? Hindi ko naman alam dahil hindi pa naman ako naikasal. Kung pwede sana siya ang yayain ko.

Nakuha naman ng attention ko ang mga white and brown niya teddy bears andmg dami na. May isang malaki namang bear na nasa isang cabinet. Sobrang puti nito, ako ang bumili nito. Lumapit ako at tinignan iyon. Ngumiti ako dahil iningatan niya talaga to.

"Uy, baka bawiin mo yang si Winter ah?"

"Winter?"

"It's her name" ay wow, may pangalan at gender pa.

Nagulat namana ako nang bigla naman niya akong hinila papunta sa table niya, kumuha siya ng isa pang upuan para sa kanya. May kinuha siyang bag sa cabinet niya. Anong gagawin niya?

"Ano yan?" tanong ko

Ngumiti siya sakin "Make-Up"

Hindi ako kumibo at hinayaan lang siya sa gagawin niya sakin. Pumwesto na sya sa harapan ko, sinimula na niya lagyan ng cleanser ang mukha ko. Tawang-tawa pa nga siya dahil ang panget ko daw. Imbis na maasar ay tumawa lang ako.

"Ang cute naman ng lalaking to, nguso nga" sabi niya. Ninguso ko naman ang labi ko para lang malipstickan niya kaso, napatingin ako sa labi niya, nakanguso din napalunok ako at pumikit. Tukso, layuan mo ako.

"Oh bakit ka nakapikit diyan?" sabi niya. Hindi ako nagsalita.

Narinig ko siyang tumawa kaya dinilat ko ang mga mata ko. Tinitigan ko ang bawat parte ng mukha niya. Ang ganda niya. Nagulat ako nong pumikit siya. This time, nahulog na yung hawak niya at agad naman niyang hinawakan ang may puso niya. What the hell?!

"Fritzy, okay ka lang?" tanong ko kahit kita ko naman na hindi siya okay. May itinuro siya sa cabinet niya.

"G-gamot"

Dali-dali naman akong pumunta don at kinuha ang gamot na sinasabi niya. Ang daming gamot. Anong nangyari sa kanya?!

Nataranta akong kumuha ng tubig at pinainom siya ng gamot ngunit kinakapos na siya ng hinanga, wala akong nagawa kundi ang kargahin siya. Pupunta kami ngayon sa hospital.

Please be okay.

Nandito na ako sa hospital naghihintay sa resulta na sasabihin ng doctor. Nang lumabas na ang doctor ay agad akong lumapit sa kanya.

"Kumusta po ang pasyente?"

"She's okay, you can go to her"

Nagpasalamat muna ako bago ako pumasok nakita ko doon si Fritzy, may aparatus na nasa gilid niya. Bakit ka ganyan? Napatulo ang luha ko. Gagi nakakabakla.

Bigla naman akong napalingon sa pinto nang pumasok si ate Fairy, ate ni Fritzy.

"Buti nalang nadala mo dito sa hospital" tumango ako.

"Pwede ba kitang makausap?" tanong niya sakin. Tumango ako. Lumabas kami sa room ni Fritzy, may nurse naman na nag-aasikaso doon.

"May heart disease siya"

Nakikinig lamang ako sa lahat ng sasabihin niya.

"Kilala mo si Diana?"

"Ex bestfriend ko siya" ngumiti siya sakin.

"Palagi niyang binubully si Fritzy noon elementary days, hanggang ngayon pa nga siguro" sabi niya. Hindi ko alam yun ah? Wala naman kasing sinabi sa akin si Diana na bully pala siya noon.

"Kasi daw mahina, walang kaibigan, at ako naman ang tagapagtanggol niya" sabi pa niya. Namumuo na ang luha sa mga mata niya.

"May times nga muntik na siyang mapahamak dahil kay Diana"

"Nalaman din namin nong time na yun na may sakit siya sa puso, kaya ang hina niya"

"Nang naghighschool siya, wala siyang kaibigan, napakatahimik niya lang sa school. Hanggang sa dumating si Khriza, ate mo. Siya ang first niyang naging kaibigan, except sa akin na kapatid niya".

I can be your friend, baby.. sabi ko sa isip ko.

"Sinasama namin siya sa mga pasyalan namin but bawal siyang uminom ng alak" sabi niya. Pero bakit noon nakita ko si Fritzy na naglalasing.

"Kilala mo siguro si Ace?" tanong niya sakin

"Oo, ex ni Fritzy, bf na ni Diana"

"Bwesit na Diana talaga haha" sabi niya hindi parin ako nagsalita.

"Nong nalaman niyang may sakit si Fritzy sa puso, nakipaghiwalay siya kay Fritzy" sabi niya.

"You know why? Ayaw niya daw sa mahina, may sakit, mahirap daw alagaan"

Aba gagong yun ah.

"Hindi ko naman inasahan na makahanap pala kaagad yun ng bago, si Diana pa."

"Kahit bawal ay naglasing siya, nong time na hinatid mo siya sa bahay, nakita ko yun, yung time na hinalikan mo siya sa noo, nakita ko yun. Nakasilip lang ako sa bintana ng kwarto ko"

Ow shit nakakahiya naman.

"Naalala mo pa ba yung times na hindi na kayo  nagkikita?" tanong niya at tumango naman ako

"Nandito lang siya sa loob ng bahay, palaging nanghihina. Kaya nga tinetext ka lang niya, dahil ayaw niyang mag-alala ka kapag narinig niya ang naghihina niya boses"

"Nang nagmeet kayo kanina, natagalan talaga siya dahil minuminuto ay sasakit nalang ang puso niya, sabi ko sa kanya wag nalang siyang pupunta maiintindihan mo naman siguro yun, kaso sabi niya pupuntahan ka daw niya kasi miss ka na niya"

"Kaya nga sabi ko sayo, ingatan mo ang kapatid ko, hindi ka sana tulad kay Ace, sana hindi mo iiwan ang kapatid ko" sabi niya at tuluyang nang bumagsak ang luha niya. Humahagulhol na siya. Niyakap ko si ate Fairy at pinatahan siya.

I will never leave her, I promise.

SLEEP LIKE A WINTER BEARWhere stories live. Discover now