Chapter 1

12 2 0
                                    

CHAPTER 1:

Krayon's POV

Biglang tumunog ang cellphone ko at tinignan kung sino iyong nagtext. It was from my bisexual friend, Diana. May itinext siya saking pangalan. I don't know who  is this but kasunod ng text niya ay nakalagay don na "try mo istalk, ang ganda niyan" napangiti lang ako. Umiling ako at nilagay ang cellphone ko sa bag ko.

Papunta ako ngayon sa school namin kahit late na ako. Palagi naman na akong late kaya sanay na yung mga teachers dito. Kaya ko naman ding gawin ang lahat ng ipapagawa nila sa akin.

Pagkadating ko sa paaralan. Walang estudyante. Yung dalawang school security guards lang ang nakikita ko. Lumapit ako sa kanila at tinanong kung tapos na ba ang flag ceremony. Napataas naman ang kilay ni Manong Jude tsaka medyo natawa naman si Manong Pedro kaya nagtaka naman ako.

"Ang bait mo ata Krayon ah?" ani Manong Pedro. Napailing-iling naman si Manong Jude kaya tinanong ko sila kung bakit.

"Sabado ngayon, wala kayong pasok" ani Manong Jude. Ow shit. Napakamot ako sa batok ko dahil sa hiya. Nagpaalam na ako sa kanila.

Biglang tumunog ang cellphone ko, si Diana na naman. Sinagot ko ang tawag baka magalit to.

[Tol, sinearch mo na ba yung pangalang iyon?]

Napabuntonghinga ako, tinataboy na talaga ako haha.

I've been crushing Diana for 1 year. Hindi niya alam na crush ko siya. Minsan nga ay pinapahiwatig ko sa kanya yung feelings ko through jokes, hindi ko kayang magconfess baka mareject lang ako.

Dumating ang araw na napag-isipan kong magconfess na sa kanya ngunit bigla ko nalang nabalitaan na may jowa na pala siyang lalaki. Nasaktan ako syempre pero hindi ko pinapakita sa kanya. Sinabi ko na "Stay Strong" pero sa isip ko "Sana ako nalang". Masakit magmahal ng kaibigan, hindi mo alam kung ano ang mas piliin mo, yung feelings mo ba or ang friendship niyo. Yung ayaw mong masira yung pagkakaibigan niyo pero gustong-gusto mo namang magconfess.

Nagtry akong magmove-on kaso palagi siyang nandiyan. Ewan ko ba kung kailan dapat na akong magmove on, palagi pa siyang susulpot.

[Hoy!]

Nabalik ako sa katinuan ko, ah oo nga pala.

"Hindi ko pa nasearch" sabi ko narinig ko naman ang pagrereklamo niya sa kabilang linya, yung boses niya. So cute. Haha.

[Why naman di mo pa sinearch?]

"Wala lang"

'Ayokong palitan ka' gusto kong sabihin yan kaso umurong yung dila ko.

Narinig kong may boses lalaki na nagsalita. Jowa niya siguro, napangiti nalang ako ng mapait. Baka naiistorbo ko na sila.

"Sige tol, isesearch ko nalang mamaya, may gagawin pa kasi ako, bye" I ended the call. Ayoko lang masaktan sa mga maririnig ko. Ang sweet nila tas ako dito nasasaktan na.

Dumiretso muna ako sa bahay namin, wala akong magawa ngayon. 19 palang ako at hindi pa ako pinapatrabaho ni mama at papa. Sabi ko okay sa isang tindahan lang kaso ayaw nila talaga, mag-aral nalang daw muna ako. Wala naman akong magawa. Dumiretso ako sa kwarto ko. Wala sila mama at papa dahil nagdedate na naman yun, buti pa sila.

Nilagay ko yung bag ko sa study table ko. Amboring dito sa bahay pramis.

Sino kaya yung sinend ni Diana na pangalan ng babae?

Isesearch ko kaya?

Ay ewan ko, parang feeling ko, nagchecheat na ako kay Diana. Pero di naman kami kaya try ko kaya? Sige try ko.

SLEEP LIKE A WINTER BEARWhere stories live. Discover now