CHAPTER 7:
Araw-araw akong pumunta sa hospital dinadalhan ko siya palagi ng saging dahil favorite niya iyon tsaka okay naman daw yun sabi ni doc. Kapag uuwi naman ako ay palagi ko siyang hinahalikan sa noo at sa pisngi.
"Uuwi ka n-na?" naghihinang tanong niya. Ngumiti ako at tumango.
"Babalik naman ako" sabi ko, nanghihina siyang ngumiti.
"Favor?" tanong niya ngumiti ako at tumango.
"Pakidala nga si Winter" sabi niya. I chuckled, kanina pa niya yan sinasabi. Miss niya na daw si Winter. Tas tinanong ko siya kung ako ba miss niya, sabi niya palagi naman daw kaming nagkikita kaya di daw. Ouch naman.
Hinalikan ko muna siya sa noo bago ako umalis. Pumunta ako sa bahay, nandon na sila mama at papa. Kilala na pala nila si Fritzy kaya nagpapadala din sila ng mga prutas at pagkain doon.
Pumunta din ako sa bahay nila para kunin si Winter, hello baby winter, you are coming with daddy right now to see mommy.
Nakabalik na ko sa hospital dala-dala si Winter. Nong pumasok ako ngumiti kaagad si Fritzy.
Binigay ko kaagad sa kanya si winter at agad naman niya itong niyakap.
"I love you baby" sabi niya.
" I love you too" sagot ko kaya napatingin siya sa akin nakakunot ang noo.
"That was meant for baby, Winter, not for you, you are not a baby anyway"
Aray ang sakit naman. Ngumiti nalang ako habang nakatingin sa kanila.
Okay lang, tabi naman kaming matulog mamaya tulad ng mga nakaraang araw niya dito sa hospital.
Kaso nagkamali ako.
Nasa sofa ako.
At si Winter ang katabi niya, ang swerte mo namang bear ka!
Lumipas ang ilang linggo, pahina ng pahina na si Fritzy.
Nasasaktan na ang taong nasa paligid niya, humahagulhol na ng iyak ang mga magulang niya. Ako naman pinipigilan ang mga luha ko na tumulo dahil sabi niya sakin wag na wag daw akong umiyak dahil sa kanya pero hindi ko mapigilang umiyak. Nasasaktan ako.
Sumapit ang gabi, nasa sofa lang ako nakatitig sa kanya. Kahit nanghihina ay nagsasalita pa siya.
"What is the feeling of getting married?" she weakly said. Namumuo na ang luha ko sa mga mata ko.
"Masaya, napakasayang araw iyon sabi ng mga magulang ko" ngumiti ako at nakita ko naman siyang nanghihinang ngumiti.
"Do you want me to be happy?" she asked and I nodded.
"Last favor please?" she said. Pinahid ko ang tumakas na luha sa mga mata ko at tumango. Potek na last na yan.
"Marry me tomorrow" sabi niya. Kahit hindi pa yan favor gagawin ko talaga yan. Nakahanda na nga ang lahat e.
It was supposed to be the day when we met, yung nasa milk tea shop na kami, magpropose ako sa kanya kahit wala kaming label, pwede naman yun diba?
Kaso nangyari itong hindi inaasahan kaya diretso na kasalan.
I don't care about the labels, as long as we love each other, that's enough for me.