CHAPTER 2:
Pumunta kami sa tabing dagat, dito niya ako dinala. Di pa nga kami pormal na magkakilala tas ganito na siya sakin. Bigla siyang umupo sa buhangin, nakatayo lang ako dala-dala ang mga snacks ko. I heard her cry. Bakit kaya?
Ilang oras na kami dito at ngayon nakaupo na ako sa tabi niya, humihikbi parin siya ngayon, may kinuha ako sa bulsa ko baka kasi may dala akong panyo kaso wala. Tatayo sana ako para bibili sana ng panyo o tissue ba kaso hinawakan niya yung braso ko.
"Samahan mo muna ako please?" sabi niya nakangiti pero kita sa mga mata niya na na nsasaktan siya. Gusto kong magtanong, andaming tanong na pumasok sa isipan ko kaso hindi ko siya magawang itanong. Pakiramdam ko napakachismoso ko na.
"Sorry pala kanina" sabi niya. Tinignan niya yung damit ko. Napakamot naman ako sa batok ko at napangiti ng konti.
"Ayos lang"
Tahimik ulit, alon lang ng mga tubig ang narinig namin hanggang sa nagsalita siya.
"Kilala mo yung lalaking yun?" tanong niya sakin. Hindi ako sumagot at nakatingin lang ako sa kanya, she smiled.
"Ex ko yun" sabi niya.
"Kilala mo din ba yung babaeng kasama niya?" tanong ko. Umiling-iling siya.
"Bestfriend ko yun tas crush ko pa" sabi ko. Napangiti ako. Napatingin naman siya sakin at tumingin ulit kami sa dagat.
"Kakabreak lang namin niyan last week tas may iba na agad, haha. Hindi pa nga ako nakakamove on sa kanya, tas siya parang ang dali lang ng lahat" sabi niya na nakangiti kaso ramdam ko na malungkot siya nasasaktan siya. Naaawa ako sa kanya. I want to comfort her, pero wala akong maggawa kasi nasasaktan din ako dahil sa nakita ko kanina.
Parang nakaramdam naman ako ng inis kay Diana. Kaya ba pinasearch niya sakin si Fritzy para mapa sakanya si Ace? Kaya ba tinataboy niya ako kay Fritzy para magkakaroon na ng distraction si Fritzy?
I don't understand why. Bakit niya gagawin yun? Kanina, kitang-kita ko sa mga mata niya na ang saya-saya niya. Totoo ba ang naiisip ko? Kasi kung totoo nga, hindi ko na alam kung papaniwalaan ko ba siya or hindi.
"Parang uulan ata, tara na" pag-anyaya niya sakin. Tumayo naman kaming dalawa. Tinignan ko ang moon, full moon, ang ganda tignan.
"Ang ganda ng buwan" sabi ko, ngumiti lang siya at nagpatuloy ng maglakad. Nagbus kami, sinamahan ko siya papunta sa kanila, sabi niya ay nasa ibang bahay daw ang ate at mga magulang niya at siya lang mag-isa dito kaya ayos lang daw akong pumasok. Umupo ako sa sofa nila. Pumunta naman si Fritzy sa kusina nila at nagtimpla ng kape. Binigay niya sakin, tinanggap ko naman yun grasya na yun e.
"Sorry talaga kanina, yung damit mo nasukahan ko hehe" nagpeace sign pa siya. Haha so cute.
"Ayos lang yun no, nu kaba" sabi ko. Totoo nga ang sabi ni ate ang daldal ni Fritzy, sobra. Nakakatuwa lang, parang normal na ulit yung pakiramdam niya. Sana ganito nalang siya palagi, mas lalo siyang gumaganda. Sinabi ko sa kanya yung pangalan ko sabi niya crayola daw itatawag niya sakin. Aayaw sana ako kaso nakita kong masaya siya kaya pumayag ako.
Hanggang sa sumakit ang tiyan ko at parang natatae ako. Nahihiya akong magsabi kay Fritzy kaso hindi ko na talaga kaya, natawa naman siya at itinuro niya sakin kung saan ang C.R. sabi pa niya sakin kailangan walang maiwan na tae dapat sa inidoro hahah baliw.
Ilang minuto ako don, buti nalang wala naiwan na tae hahah. Bumalik ako sa sofa kung saan kami nag-uusap ni Fritzy kaso pagdating ko don nakahiga na siya, natutulog na. May nakita naman akong kumot sa tabi, ewan ko kung bakit nandito. Kinumutan ko siya. Naoatitig ako sa mukha niya. Ang ganda niya, mabait din, at ang sarap niyang kausap. Ano ba ang dahilan kung bakit iniwan siya?
I know, you deserve someone better.
—
Mga alas 3 na ng umaga nong makauwi ako sa bahay namin buti nalang at may jeep na nagoasakasay sa akin, naaawa siguro sakin. Akala ko tulog na ang lahat nong umuwi ako kaso si ate, nasa sala pala nanonood ng Kdrama buti nalang alam ko kung paano magninja moves kay di niya ako napansin tsaka napakafocus din naman niya sa kdrama niya.
Nagising ako around 9 A.M. bakit ako nagising? Binuhusan ako ng tubig ng napakagaling kong ate, sabi niya maglinis daw ako ng kwarto ko tas sa buong bahay dahil pupunta yung mga kaibigan niya. Kaibigan niya naman yun, pwede naman kung siya nalang ang maglinis. Napakatamad talaga nitong si ate Khriza, yan tuloy basang-basa na ako.
Habang naglilinis ako ay may biglang kumatok sa pintuan akala ko mga kaibigan ni ate kaso nong binuksan ko agad kong nakita si Diana na may dalang tobleron, ibinigay niya iyon sa akin.
"Tol, oh sayo yan, congratulation gift dahil napakadali niyong maging close ni Fritzy" napatawa pa siya. Tinignan ko ang tobleron at tumingin ulit sa kanya. Sorry Diana, di ko yan tatanggapin.
Umiling ako sa kanya at hindi ako nagsalita nanalitiling nakapokerface ang mukha ko.
"Oh, nagmamakaawa ba yung bruhang yun sayo? Ginayuma ka kagaad?" tanong niya. Hindi ito yung Diana na bestfriend ko, na naging crush ko.
"Hindi na kita kilala, umalis ka na" hindi ko hinintay na magsalita pa siya at sinara na ang pinto. I don't know, nadidisappoint ako sa kaniya. Ganyang tao pala siya. Ewan di ko alam.
May bigla namang kumatok. Hays naman pinapaalis na nga siya tas kumakatok
"Sabi kong umali—" natahimik ako nong nakita ko ang mga mukha ng babae na nakataas ang kilay na parang nagtataka kung anong mga pinagsasabi ko. Sumulpot naman si ate mula sa likoran ko at binati ang mga babaeng iyon. Iyan ang bisita ni ate? Limang ang bisita. Andammi namang chicks pero syempre, wag na muna ako sa ganyan, kakamove on ko pa nga lang kay Diana.
"So you are Krayon?" tanong isang babae sa akin. Nagtataka man ay tumango ako, ngumiti siya sakin.
"So ikaw yung tinutokoy niya." sabi niya.
"Sino?"
"Si Fritzy" sabi niya at tinawag na siya ni ate papasok sa bahay kaya ayun pumasok na siya naiwN akong nakatulala. Naalala ko naman ang napakahiyang ginawa ko kagabi.
Alam niyo kung ano?
Hinalikan ko si Fritzy sa noo niya kahit kakameet palang namin. Grabe naman to, nakakahiya.