CHAPTER 5:
Tatlong araw ang lumipas simula nong araw na pumunta kami dom sa may malaking bear, minsan nalang kami magkikita. Busy kami sa pag-aaral. Andami ng projects namin tas sabi niya madami din siyang perfomance na kailangan iaccomplish niya sa school sabi niya.
"Baka nakalimutan ka na non," pang-aasar sakin ni ate. Gagi talaga to kahit kailan, ang epal.
"She's just busy."
"Sus, mahal mo na ata yun" sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata kong napatingin sa kanya. Siya naman ay may nakakalokong ngiti. Napalunok ako. Ang dali niya talagang makapansin.
"Since when?" tanong niya. Nakikibikit balikat ako.
"I don't know, maybe the first time I met her?" napatawa si ate, kahit kailan talaga to. Kami paring dalawa dito sa bahay, nabalitaan nalang namin na nag-abroad sila mama na walang paalam samin. Sanay naman kaming iwan nila basta daw ay mag-ingat kami dito. Syemore, bigyan namin sila ng date time nila.
"Naniniwala ka don?" tanong niya sakin. Gagi. Panira talaga ito ng moment.
"Miss mo na?"
"Sobra..."
"Edi puntahan mo"
Oo nga no? Pero busy yun e. Ayokong makaistorbo sa kanya.
"Hintayin ko nalang siya, busy yun e"
"Aw ang sweet naman ng baby boy namin, inlab na inlab na" napangiti ako sa sinabi ni ate. Yes, I'm inlove with her.
Ilang araw ang lumipas, hindi parin kami nagkikita ni Fritzy, sa tuwing tatawag naman ako ay napapagod na boses ang maririnig ko sa kanya. Gusto ko siyang makausap kaso gusto ko din siyang magpahinga. Kaya hihintayin ko yung araw na magkikita ulit kami.
Dalawang araw ang nakalipas, tinext ko siya na magkikita kami kaso repky niya sakin may gagawin pa daw siya.
"Hoy, sad boi, di parin kayo nagkikita?" tanong ni ate. Mang-aasar naman yan panigurado.
Hindi nalang ako nagsalita.
"Miss na miss mo talaga?"
"Sobra"
"Ediwao" oh ayan wala talagang matinong sagot.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya dali dali kong tinignan yun, Napangiti ako nang makita ko ang pangalan ni Fritzy tumawag siya sakin. Tinignan ko si ate na ngayon ay nandidiri na sa akin. Inggit lang siya kasi wala siya ganito hahah.
Sinagot ko ito.
"I miss you.."
Napangiti ako sa sinabi niya
"I miss you more, are you free this time?"
"Yes"
"Can we meet?"
"Yes"
Inend ko na ang call, itinext ko sa kanya kung saan kami magkikita. At last, magkikita na kami.
Gabi na, nandito na ako sa milk tea shop na napag-usapan namin. Naghihintay ako,
Isang oras na ang lumipas ngunit wala pa rin si Fritzy. Okay lang mahihintay pa rin ako. Dalawang oras, wala parin. Tinignan ko yung cellphone ko. Wala siyang text o tawag.
Tinext ko siya, 30 minutes bago siya magreply.
"On my way.." pagbasa ko sa text niya. At last. Bahala na kung natagalan basta't pupunta siya. This is my first time falling inlove with a girl like this. Hindi ako ganito kay Diana noon ngayon lang.
Nakita ko na siya sa labas ng shop, tumakbo ako papunta sa kanya at agad siyang niyakap. I miss her so damn much. Isinubsob ko yung mukha ko sa leeg niya. Yummakap naman siya pabalik sakin at narinig ko siyang tumawa ng mahina.
"Sorry if I'm late" sabi niya.
"No, it's okay. Don't be sorry" I said while hugging her tight.
Kumalas na ako sa pagkayakap sa kanya at pumasok na kami sa shop. Pinaupo ko sya at bumili na ako ng milktea. Honeydew milk tea daw sa kanya, sa akin naman, Coffee Milk tea naman sa akin.
Habang inasikaso pa ang milktea namin, umupo ako at hinawakan ang kamay niya, sinubsob ko ang mukha ko sa lamesa. Pagod ako ngayon pero gusto ko talaga siyang makita.
"Pagod ka naman pala, nagpahinga ka nalang sana" sabi tinignan ko siya at umiling ako.
"I want to see you so.."
Napatawa naman siya sa sinabi ko kaso tawang nanghihina. Tinanong ko siya kung okay lang ba siya tumango naman siya.
The way she breathes, alam kong may mali.
The way she stopped and close her eyes, alam kong may mali.
Ayos ka lang ba talaga Fritzy?
![](https://img.wattpad.com/cover/247434093-288-k50128.jpg)