CHAPTER 4:
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nong nagsleep over sila dito sa amin, nagkikita naman kami ni Fritzy kapag free time na namin at wala ng pasok. Ibang paaralan siya nag-aaral same school siya ng ate ko. Sa all girls school kasi e.
Minsan nga ay pupunta yun dito sa school namin at madami namang classmate ko ang magtatanong sakin kung kilala ko ba siya sasabihin ko naman oo.
May nagpapareto nga e, kaso ayaw ko siya ireto sa iba. Ewan ko kung bakit, basta ayoko lang talaga. Napakaplayboy kasi nitong mga classmate ko, isa na yun sa dahilan.
Habang papalabas ako ng gate, nakita ko si Diana at Fritzy, nag-uusap silang dalawa. Hindi ko naman alam kung ano ang pinag-uusapan dahil malayo ako pero base sa facial expressions ni Diana parang iniinis niya si Fritzy. Napabuntonghinga ako. Nakaget-over na ako kay Diana.
Napapatawad ko na din siya sa ginawa niya kaso hinding-hindi ko makakalimutan ang mga ginagawa niya. Isa yung bagay na hindi ko inaasahan.
Lumapit ako sa dalawa, nakita kong nakayuko lang si Fritzy. Napalingon naman sakin si Diana at parang nabigla siya. Hinawakan ko ang kamay ni Fritzy at hinila ko siya paalis. Iniwan naming mag-isa doon si Diana tutal may boyfriend naman yun na susundo.
Ang tahimik ni Fritzy, nilingon ko siya. Wala siya sa sarili kaya huminto ako at ganun din siya. Tinignan niya ako at ngumiti kahit alam ko namang pilit iyon
"Alam kong pilit yan" sabi ko. Nawala naman ang ngiti niya labi niya. Alam ko kung anong gusto nito. Hinila ko siya at dinala sa isang mall.
Nandito lang yun e, alam kong favorite niya yung mga stuff toy, andami na niyang stuff toys galing sakin.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya. Ngumiti ako at kinagat yung pang-ibabang labi ko. Gusto ko lang namang isurpresa siya at mapasaya siya.
Tinakpan ko muna yung mga mata niya gamit ang panyo na dala ko
"Hoy Crayola! Ang daya mo naman!" napatawa ako. Ang cute niya kasi kapag nagrereklamo.
"Hintay ka lang"
"Sanaol Hentai"
"Hoy I mean wait, bastos mo naman" sabi ko. Kung ano ano nalang pinagsasabi nito. Papalapit kami ng papalapit sa malaking stufftoy doon. Dahan-dahan ko siyang inalalayan baka mabangga siya ng mga tao dito.
"Nandito na ba tayo? Gusto na akong makakita" sabi niya napangiti ako at dahan-dahan hinubad yung nakatakip sa mata niya.
Tinignan ko ang reaksiyon niya. Nagulat ako nong bigla niya akong niyakap.
Hindi ako makagalaw.
Nanlaki ang mga mata ko.
Kinakabahan ako.
"Thank you.." bulong niya sakin. Napalunok ako. Hindi ko magawang magsalita. Kumalas ang kamay niya sa pagkakayakap sa akin at dali-dali niyang binigay yung cellphone niya sakin. Dali-dali naman siya pumwesto doon sa bear.
"Anong gagawin ko dito?" tanong ko, pinapakita ko sakanya cellphe niya. Umirap siya kaya napatawa ako.
Pinicturan ko siya, paiba-iba ang pose niya. Ako din may picture sa cp niya. Sabi ko wag nalang kaso tinulak niya ako papunta doon kaya nasubsob ako sa may tiyanan ng bear. Lagot talaga to sakin.
Patawa-tawa pa siya habang nagpipicture sakin.
Napangiti naman ako habang tinitignan siya. Sana ganyan nalang siya palagi kasaya. Yung ganyan kalawak na ngiti. Kung masaya siya, mas masaya ako.
Pero nagulat ako nong napahinto siya sa pagtawa. Pumikit siya at huminga ng malalim. Nag-alala akong lumapit sa kanya.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko. Tumingin siya sakin. Ngumiti at tumango.
I know she's lying....