Chapter Nine

857 26 1
                                    

Haloooo kumusta kayo mga ineng? Stress rin ba kayo sa online class kasi jusko po lalo na ko😭😭 Pero sige pa rin naman😘... tuloy ang buhay💕💕

×××××

Iyong date nila ay parang mapopostpone pa ata ng ilang linggo.

"Babalik din ako kaagad. Ikaw na muna ang bahala sa mga bata." Tres said while packing his things.

Gusto niya itong tulungan pero wala pa siya sa lugar para gawin iyon. Pa? Nandoon lang siya sa may pinto sa kwarto ng lalaki nakatayo at nakamasid lang.

"Kahit di mo sabihin gagawin ko talaga iyan." Napahugot siya ng hininga at dahan-dahang naglakad papasok sa silid. "S-so how long is your business trip?" Namula ang mukha niyang tanong rito sabay kamot sa batok kahit di naman makati.

Natigil si Tres sa ginagawa at napatingin sa kaniya. A ghost of a smile is plastered on his face. Di nga lang nakiya ni Wreya kasi di siya makatingin ng diretso dito.

Lumapit sa kaniya ang lalaki na mas ikinatense niya.

"Mamimiss mo ko?" He teased her. Mas lalong namula ang mukha nito.

"H-hindi ah. Tinatanong ko lang kask baka magtanong ang mga bata tapos di ko alam ang isasagot pag nagkataon." Nakanguso na rason nito.

He chuckled at her cuteness. She hissed just by hearing his teasing laughter.

"Well then, you can tell the kids that I'll be back within this week. It's just a short business trip." Tumango lang si Wreya. Nanunuya nitong sabi.

"Okay have a safe trip then."

"No kiss?" Natatawang tanong nito. Sinamaan niya ito ng tingin bago nagmartsa palabas. "I already told the kids when I'll be back though." Sigaw na habol ni Tres. Nang marinig iyon ni Wreya ay napakagat-labi siya.

.
.
.

"Bye Papa, have a nice twip." Malambing na sabi ni Terry sabay yakap sa ama.

"Bye baby girl. Babalik din agad si Papa okay? I'll bring gifts to you and to your brothers. Lots of it." Wreya just pretended she didn't hear that. Siguro dapat na siyang masanay na may taong nagspospoil sa mga anak niya higit sa kaniya. But of course, may limitasyon, mamaya kakausapin niya si Tres.

"Weally Papa? Yeheyy!" Magiliw na nagtatatalon si Tere habang karga ang peppa doll nito.

"Come back soon Dad. Take care." Sabi ni Troy.

"I will son." Nginitian ito ni Tres saka pinat sa ulo pati si Trevor.

"Dad.." Sumenyas pa ang loko-loko niyang anak sa ama na ilapit ang mukha rito. May binulong ito na ikinataas ng kilay ni Wreya. Mukhang may gigisahin na naman siya mamaya nito ah.

"Okay babies, malelate na ang Daddy niyo sa flight niya." Putol niya sa katahimikan dahil si Tres ay panay ang lambing sa mga bata. This is the second time na mawawalay ulit ito sa mga bata, only shorter this time.

Humalik at yumakap ang mga bata dito pagkatapos ay nagtama ang mga mata nila.

"Mama kiss mo rin si Daddy." Suhestiyon ni Troy na may pang-aasar na boses. Sinegundahan naman ito ni Terry.

"Kiss daw." Ungot ni Tres sa kaniya. Hilaw na ngumiti siya dito bago niyakap ang lalaki. Kumislot nga lang si Tres nang maramdaman ang kuko ni Wreya na nanggigil sa kalamnan niya.

Nang maghiwalay sila ay ngumiti pa rin si Tres sa kaniya at umaktong nasaktan.

Inungusan niya lang ito.

At sa wakas ay sumakay na ito sa van na maghahatid dito sa airport. Nang mawala na ang van sa kanilang paningin ay tinawag niya si Trevor.

"Trev, let's talk."

His TEMPT-orary SecretaryWhere stories live. Discover now