Chapter 12

281 17 2
                                    

Mikee's POV

Lumapit sa kin si Tyler, hindi ko alam kung bakit ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Teka, baka naman may sakit na ko sa puso?!! Imposible!

"Hi i'm Tyler. Tyler Domingo." nakangiting pagpapakilala nya. 'Shemss anong sasabihin ko?!' I thought.

"Umm h-hi. Ako si Mikee. Mikee Valdez." nauutal na pagpapakilala ko. He smiled then shook hands with me. 'Ok. Why did I felt sparks?' I thought really confused.

Ano ba to parang wattpad lang ang peg? Hahah may ganun kasi sa wattpad ehh, yung kapag soulmates kayo may sparks ka mararamdaman everytime your skin will touch. After naming magpakilala sa isa't isa, nagpalitan naman kami ng number.

Tyler's POV

"Umm Mikee, available ka ba later?" I asked the beautiful angel just right infront of me. She nod.

"Pwede mo ba kong samahan mamaya. Wala kasi akong kasama sa bahay so i've decided na maggala muna... but the problem is... wala akong kasama." I explained.

She laugh lightly. "Sige just text me kung saan tayo magkikita." sabi nya sabay smile. Napangiti na rin ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
>>Fast Forward

Tyler's POV

Introductions ngayon sa GYM class namin ng biglang magsalita si ang teacher namin habang nakatingin sa labas. "Ms.Montes,where have you been?" tanong nya dahilan para matuon ang atensyon namin sa kausap nya.

"Sa clinic po Mam." magalang na sagot nito. Pinapasok na sila and the class went on.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
>>Fast Forward sa Uwian

Andito kami ngayon sa garden ng school, nanunuod sa mga batang naglalaro. May playground kasi dito ehhh. Napangiti ako, ang cute kasi ng mga bata. Oo lalaki ko, pero syempre nacu-cutetan pa rin naman ako sa mga bata noh. Tinitingnan ko bawat batang nasa playground when my eyes suddenly saw a group of girls approaching the playground. Pagtingin ko sa mga bata nagtakbuhan sila palapit sa mga babae. I looked closely and found out na sina Mikee pla yun and her friends. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko ng makita ko si Mikee. Sh!t. Why does everytime I imagine and see her beautiful face my heart beats faster than normal.

Vanessa's POV

After ng klase namin ni Rach, inantay namin yung tropa sa tapat ng classroom nila, inaayos daw kasi nila yung gamit nila. Nagkekwento sa kin si Rach tungkol kay Mark when the girls arrived. "Guys punta tayong playground, i'm pretty sure andun ang mga bata." sabi ni Elaine. I smiled and nod aggreing with her.

Pagdating namin sa playground tama nga si Elaine, nandun ang mga bata. Nakita nila kami and run towards us. I laugh lightly and in an instant we were surrounded with kids. Binuhat ko si Shane, she's a 4 year old abandoned child. Iniwan sya sa bahay ampunan nung sanggol pa lang sya. I was just 12 nun at kami ang may ari ng orphanage na pinag-iwanan sa kanya.

FLASHBACK
It was raining hard ngayong gabi with thunders pa kaya hindi ako makatulog. Bumaba muna ko at pumunta kay Lola Diana, who was sitting in the living room watching TV. "Lola." tawag ko. Napatingin naman sya sa kin at ngumiti. Umupo ako sa tabi nya at sumandal.

"Hanggang kelan po ba ang bagyo?" tanong ko.

"Hindi ko pa sigurado apo." sagot naman ni Lola habang hinahaplos ang buhok ko. May itatanong pa sana ko kay Lola kaso bigla namang may kumalampag ng pinto ng ampunan.

"Lola Diana! Buksan nyo po ito!" may sumigaw mula sa labas.

"Apo, gisingin mo ang papa mo. Dalian mo." utos sa kin ni Lola. Tumango ako at tumakbo papuntasa kawarto ni Papa. Kinatok ko ng kinatok ang pinto hanngang sa nagbukas ito revealing my sleepy father.

"Anong problema anak?" tanong nya.

"May tao sa baba Papa. Sabi ni Lola gisingin daw po kita." biglang nawala ang antok sa mata ng Papa ko. Tumakbo pababa si Papa. Si Mama naman hinawakan ang kamay ko at sabay kaming bumaba. Pagbaba namin si may hawak si Lola na parang baby sa kamay nya. Lumapit ako kay Lola.

"Ano po yan Lola?" tanong ko. Tumingin sa kin si Lola at ngumiti.

"Baby ito apo, may nag-iwan sa labas." sagot naman ni Lola. Kumunot ang noo ko. Bakit naman iniwan yan sa labas kawawa naman.

"Sino pong nag-iwan kawawa naman?" tanong ko. Ngumiti si Lola ng malungkot.

"Hindi ko rin alam apo ehh." malungkot na saad ni Lola. "Pero Shane ang pangalan nya at kukupkupin natin sya." masayang dagdag ni Lola.

"Yehey!" masayang sabi ko. Bakit ako masaya? Kasi may bago na kaming aalagaan dito. Hindi naman kami malulugi ehh, may sponsors kasi ang orphanage namin.

Inabot sa kin ni Lola si Shane. Napangiti ako. "Ang ganda nya po." nakangiting sabi ko. Nagtawan sila. Simula nung araw na yun, lagi ko nang inaalagaan si Shane.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's Note
Chapter 12 finally posted! Yey! Hope u like it. Comments and votes accepted!

His Princess (JaDine LustReid Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon