Chapter 6

1 0 0
                                    

I woke up early to catch up on time. Mabuti na lamang ay hindi ako gaano'ng nalasing kaya okay lang. Medyo sumasakit but it's bearable. Gano'n siguro talaga kapag in need of money.

He already sent me the silver cocktail dress I'll wear for the party and so the new Jimmy Choo shoes glow in the dark collection! Man! I've been dreaming about buying one maybe next year dahil wala pa ako'ng pera pero naunahan na ako ni Harry. I will slay this dress!

Kakatapos ko lang maligo nang marinig ko ang busina sa tapat ng apartment. Sinilip ko ang bintana at inaakalang si Harry na iyon pero it was not.

From my stand, kitang kita ko si Jared na nakasandal sa isa'ng kulay itim na RAM. Tinitignan siya ng iba samantalang siya ay nakatingin lang sa pinto ko. Probably getting bored. Nakasuot ito ng black tuxedo and white polo underneath. Nakabukas ang unang dalawang butones ng puting polo niya. He looks so hot as ever!

Hindi pa man tapos mag-ayos ay nilabas ko na siya na may kasama pa'ng pagkunot na noo. Nakikita kong pinagtitinginan siya ng iba'ng babae. I got so irritated by the way they look at them. Ang lalandi! Mabilis siya'ng umayos ng tayo nang makita ang paglapit ko.

"What are you doing here, Jared?" Inayos ko ang boses ko dahil baka masigawan ko siya. "You really want attention talaga no?" His expression changed.

He looked startled. "I don't need attention. Bakit ba?"

"Tss." Umiling nalang ako before crossing my arms on my chest. Tinitignan ko ng masama ang mga babaeng tumitingin sa'min.

Nanatili ako'ng tahimik hanggang sa nagsalita na siya. "I'm coming with you. Sabay na tayo sa Tagaytay." What?!

Naguguluhan kong ipinukol ang tingin sa kanya. What the hell is he saying? "How did you know na pupunta ako sa Tagaytay?" Is he some sort of stalker?

"Harry," Bitin niya'ng sabi na agad kong inilingan. No way. Harry, you traitor!

"What do you mean?"

"Sinabi sa'kin ni Harry na ako nalang daw ang maghatid sa'yo roon since a-attend din ako doon."

"No thanks, sa kanya nalang ako sasabay."

"He's already there,"

Napaawang ang bibig ko. "You sure?" He just nodded. Mariin ako'ng napapikit. I swear Harry dasalan mo na lahat ng santo dahil pag nakita kita kawawa ka.

Hindi man ako sang-ayon ay tumango na ako. "Okay wait. Come in." Nauna na ako'ng maglakad. I don't like to be rude to him. Tumango lang siya at sumunod na sa'kin.

Gusto kong mahiya nang pumasok siya sa apartment ko. It was far from his condo. What more pa kung sa bahay niya siguro. "Umupo ka na d'yan. Bibilisan ko nalang." Bago ako umalis at pumasok sa kwarto. I wore a make up para umayon naman ako sa party.

Paglabas ay naabutan ko si Jared na tinitignan ang pictures ko. Bigla tuloy ako'ng nahiya. May mga picture ako kasama ang pamilya. Meron din'g nasa beach at nakasuot ng two piece.

Mabilis ko siyang nilapitan at tinakpan ang mata mula sa likod. Gosh! I can feel my face heating!

"Hey, stop looking at my pictures!" Tinaob ko ang mga frames mula sa likod niya kaya para ko tuloy siyang niyayakap mula sa likod. Hindi ko mapigilang mapasinghot dahil amoy na amoy ko ang mamahaling pabango niya. I heard him chuckle kaya napalayo tuloy ako ng kaunti.

"What? Why?" Tinanggal niya ang kamay ko sa mata niya bago ako hinarap. Sobrang lapit ng mga mukha namin. I wanted to step back but I can't move my feet! He then arched a brow. Nanunukso ang mga tingin niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love With Dinero (Rich Boys Series#1)Where stories live. Discover now