"You know, I can't really find him! Ang alam ko lang judging from his lanyard, he's an Atenean." Nicole uttered in frustration. Pabagsak niya'ng ibinaba ang phone sa lamesa at pumangalumbaba na parang lumbay na lumbay."Ikaw kasi, I said go get his number then kami na bahala. Sasabihin naming dare lang." Sabi ni Katrina.
Nagngising aso naman si Nicole. "And what's next? You think may idadahilan pa ako after saying those lame reasons?" Katrina just shrugged.
Napailing nalang ako at uminom sa frappe. Nasa coffee bean kami para tumambay lang. She's getting some suggestions for her upcoming birthday pero iba yata ang naging takbo ng usapan.
"You know what, instead of a European trip with just your family, what if sa bar or sa house niyo nalang yung celebration. I mean, invite mo lahat ng kakilala mo na potential friend nung guy. Madami ka namang kakilala." Suggest ko. Her eyes twinkled.
"Oh my God! That's a great idea!" Sabi niya. "Okay. I will invite now!" Kinuha niya ang cellphone at nagpipindot doon na akala mo ay hindi iyon pwedeng ipagpaliban.
Magsasalita na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. Mabilis kong dinampot ito sa lamesa at sinagot. I excused myself before I stood up to head to the coffee shop's entrance. "Hello?" Salubong ko kay mama.
"Anak, ayos ka pa ba diyan? Just tell me kung nahihirapan ka ah?" I heard her sigh. "Nagpadala na 'ko ng panggastos mo."
"Mama, you don't have to, kumikita naman ako dito kahit papaano."
"Eh ilang beses ka na ba'ng tumatanggi? I know kailangan mo yun kahit na kumikita ka diyan. For three years halos ikaw ang gumagastos sa pag-aaral mo diyan. You don't even ask for a help." Napahawak ako sa sentido.
"Okay na. Kukunin ko mamaya. Thanks ma, ingat kayo diyan." Sabi ko bago tuluyang ibinaba ang tawag. Pumasok ako'ng muli sa coffee shop at busy pa'rin sa pagkalikot ng phone si Nicole. Si Katrina at Joana naman ay nag-uusap lang.
"So, where's your venue?" Tanong ko. Napatingin sa'kin si Nicole bago niya ibinaba ang phone.
"Xylo? What do you think? Or sa house nalang?"
"House! Sawang-sawa na ko sa mga bar." Si Joana. Tumango si Nicole bago nagpipindot muli sa phone.
We've been like this ever since. Tatlong taon na'rin ako dito and isa'ng taon nalang ay gagraduate na ako. Nicole was the first person I met and eventually, get close with since I transferred here in Manila.
I remember when she was like, drunk and wasted. Muntik na siya'ng mabangga ng taxi na sinasakyan ko. Wearing a bodycon dress and a black stilettos, screaming at the top of her lungs. That was one hell crazy. Inuwi ko siya kahit na hindi ko kilala dahil masyadong madilim sa lugar. I know it's too dangerous for her.
Then to my surprise, she was my block mate pala. That's when our friendship began. Nakilala ko din si Katrina and Joana at ang iba pa'ng nasa circle of friends ni Nicole.
"Okay! So sa Saturday, 6:00 pm on my place." Sabi niya bago tuluyang inilapag ang cellphone. "Gosh! I already invited some Atenean friends. Siguro naman ay kilala nila yung guy." Nakangisi na siya ngayon habang pinaglalaruan ang coffee niya.
"Wait, I'll help you with that." Si Kat sabay kuha ng phone niya. Napailing ako'ng muli.
"Nicole, drop me sa Rosana. May photoshoot ako dun." Tumango naman siya bago tumayo na.
"Okay, we're done na. Kat, Jo, sasabay kayo?" Aya niya sa dalawa pero umiling agad si Kat.
"Nah, susunduin ako ng boyfriend ko. Mauna na kayo."
YOU ARE READING
Love With Dinero (Rich Boys Series#1)
Roman d'amourPeople who claim that they never liked money are hypocrites. We all want dinero. It's just that there are different approach of how far could you go for it. And in my case, I gold dig with passion. Without all the lies that every money parasites are...