Pag kauwi nya ng bahay naabutan nya ang kanyang ina na kasama ang tito Art nya, mukang maaga itong nakauwi mula sa opisina.Agad syang binati nito at inalok na mag merienda.
"maaga ka yatang nauwi Ceyan." bati sa kanya ng dalawa.
"opo mama, tito may biglaang meeting po ang mga teachers ng senior high, kaya maaga po ako ngayon,nag merienda po ako bago umuwi. Pasensya na po napagod po kasi ako kaya po aakyat na po ako."sabi ni Ceyan.
Tumango nalang ang dalawa bilang pag sang ayon sa kanya.
Samantala pag pasok nya sa kwarto para syang nauupos na kandila sa nangyari sa kanila sa eskwelahan bakit ba lagi nalang syang napapahiya sa harap nito, kaya naman naisip nyang hindi nya na ito iiwasan dahil nag mumukang kahiyahiya nalang sya rito,baka akalain pa nitong malaki ang pag kagusto nya rito."gusto ko nga ba sya."bulong nya sa sarili. Napailing iling sya sa naisip hindi pwede syang mag ka gusto sa stepbrother nyang devil, hindi maaari inis lang marahil ang nararamdaman nya dito.
Naputol lang ang pag iisip nya kay Rocco ng tumunog ang cellphone nya, si Maxine ang tumatawag."hello! Ate Ceyan nauna ka na daw umuwi, balak sana naming dumaan ni kuya Rocco sa mall, baka may ipabibili ka?" tanong nito sa kanya.
"naku wala naman Max!" sagot niya rito.
"ah ganoon ba! Sige bilan nalang kita ng pizza bye!" wika ni Maxine sa kabilang linya.
"bye Max." sagot naman nya rito.
Pag katapos nilang mag usap na alala nya ang kanyang ama kaya kaagad nya itong tinawagan,ng marinig ang boses ng ama, bigla nya itong na miss na iiyak pa sya ng marinig din mula dito na miss na miss na rin sya nito.
"kailan ka ba dadalaw anak?mag sabi ka pag uuwi ka para makapaghanda kami ng mga paborito mong pagkain."
Tanong nito sa kabilang linya."papa hayaan nyo po at makakauwi po ako bago po mag undas, wala na po kaming pasok non, two weeks before, sembreak na po namin non." sagot nya sa ama.
"okey Sige at aasahan ko yan anak, oh sige at baka may gagawin ka pa, bye anak." pag papaalam na ng ama nya.
"bye po ingat po kayo lagi ni tita dyan." sagot naman nya rito.
Mga isang oras ang nakaraan at dumating na si Maxine, may bitbit nga itong isang box ng pizza kasunod non naman ang kapatid nitong si Rocco, nag katitigan silang dalawa, ngunit agad nyang binawi ang tingin nya rito, naiilang sya ngayon dito, biglang sumagi sa isip nya ang pagkapahiyang nangyari,lahat yata ng dugo nya umakyat sa ulo nya, na hihigh blood na naman sya kay Rocco.
"naku! Naku! Ang devil talaga na yon." bulong nya sa sarili.
Habang nag hahapunan, masaya namang binalita ng tito Art nya na sa darating na long weekend ay mag a out of town sila, pupunta sila sa isang beach, excited naman ang lahat sa magandang balitang narinig kaya masaya nilang pinag patuloy ang kanilang hapunan.
Hindi makatulog si Ceyan kaya naisipan nyang lumabas muna para mag pahangin maaga pa naman kaya tinahak nya ang daan pa puntang terrace, na upo sya roon at pinagmasdan ang kalangitan na puno ng bituin, kay gandang pag masdan nagulat pa sya ng may umubo sa may likuran nya, pag lingon nya nakita nya si Rocco.
"hindi ka rin ba makatulog? " tanong nito sa kanya,pinag mamasdan sya nito.
Hindi sya kumibo napatingin sya rito, pinagmamasdan nya ito, huli na para mag bawi sya ng paningin nahuli na sya nito, naka titig ito sa kanya tila naman nahihipnotismo syang hindi nya kayang bawiin ang paningin nya rito. Hindi nya alam pero sa pag kakatitig nito sa kanya parang napuno ng emosyon ang puso nya kumakabog ito na para bang sasabog sa lakas niyon,sinambit nito ang pangalan nya na lalo lamang nag padagdag sa hindi maipaliwanag na emosyong nararamdaman nya.
"Ceyan." pa bulong na sabi ni Rocco.
Hinawakan nito ang mukha nya at dahan dahan sya nitong hinalikan banayad lang sa umpisa ngunit mga ilang segundo lang naging mapag hanap na ang mga labi nito hanggang naging mapusok na ito. Tila malalasing si Ceyan sa nararamdaman, napakasarap ng halik na iyon na pinagsaluhan nila ni Rocco naghiwalay ang mga labi nila ng kapusin sila ng hininga,hinihingal silang pareho ni Rocco. Hinawakan sya ni Rocco sa mukha at marahang hinaplos nito iyon tsaka sya niyakap ng mahigpit ilang minuto din sila sa ganoong ayos, hinayaan nalang ni Ceyan kung ano nararamdaman nya nag padala nalang sya sa kakaibang emosyong dulot ng halik na kanilang pinagsaluhan.
Naghiwalay kaagad sila ni Rocco ng may marinig na mga yabag papunta sa kinaroroonan nila."ate Ceyan! Andyan ka pala hindi ka rin ba makatulog? Tara doon ka nalang matulog sa kwarto ko, kwentuhan muna tayo.huh! nandito ka rin kuya Rocco? " tanong ni Maxine.
Bago pa makasagot si Rocco pumayag na kaagad sya sa inaalok ni Maxine, bago pa ito makahalata sa kanilang dalawa ni Rocco, kaya naman hinila nya na ito pa punta sa kwarto nito.
"mabuti pa nga, sige tara na." pag payag nya rito. Hindi nya na nilingon si Rocco ngunit punong puno ng kasiyahan ang puso nya na parang sasabog ito, wala sa loob na nahaplos nya ang labi nya. May nararamdaman na sya sa binata sigurado iyon.
BINABASA MO ANG
Dont Kiss Me My Devil Stepbrother(completed)
RomanceAno nga ba ang gagawin mo kung na in love ka sa stepbrother mo? Pero lagi ka namang bunubwisit at ina asar nito... Itoy kwento ni Ceyan at ng kanyang handsome stepbrother, ang Kanyang first love at first kiss.... Sana magustuhan nyo😘💋