Chapter 1 Sinundo Sya Ng Kanyang Ina

358 5 0
                                    

Mabigat sa dibdib ni Ceyan ang umalis ng San Simon, ngunit kailangan nyang gawin yon,alang alang sa kanyang ama...
Isa syang bunga ng broken family, bagamat ang ina at ama nya ay mag kasundo at ni rerespeto ang isat isa iba pa rin syempre yong wala pa silang ibang pamilya, ngunit nag asawa ang kanyang ina 5 taon na ang nakararaan, may kapatid syang lalaki sa side ng nanay nya at itoy si Alei mga apat na taon na.
At ngayon naman isang buwan na ang nakalilipas ang tatay naman nya ang nag asawa,kaya nag pasya ang kanyang ina na doon muna sya sa poder nito, para naman mag karoon ng oras sa isat isa ang mag asawa at maaaring ito din ang paraan ng kanyang ina upang pumayag syang tumira kasama ito at ang pamilya ng asawa nito.
may dalawang anak sa unang asawa ang stepfather nya at ang alam nya namatay ang una nitong asawa dahil sa komplikasyon sa panganganak sa bunso nitong babae.

Isang lalake at babae ang anak ng stepfather nya, sa kwento ng nanay nya mag kasing edad lang daw sila, at ang babae naman ay mas bata ng dalawang taon lang sa kanya...

Habang lumalabas sya sa kanilang bahay bitbit ang maleta at ilan nya pang gamit,hindi nya mapigilan ang lungkot na nararamdaman,tiningnan nya ang ama na masayang nakikipag kumustahan sa ina nya kasama nito ang bago nitong asawa,ng may biglang may yumakap sa bewang nya...

"ate Ceyan!" excited na yakap sa kanya ng kapatid.

" mukang miss mo na si ate ah! Pa kiss nga ako" sabay halik sa matambok na pisnge ng kapatid nya.
Humahagikhik ito dahil siguro nakikiliti sa ginagawa nya.

Ng marinig ni Alyson ang mga anak, bumaling ito sa kinaroroonan ng dalawa, napuno ng tuwa ang puso nya ng makita ang dalawa, kay gandang pag masdan makita mo silang mag kasama, hindi na sya nag dalawang isip na lapitan ang mga ito, mas mainam na umalis na sila ng maaga para hindi na sila ma traffic pa sa daan.

Hinalikan nya sa pisnge ang dalaga
"anak ready ka na ba wala ka na bang nakalimutan? Mag paalam ka na sa papa mo para hindi na tayo ma traffic" sabay ngite nito sa kanya at tapik sa balikat.
Alam nyang nababanaag nito sa mga mata nya ang lungkot.

Ng lumapit sya sa ama nya, bakas din sa mukha nito ang lungkot.

"anak wag kang makakalimot tumawag lagi sakin ha, pag may oras ka umuwi ka dito o kung gusto mo naman ako ang bibisita sayo dun, malapit lang naman ang bayan ng Santiago dito sa atin mga 4 na oras lang naman ang biyahe" wika nito sa kanya.

"opo papa, sige po at tatandaan ko po"

Sabay yakap sa ama ng mahigpit,
hinalikan nya ito sa pisnge, niyakap din nya ang stepmother nya, mabait naman ito sa kanya, iyon nga lang kailangan nyang bigyan ng oras ang bagong mag asawa dahil dalaga ang napangasawa nito, ayaw nyang maging sagabal at alalahanin sa pag buo ng bago nitong pamilya...

Habang nasa biyahe panay ang kwento ng kanyang kapatid napaka daldal nito, kalong kalong nya ang kapatid siguro na miss talaga sya nito ng husto..

"anak gusto kung huwag kang mailang sa stepfather mo at sa mga anak nya, mababait ang mga yon,alam kung makakasundo mo sila" sabay ngite ng kanyang ina.

Bagamat alam nyang totoo ang sinabi ng kanyang ina, dahil ilang beses na nyang nakita ang stepfather nyang si Art, napaka bait nga nito,ang hindi nya lang matangap na mabait ang anak nitong lalake, si Rocco..

Ang gago na lalaking yon hinding, hindi nya makakalimutan ang ginawa nito sa kanya ng araw mismo ng kasal ng nanay nya..
Kumukulo na ngayon palang ang dugo nya sa lalakeng yon hindi pa man nya nakikita...

 Dont Kiss Me My Devil Stepbrother(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon