Chapter 3 Pag Kikitang Muli

145 5 0
                                    

Tinanghali sya ng gising kinabukasan, hating gabi na yata ng lumipat sa sarili nyang silid si Max...
Nanood sila ng movie at nag kwentuhan, magaan ang loob nya dito pareho siguro nilang gusto mag karoon ng kapatid na babae...

Well,marami naman nag sasabing madali syang maka palagayan ng loob, sya yong babaeng simple lang at walang ka arte arte sa katawan,hindi sya kaputian pero bumagay lang naman sa beauty nya, may mahaba at mapilantik na pilik mata, maliit din ang kanyang mukha na binagayan ng makipot nyang ilong ngunit hindi naman katangusan, pero ang masasabi nyang best asset ng katawan nya ay ang mala beauty queen nyang katawan at tindig,yon nga lang itinatago nya sa mga suot nyang maluluwag na t shirt at jeans.
Doon kasi sya komportable...

Bago bumaba naligo muna sya.

Pag baba nya sa may sala nakita nya ang kanyang ina, hinalikan nya ito sa pisnge, ganun din ginawa nya kay Alei...

"anak hinintay lang kita magising check up ng kapatid mo ngayon at pag katapos dadaan ako sa opisina marami akong kailangan gawin don.
Pwede mo bang samahan si Alei" tanong ng kanyang ina.

"opo mama," sagot nya..

Tamang tama makakaiwas sya kay Rocco ngayon...

Nagising si Rocco na masakit ang ulo dahil sa hangover.

"ahhgg shit! Napa dami yata ang inom ko kagabi"

Pagkatapos maligo, bumababa na si Rocco... Alas dyes na ng umaga at gutom na gutom na sya kaya dun na sya agad nag punta sa kusina

Habang kumakain hindi naiwasan tanungin ang kasambahay.

"nasaan sila Max at yong anak ni tita?" tanong nya kay manang.

"si Maam Max po, sumama kay Maam Ceyan marami daw po gagawin si tita mo sa opisina kaya sila nalang sumama kay Alei sa check up" wika nito.
Pag katapos kumain nag punta sya sa may gilid ng bahay naupo sya dun sa may pool,habang nag lalaro sa cellphone nya...
Mga isang oras na syang naka upo dun ng may marinig syang kotse na pumasok marahil yan na siguro ang mga kapatid nya...
Pag pasok nila ng bahay, biglang tumakbo si alei sa may gawing pool, natanaw nya kaagad si Rocco dun..

"kuya! Kuya! Tinganan mo oh, may bago akong toy" wika nito sa kuya nya.

kaagad naman itong binuhat ni Rocco at hinalikan sa pisnge.

"wow! ang ganda naman" nakangiteng sabi sa kapatid.

Hindi mapakali si Ceyan, kailangan nyang umiwas kaya naman dali dali syang umakyat sa kwarto nya,bago pa sya mapansin ng binata... Ngunit sumunod sa kanya si Max.

"ate Ceyan, tara sa kwarto ko manood tayo" aya nito sa kanya.

"sige tara" sabay pasok nilang dalawa sa kwarto nito...

Habang uma akyat ng hagdan si Ceyan na parang nag mamadali mukang pakiramdam nya umiiwas ito sa kanya, tinanaw na lamang nya ang mga ito ng pumasok sa kwarto ng kapatid salamin kasi hanggang sa taas ang bahay nila, mula sa swimming pool tanaw mo ang lahat ng pinto ng kwarto.

May pilyong ngite ang sumilay sa labi ni Rocco..

Hindi lumabas ng kwarto ang dalawa ang sabi ng kasambahay kumain na daw ang mga ito sa labas, kaya mag isa syang kumain...

Kumatok sya sa kwarto ni Max..
Maya maya binuksan iyon ng kapatid... Sabay nun pumasok sya kaagad sa kwarto nito...

"hey! Ano ba lumabas ka nga kuya mangugulo ka lang ei" hinawakan sya sa braso ng kapatid at pilit syang hinihila palabas ng kwarto..

"bakit ba gusto ko din yang pinanonood nyo" wika ni Rocco..

Nanlalaki ang mata napatingin si Ceyan sa lalaki sabay sampa sa kama, pumagitna ito sa kanila ni Max..

Sa gulat nya bigla syang napatayo ngunit mabilis ang mga kamay nito,bigla syang hinatak nito pa upo ulit sa kama...

"aray! Ano ba bitawan mo nga ako" naiinis na sagot nya dito.

"saan ka Pupunta ha? Ang ganda na ng scene sa movie aalis ka,"nakangise ito sa kanya.

Nakasimangot na humalukipkip na lamang si Ceyan..

Biglang nag salita si Max.

" kukuha ako ng chips, wait lang ha,
Huwag kang aalis ate, huwag mong pansinin si kuya Rocco... Nag mamadaling lumabas na ng kwarto para kumuha ng chips.

Inistop muna nito ang pinapanood nila,sabay baling nito sa kanya.

" ini iwasan mo ba ako? Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng isang kiss kahit sa pisnge lang"
pilyong wika nito.

Namumulang bumaling si Ceyan sa inis dito ahh napaka bastos talaga ng devil na to sa isip ni Ceyan...

Hinampas nya ito ng unan, inis na inis sya dito.

Panay naman ang ilag nito sa mga hampas nya at tawa ng tawa... Wala syang masabi sa tindi ng inis nya dito...

"relax ano ka ba,hanggang ngayon pa ba hindi ka nakaka move on, oh baka naman hinahanap mo."pang aasar nito ulit sa kanya...

Nahawakan nya ang book ni Max sabay bato dito, hahaha sapul ito sa ulo...

Walang hiya kang lalake ka may araw ka din, nasa isip ni Ceyan..

" aray! Ano ka ba para kang tigre kung magalit"hinimas nito ang ulong nasaktan

Babatuhin pa sana nya ito ng isa pa ng biglang bumukas ang pinto, si Maxine.

" anong nangyari bakit? Nag palipat lipat ito ng tingin sa kanila ang gulo kasi ng kwarto nag kalat mga unan nito at naka porma pa ang kamay nya sa ere hawak ang aklat nito.

Bigla nyang ibinaba ang aklat sa side table nito...

Nagtataka nalang bumalik ulit sa pwesto nya si Maxine..
Para wala namang nangyari patay malisya ang loko na Rocco, tahimik na itong naki panood sa kanila...

Hmpp may araw ka din, lalake ka.. Bulong nya.

"may sinasabi ka" baling nito sa kanya.

"WALa" sabay irap dito..

Nakangiteng bumaling ulit sa pinapanood nila.

 Dont Kiss Me My Devil Stepbrother(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon