Chapter 4 Iwas

126 6 0
                                    

Sa abot ng makakaya nya ayaw nya talagang mag kasarilinan silang dalawa ni Rocco, lagi kasi syang ina asar nito, kaya naman talagang gumagawa sya ng paraan para maka iwas dito pag wala na ang mama at tito Art nya, si Maxine naman mukang nasanay na sa bangayan nila ni Rocco...

Nasa kwarto sya ng kanyang kapatid na si Alei,tamang palabas na sya ng kwarto dahil napatulog na nya ito,nag merienda lang ang yaya nito sa baba, kaya sya na muna nag patulog sa kapatid nya...
Ng bumukas ang pinto at pumasok si Rocco..

"nasaan si Alei?" tanong nito sa kanya...

"shhhhh!!! Huwag kang maingay kakatulog lang" sabay senyas na lumabas ng kwarto...

Agad naman itong tumalima sa kanya, lumabas na rin sya ng silid

Paglabas nya naka abang na ito sa kanya, nilagpasan nya lamang ito at nag tungo na sya sa kanyang silid, ngunit pag pasok nya pumasok dun ito kasunod nya bago pa man nya maisara ang pinto ng kwarto.

Abat talaga namang inu ubos ng lalaking ito ang pasensya nya..

"ano bang kailangan mo ha!" singhal niya sa binata... "lumabas ka nga!!!" taboy nya rito...

Humalukipkip lang ito at sumandal mismo sa nakasarang pinto,
Inikot sa buong silid ang paningin tsaka bumaling sa kanya...

"hindi ko nakita dala mo ang gitara mo dito, obviously wala din dito sa kwarto mo" sabi nito.

"wala ka na don, pwede ba umalis kana," naiinis na sya dito...

Iniwan nya ang gitara kahit pa nga labag sa kalooban nya dahil baka mag pa alala lang dito kung ano ang gusto nyang makalimutan sa mismong araw ng kasal ng ina nya...
Alam nyang makikita nito iyon kung dinala nya at baka ma alala lang nito kung ano ang dapat ng ibaon sa limot, para sa kanya nag mukha syang easy to get ng araw na yon..
Sobrang hiya sa sarili ang ginawa nya ng araw na yon...
Ahhh! gusto na nyang ibaon sa limot ang pagka pahiyang nangyari noon...
Move on!!! Move on Ceyan!!! Sabi ng kanyang isip...

Lumapit ito sa kanya, umatras naman sya ngunit ng tumama sya sa kama na out of balance sya dahilan na hawakan sya sa kamay at matumba sila parehas sa kama...

Nanlalaki ang mga mata nya sa gulat naka patong ito sa kanya at ang mga labi nito nakadikit malapit sa labi nya, nagulat din ito marahil kaya hindi kaagad naka kilos...
Bigla nya itong tinulak palayo sa kanya,agad naman itong tumayo mula sa pag kakapatong sa kanya...

"nasaktan ka ba?" wala man lang pag ka ilang na Wika na nito sa kanya..

Samantalang sya parang sasabog sa lakas ng kabog ang dibdib nya muntikan na silang mag halikan as in lips to lips... Ngunit parang nahalikan na rin sya dahil kahibla nalang nag landing ito sa labi nya...
Nag hihisterikal syang sumigaw dito.

"lumabas ka! Lumabas kang devil ka!!!" sigaw niya rito...

Natatawa na lamang lumabas ng silid nito si Rocco, ngunit bago nito isara ang pinto ng kwarto nya may sinabi ito na muling ikinapula ng mukha nya...

"sa susunod na gusto mo akong halikan, no need to play tricks, baka masaktan ka lang, you can actually ask me if you want". Sabay kindat sa kanya nito,
Binato nya ito ng stuffed toys ngunit mabilis nito isinara ang pinto...

Nag pupuyos ng galit si Ceyan,
Abat ang lalaking yon, akala siguro sinadya kong mag patibuwal sa kama
Ahhh the nerve!!! Napa pikit na lamang sya, hindi kaya inakala nitong ina akit nya ito....
Ang walang hiyang devil na yon, may araw ka din...

Samantala pag katapos ng tagpong iyon sa kanila ni Ceyan, umalis si Rocco at nag punta sa dati nilang tambayan mag kakaibigan sa cafe na pag aari ng pamilya ng kaibigan nyang si Willy...
Bukod kay Thart malapit din ito sa kanya, bale apat silang mag kakaibigan mula pa ng high school,
Sya, si Thart, Willy at Nicks...
Pag pasok nya sa cafe umakyat sya sa may 2nd floor nandon ang tambayan nila sa mismong balkonahe na kung saan tanaw mo ang mga nag kakape din sa labas may mga lamesa at malalaking payong naka pa ikot sa cafe sa ibaba...

"Whats up bro" bati nya sa mga ito...

Tinapik naman sya ng mga ito sa balikat...

"pare late ka sa usapan kanina pa kami dito ah" naka ngiteng sabi ni Nicks...

Abot tenga ang ngite ni Rocco, ngunit walang lumabas na salita sa bibig.
Nakangite lang sya sa mga kaibigan...

Nag katinginan ang tatlo niyang mga kaibigan na para bang nag sasabing anong nangyayari dito, ang weird yata ng kaibigan nila ngayon...

"bigyan mo nga ng kape, mukang nanaginip pa ei" pabirong wika ni Thart...

"gago!!! Sabay suntok ng marahan sa braso nito...

Napuno ng tawanan ang balkonahe na yon...
At nag umpisa na silang mag kwentuhan mag kakaibigan....

Samantala hindi mawaglit sa isip nya ang nangyari sa kanila ni Ceyan,alam nyang galit ang dalaga sa kanya dahil sa mga sinabi nya, lihim syang napa ngite ng ma alala kung paano namula ang buong mukha nito sa sobrang pag ka pahiya at galit... Ipinatong nya ang dalawa nyang kamay sa ulo habang naka upo saka sumandal.
Napaka cute ni Ceyan pag nahihiya..

"bro!!! Ano libre ka ba sa sunday,? bago mag start ang klase maka gimik muna tayo bro!!" muling tanong nito...

"ha? Ah ok cge"
Pag sang ayon niya, ngunit ang totoo hindi nya naintindihan ang sinabi nito, sumang ayon nalamang sya...
Okupado ang isip nya sa nangyari sa kanila ni Ceyan.....


 Dont Kiss Me My Devil Stepbrother(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon