Chapter 10

92 4 0
                                    

Sinalubong sya kaagad ng ama pag baba pa lamang nya sa bus, niyakap sya nito ng mahigpit, gumanti din sya ng yakap sa ama.
Sumakay sila sa pick up nito at kalaunan nakarating sila sa bahay, hindi naman din kalayuan ang terminal ng bus mula sa lugar nila.
Sinalubong sya ng pangalawang asawa ng kanyang ama at binati sya nito,pagkaraan sinabi nitong naka handa na ang pagkain,kaya sama sama silang kumain at masayang nag kumustahan.

Pag pasok nya sa kwarto dahil busog sya at napagod sa biyahe ay kaagad syang nakatulog.hapon na ng magising sya,tiningnan nya ang oras alas singko na ng hapon,bumaba sya at nakita nya ang ama na nag kakape sa may balkonahe nila,ngumite ito ng makita sya, umupo naman sya kaharap nito.

"naiwan mo yong cellphone mo sa lamesa, kanina pa may tumatawag sayo, ng tiningnan ko hindi naman mommy mo kaya hindi ko na sinagot." sabi nito.

Iniabot naman ng papa nya ang cellphone nya sa kanya. Lagot! Nakalimutan nyang e txt si Rocco na nakarating na sya sa bahay nila, iyon pa naman ang kabilinbilinan nito sa kanya, samalamang nag aalala na ito, kaya naman kaagad nyang tinawagan ang binata.

"hello! Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Alam mo bang nag aalala ako, buti nalang tumawag kay tita Alyson ang papa mo at sinabing nakatulog ka na raw." sagot nito sa kabilang linya.

"sorry! Sa sobrang excited ko na makita si papa nakalimutan ko." paliwanag ng dalaga sa kabilang linya.

"okey! Sige and keep your time with your dad, it's okey. Enjoy and bye!" pag papaalam nito.

"bye." paalam din nya rito.

Hindi nya alam kanina pa sya pinag mamasdan ng ama, bumalik sya ulit sa kinaroroonan ng ama pero hindi sya bumalik sa kina uupuan nya, tumabi sya sa ama at niyakap ito.
Hinalikan sya nito sa ulo.

"na miss mo ako ano?" tanong nito sa kanya.

"sobra po kitang na miss!" sagot naman nya sa ama.

"eh kung ganoon bumalik kana dito sa akin, para hindi mo na ako ma mimiss." lambing nito sa kanya.

Tumingin sya sa ama at ipinaliwanag rito kung bakit hindi pa sya maaaring bumalik sa poder nito.

"hindi pa po pwede papa, alam mo naman gusto ko kayong bigyan ng panahon mag asawa para naman mag kasarilinan kayong dalawa, ayokong mahati ang atensyon nyo sa akin at kay tita, baka pag mulan lang nyo ng hindi pag kakaintindihan."

"ano ka ba namang bata ka! Bakit mo naman naiisip ang ganoong bagay, alam ng tita mo na mahalaga ka sa akin anak kita! Ang mahalaga sa akin ay mahalaga din sa kanya." wika nito.

Ngumite sya sa ama,pag karaan sinabi nyang...

"alam ko po yon, pero sa ngayon sana po maintindihan nyo po ang desisyon ko."

Niyakap nya muli ang ama, napa buntong hininga na lamang ito.

"salbahe kang bata ka, binibigyan mo ako ng alalahanin ei!" pabirong wika ng kanyang ama.

"hehehe! Mana lang po ako sa inyo papa!" sabi nya sa ama.

"abat teka at sumasagot ka na rin ngayon ha!"
Tumakbo sya palayo sa ama, at lumabas ng gate mangangapitbahay muna sya.

"sasaglit lang po ako kina Karen." pag papaalam nya sa ama.

Tumango naman ito sa kanya.

Nag doorbell sya sa bahay nila Karen, maya maya pa pinagbuksan na sya ng kasambahay ng mga ito. Nakilala naman sya kaagad nito at pinapasok sya ng bahay,nakita sya ng ina ni karen pag katapos ng batian sinabi nitong katukin na lamang nya ang kaibigan sa kwarto nito.

Naka ilang katok sya bago pag buksan ng kaibigan.
Nagulat ito ng makita sya, agad sya nitong niyakap at pumasok sa kwarto nito.

"kailan ka pa dumating? Na miss kita Ceyan! Kumusta naman dun sa school nyo?" tanong nito sa kanya.

"ayos lang naman may mga kaibigan na rin ako dun, matatapos na rin naman ang pasukan kaya mga nakapalagayan ko na rin ng  loob ang iba,mababait naman halos kahit pa nga nasa pang mayaman akong school." sabi ni Ceyan.

"buti naman kung ganoon, nag aalala ako na baka may mang bully sayo doon, dahil transferee ka." sabi ni Karen.

Bigla nyang na alala si Rocco at napangite,napansin naman ito ni Karen.

"oh para saan yang ngite mo? Uyyy! Mukang may something fishy ha!!! Kwento mo na dali!!!" excited na sabi ni Karen.

Sinabi nya lahat sa kaibigan ang lahat lahat, pati ang nangyari sa kasal ng kanyang mommy at tito Art nya.

"ikaw ha! Nakakainggit ka!!!" kinikilig na sabi nito sa kanya.

"alam mo bang natatakot din ako kung anong magiging reaksyon ng pamilya namin dito kaya sinabi kong ilihim muna namin, pero gusto nyang sabihin namin sa lahat." sabi ni Ceyan.

"ano bang kinatatakot mo?mas magandang open kayo at may basbas ng pamilya mahirap yang ganyan nakatira pa naman kayo sa iisang bahay sa tingin mo maitatago nyo yan ng matagal, isipin mo rin mararamdaman nila!" sabi ng kaibigan nya.

"naisip ko din yon, pero hindi pa ako handa ei, malapit na naman mag tapos ang klase siguro doon ko na ipag tatapat sa kanila." malungkot na sabi ng dalaga.

Niyakap sya ng kaibigan at tinapik tapik sa likuran.

"masaya ako para sayo, kaya mo yan Ceyan." sabi ng kaibigan nya.

"salamat! Tara sa amin ka na mag hapunan." aya nya rito.

"sige Tara!" excited naman na sabi nito.

Masaya silang nag hapunan sa kanila, nag paalam pa ito sa ina na doon sya matutulog, kaya naman inabot sila ng hating gabi sa kwentuhan, nagising sila kinabukasan  alas nuebe na ng umaga.

Ginugol ni Ceyan ang tatlong araw nya na kasakasama sya ng ama sa maliit na farm nito, pati si Karen kasama din nila kaya naman mabilis lumipas ang tatlong araw at babalik na naman sya sa mommy nya, nag tatawagan din sila ni Rocco, ngunit hindi nya sinabi na maaga syang makakauwi dahil nag karoon ng meeting ang kanyang ama isang way lang naman kaya hinatid na sya nito.
Sinalubong sila ng tito Art nya at ng kanyang ina.

"Tara at mag kape ka muna pare!" aya nito sa ama nya.

"naku salamat pero baka mahuli ako sa meeting ko,sa susunod na lang Art." sabi ng kanyang ama.

Naintindihan naman ito ng tito Art nya.

Umakyat na sya sa taas mga tulog pa yata ang kasama nila sa bahay, ala sais palang naman kasi ng umaga,lunes ngayon pero wala pa silang pasok kaya mamaya pang mga nine gigising si Rocco, natingin sya sa pinto ng kwarto nito, napa iling iling sya.

"hay naku!!! Ano ba itong iniisip ko!"
Pumasok na sya sa kwarto nya.
Pero bago pa nya tuluyang maisara ang pinto may dalang pagkain sa tray ang kasambahay ng mga ito,

"kumain po muna kayo tsaka po mag pahinga sabi po ni maam alyson, napagod daw po kayo sa biyahe." sabi ng kasambahay.

Ngumite sya rito at nag pasalamat.







 Dont Kiss Me My Devil Stepbrother(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon