Tiffany's POV
I really have no idea what comes to my mind and why am I standing outside this beer house, again.
Ayoko na sa sanang bumalik dito sa lugar na ‘to dahil sa mga kahihiyang ginawa ni Zypher kagabi but my curiosity wouldn't let me sleep well.
Kailangan kong malaman kung tama ba ang nakita ko o kamukha lang nung lalaking ‘yon ‘yung lalaking nakita ko kagabi.
At kung iisa sila Tiffany, anong gagawin mo?
Wala naman akong gustong gawin. Gusto ko lang matahimik ang utak ko kakaisip. Gusto ko lang masagot ang mga tanong ko.
"Miss, kanina ka pa d‘yan sa labas. Nahihiya ka bang pumasok?" hindi na napigilang itanong sa‘kin ng lalaking kanina pa nakatingin sa‘kin.
Nagtataka na siguro kung bakit kanina pa ‘ko nakatayo dito sa labas.
Mag—iisang oras na ata akong nakatambay dito sa harapan ng beer house kaya hindi na kataka—takang maaagaw ko ang atensyon ng ibang empleyado dito.
Isa pa, kaagaw—agaw naman talaga ako ng atensyon. Bukod sa nakatayo lang ako dito, nakauniform pa ‘ko. Halatang hindi pa ‘ko umuuwi ng bahay at galing akong school at dumeretso dito.
Baka naiisip na ng mga nakakakita sakin na may kakatagpuin ako dito. At siguro iniisip na nilang wala ako sa matinong pag—iisip, sino ba naman kasing matinong tao ang makikipagtagpuan sa harap ng beer house?
Umiba ako ng tingin at nagpanggap na hindi ko alam na ako ang kinakausap n‘ya.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nung lalaking nag—approach sa‘kin, "May boyfriend ka ba dito?"
Hindi ulit ako kumibo at napakunot na ang noo ko. Hindi ba ‘to makaramdam na ayoko makipag—usap?
Narinig kong natawa rin ‘yung iba pang lalaking kasama n‘ya, "Ayaw sumagot, pre."
"‘Wag mong takutin. Ang ganda pa naman ni Miss," sabi pa ng mas baritono ang boses.
"Sino bang hanap mo? Ano bang pangalan? Sabihin mo na baka kilala namin," ani nung kanina pa kausap ng kausap sakin.
Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng backpack ko. Kinakabahan na ako ng konti sa mga ginagawa ko.
Nagsisimula na ‘kong mapaisip kung ano bang pumasok sa kokote ko at nandito ako ngayon. Mababastos pa ata ako ng wala sa oras.
Nasaan na ba kasi ‘yung lalaking ‘yon? Bakit hindi ko s‘ya makita? Talaga bang namalikmata lang ako? Kamukha n‘ya lang ba talaga n‘ya si Alas?
"Pipe ata ‘yan, sayang ang ganda pa naman."
Kinagat ko ang loob ng labi ‘ko. Bahala na! Aalis na lang ako. Wala na ‘kong pakielam sa kyuryosidad ko! Kesa naman mabastos ako dito ‘no!
"Alas. Halika dito, ‘tol. Baka kilala mo ‘tong si Miss Biyutipul."
"Sino?"
Napahinto ako sa paglakad paalis at napalingon sa direksyon nung mga lalaki. Nakaakbay na ngayon kay Alas ‘yung lalaking kumakausap sakin kanina.
Napapikit—pikit ang mata ko. May soot na naman s‘yang maskara pero this time imbis na nakatopless ay may soot syang puting t—shirt.
"Alas," nasambit ko na lang habang nakatingin sa kan‘ya.
"Oyyy. Ano ‘to? Ikaw nga ang hinihintay nitong si Miss Biyutipul kanina pa?"
"Yiheee," tuksuhan nila. Pag-umpugin ko kayo eh.
"Iba talaga charisma nitong si Alas puro magaganda nagiging customer."
"Syota mo ba si Miss Biyutipul?"
"Sinasabi n‘yo? Hindi ko s‘ya kilala." sagot n‘ya habang nakatingin sa‘kin.
Hindi ako nakapagsalita. Well, he's not wrong. He doesn't really know me. Hindi ko nga rin alam ang pangalan n‘ya bukod sa Alas na narinig ko kahapon.
"Pero tinawag ka n‘yang Alas? Kilala ka n‘ya."
"Baka naman naging customer mo si Miss, Alas."
"Sa dami ng babaeng naghahanap sa‘yo araw—araw hindi mo na natatandaan sino mga nakama mo."
Namilog ang mga mata ‘ko. Nakama? As in, nakas*x ba ang tinutukoy ng mga lalaking ‘to? So he's really working like that? Isa s‘yang bayarang lalaki.
"Hindi. Ngayon ko lang ‘yan nakita rito. Baka maling tao ang hinahanap. Kung wala na kayong kailangan sa‘kin magtatrabaho na ‘ko," sabi n‘ya at nagsimula ng umalis.
Napapikit—pikit ako. Ngayong nakita ko na s‘ya hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko rin naman nakita ang mukha n‘ya kaya hindi rin ako sigurado kung s‘ya nga ba si Otso Guy na umiihi sa pader.
Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Pinanood ko lang ang pagtalikod n‘ya at paglalakad palayo.
"Hindi ka daw n‘ya kilala, Miss."
"Mukhang hindi interesado sa‘yo si Alas."
"Sayang ang cute mo pa naman."
Napaatras ako ng sabay–sabay sila na humakbang palapit sakin. Bigla ang saboy ng kaba sa dibdib ko.
"Marami ng chix ‘yon. Kung gusto mo sa‘kin ka na lang."
"Galawan mo pare. Ako unang kumausap kay Miss kaya bago ikaw ako muna ang pipilii—"
"Naalala na kita..."
Agad akong napatingin sa balikat ko nang may maramdaman akong dumagan doon. Bumungad sa‘kin ang brasong nakaakbay sakin ngayon.
"ALAS," sabi nung tatlo.
Lumipat ang tingin ko sa lalaking nakatayo na ngayon sa gilid ko.
"Pasensya na mga ‘tol. Chix ko pala ‘to."
Napatingala ako sa mukha n‘ya dahil sa sinabi n‘ya. Nakayuko naman s‘ya sa‘kin habang nakangisi.
"Bakit mo ‘ko pinuntahan dito? May kailangan ka ba o sadyang namiss mo lang ako?" sabi n‘ya pagtapos ay natulala na lang ako habang pisil—pisil ng malayang kamay n‘ya ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
THE RERUN: ALSATLOHNL
Teen FictionMay karapatan bang magkacomeback ang relasyong hindi naman nagkaroon ng label? - If you will be given a chance to take on a love without label again? If the certainty is almost the nearest to zero, if pain is so visible to the sight, and staying tog...