Tiffany's POV
"Tiffany!" tawag sakin ni Lexi at ikinaway nya pa ang kamay nya sakin.
Ngumiti naman ako at agad na nilapitan sya. Umupo ako sa harap nya at pasimpleng tinabingan ang mukha ko ng buhok ko.
Hanggang ngayon kasi ay nagtatago parin ako kay Zypher. Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung eksena namin sa hagdan at hanggang ngayon ayoko parin syang makita.
Napansin ko naman ang nagtataka nyang tingin pero nginitian ko lang sya ng alanganin para sabihing 'wag nyang pansinin ang mga ginagawa ko.
"Here." sabi nya at inilapag sa lamesa ang invitation card para sa debut nya.
Kinuha ko naman 'yon. "Thanks!" sabi ko pa pero patingin-tingin parin ako sa paligid.
Nasa lagoon kami ngayon at maraming tao dahil break ngayong araw. Kailangan kong maging alerto kung hindi ay baka biglang may kumalabit na lang sakin at si Zypher pala 'yon.
"Pakibigay na rin kay Zypher 'yung kany-" iaabot na sana nya sakin 'yung invitation card ni Zypher nang iwinagayway ko 'yung kamay ko sa harap nya.
"Ayoko!" mabilis kong tanggi, "Bakit ako ang kailangang magbigay sa kanya? May kamay naman sya, dapat sya ang kumuha! Ano ako? Alalay nya?"
Her eyes widens in surprised with my sudden outburst. Bigla naman akong nahiya sa ginawa ko. Baka maisip nya pang galit ako sa kanya.
Tumikhim ako, "Sorry. Ano kasi eh, ano," umiwas ako ng tingin, "Hindi kasi kami okay ni Zypher ngayon kaya.."
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Lexi kaya napatingin ako sa kanya, ngumiti sya, "Okay. Naiintindihan ko."
"Sorry talaga."
"Ayos lang. Ano ka ba hahaha." itinago na nya 'yung invitation ni Zypher sa bag nya, "I'll just have Nico to give it to him." dagdag pa nya.
"Okay na kayo?" tanong ko.
Mahinhin syang tumango at kita ko ang pamumula ng pisngi nya. Sa klase pa lang nang pamumula ng pisngi nya hindi ko na maiwasang mapaisip kung paano sila nagkaayos.
Nagkaaminan na ba sila?
"Oh. Mukhang hindi ko na pala kailangang ipabigay kay Nico 'yung invitation." biglang sabi ni Lexi
"Baki-?" naputol ang sasabihin ko nang may maramdaman akong presensya sa likod ko.
Napapikit-pikit ako.
"Tiffan-,"
Tumayo ako. Mabilis kong nilingon si Lexi "May kailangan pa pala akong gawin!"
"Ha? Pero?" parang gusto nya pa 'kong pigilan.
"Ah! Basta next time na lang ulit!" sabi ko at hindi ko man lang nilingon ang likuran ko saka nagmamadali akong tumakbo palayo.
Hindi ko narinig pa kung may sinabi pa ba si Lexi. Ang alam ko lang kailangan kong tumakas.
"Tiff! Sandali lang!"
Napakapit ako ng mahigpit sa bag ko ng marinig ko 'yung boses ni Zypher sa likuran ko.
Sinundan nya pala ako!
"Tiff! Mag-usap naman tayo oh." narinig ko pang tawag nya pero hindi parin ako nagsalita.
Takbo parin ako ng takbo at ramdam kong nakasunod parin sya. Nakita ko ang paakyat ng hagdan kaya nagmadali akong tumakbo don.
"Tiff! Saglit lang nam-"
"'Wag mo 'kong sundan pwede ba?" sigaw ko ng hindi parin sya nililingon, "Nakakapagod kayang tumakbo!"
"Bakit ka kasi tumatakbo?" tanong naman nya, nakasunod parin sakin.
"Kasi tumatakbo ka rin?" sigaw ko pero hindi parin humihinto sa pag-akyat sa hagdan.
"Edi 'wag kang tumakbo." sabi naman nya pero tumatakbo rin naman.
"But you're running after me!" sabi ko naman.
"Because you are running away from me!" may bahid ng inis sa boses nya.
"At sino bang may kasalana-Ay!" tili ko nang tumama ang lulod ng binti ko sa hagdan.
Napangiwi ako sa sakit. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko sa mga mata ko.
"Ayos ka lang?" tanong ni Zypher na nasa harapan ko na ngayon. Hinawakan nya ang braso ko para iupo ako nang maayos sa hagdan at umayos sya nang tayo sa harapan ko.
Gusto kong tumayo at tumakbo ulit kaso hindi ako makatayo. Ang sakit ng buto ko. Buti na lang naihawak ko kanina 'yung mga kamay ko sa kasunod na step kundi pati mukha ko baka nangudngod na.
"Masakit ba?" tanong nya pa habang tinitingnan 'yung binti ko.
"Aray!" daing ko nang pisilin nya 'yung parteng tumama sa hagdan. "Bakit mo pinisil?" singhal ko sa kanya.
Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nya, "Para masaktan ka."
Lalong tumalim ang tingin ko sa kanya, "Ano?"
Iniling nya ang ulo nya, "'Yan ang napapala mo, takbo ka kasi nang takbo." sabi nya tapos sinilip nya ang mukha ko, "At sa hagdanan pa talaga,"
Inirapan ko sya, "Kung hindi mo 'ko hinahabol edi sana hindi ako tumatakbo!"
"Kung hindi kita hahabulin, matatakasan mo na naman ako," biglang sumeryoso ang mukha nya kaya natikom ko ang bibig ko.
Parang nag-iba bigla ang atmosphere sa paligid naming dalawa. Nagsisimula na naman akong kabahan.
"Please don't.." biglang sabi ni Zypher.
"Huh?"
"Please don't let me lose a fight that I haven't had a chance to win over. Don't yet say a no to me unless you'd let me make you fall and it's really didn't work out for us."
"Zypher..."
"I know, I am making things awkward for us. Pero mababaliw na 'ko kapag hindi ko nasabi sayo yung nararamdaman ko. I've been hiding this for years. I tried to get rid of this feelings but no one will do Tiffany. Kahit anong pilit kong lumingon sa iba, sayo parin ako bumabalik."
BINABASA MO ANG
THE RERUN: ALSATLOHNL
Teen FictionMay karapatan bang magkacomeback ang relasyong hindi naman nagkaroon ng label? - If you will be given a chance to take on a love without label again? If the certainty is almost the nearest to zero, if pain is so visible to the sight, and staying tog...