006

14 0 0
                                    

Tiffany's POV

Natulala ako.

‘Di ako makagalaw pero ramdam na ramdam ko ang pag—iinit ng mukha ko habang gulat na nakatitig sa kanya.

Nakabawi ako nang akmang hahawakan pa ulit ng isa niyang kamay ang kabilang parte ng dibdib ko! Tinulak ko siya palayo!

T*ngina! Mapapamura ka na lang talaga kapag si Zypher kasama mo. Lumingon ako sa paligid mukhang wala namang nakapansin.

"S*raulo! G*go. Umayos ka!" sabi ko, "Kahit kailan isa ka paring malaking inutil."

Nanlaki ang mata niya, "Lah? Bakit mo alam na Inutil ang tawag saken ni Tiffany? Stalker kita ‘no?"

Humugot ako ng hininga. Lasing ‘yan Tiffany. Lasing ‘yan.

Ikaw ang nasa matinong pag—iisip kaya hayaan mo na. Hayaan mo na.

"Si Tiff ‘to," pakilala ko na lang.

Lalong nanlaki mata niya at bigla na namang nilapit ang mukha niya sa mukha ko, "Ah.. Kaya pala panget, ikaw pala ‘yan, Tiffany!" at parang dismayadong-dismayado siyang makita ako ah?

"G*g*. Kanina lang sabi mo maganda ako!" inis kong singhal. Masisiraan ata ako ng bait kausap ‘to!

"Sinabi ko ‘yon?" parang nag-isip pa siya, "Weh? Sinongaling mo," sabi niya at tumawa na naman.

"Ako pa sinunga—"

"Naiihi na ‘ko, Tiff! T-tara sa banyo," sininok na naman siya at sinimulan na ‘kong hilahin.

"Huh? CR? Eh bakit hinihila mo rin ako?" taka kong tanong at pasimpleng inaalalayan siya.

Nilingon niya ‘ko na para bang ako ang pinakat*ngang taong nakilala niya. Aba itong isang ‘to!

"Malamang! Sasamahan mo ‘ko."

Nanlaki mata ko, "Na umihi?!"

"Alam mo, Tiffany. Minsan talaga, ‘de ko alam kung binge ka o ‘de ka lang talaga naglelines ng tenga mo," sabi niya at kinabig ako para sakalin sa leeg gamit ang braso niya.

"A-ahk!"

Hindi ako makahinga!

Hinampas-hampas ko ang braso niya kaya medyo niluwagan niya ang hawak. Sinapok ko siya matapos akong makawala sa kaniya. Tumawa lang ang siraulo habang hinihimas ‘yung batok niya.

"Naiihi na talaga ko," sabi niya pa, at nagkamot ng ulo, "Diyan ka lang! Balikan kita! Ta‘s uwi na tayo,"

"Aba? Alangan namang ‘di pa tayo umalis? Subukan mong sabihing lalaklak ka pa, gawin kitang punching bag," inis kong anas sa kaniya.

I swear! Hinding—hindi ko hahayaan ang sarili ko na malasing nang kagaya sa kan‘ya.

Tumawa lang ulit siya at gegewang—gewang na naglakad at tumalikod sa‘kin. Pinanood ko lang siya. Napakunot ang noo ko ng imbis na sa CR, huminto siya sa pader na malapit sa pillar na inaaway niya kanina,

"Oy dude! Nandito ka pala? Iihe ka rin?" tanong niya at akmang magbubukas na ng zipper.

Pot—  Namilog ang mga mata ko! 'Wag mong sabihing iihi siya diyan?! This guy had really lost his mind.

Napalapit ako sa kan‘ya ng akmang ilalabas na niya ang mahiwagang sandata. Hinila ko s‘ya palayo sa pillar.

"Tiffany? Why are you here?" sinamaan n‘ya pa ‘ko ng tingin, “Panlalaking banyo ‘to! Get out!” pagalit niya sakin pero kinaladkad ko na lang siya papunta sa pintong mayroon signage na CR raw. Halatang-halata na lasing siya.

THE RERUN: ALSATLOHNLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon