Tiffany's POV
Minsan mapapaisip ka na lang kung nananadya ba ang tadhana o ano. Kung sino pa 'yung ayaw na ayaw mong makita, 'yun pa 'yung lagi mong nakikita.
"Ang init mo," sabi nya.
Bakit ba sa dami pa ng makakakita sakin ito pang lalaking 'to?
Mahina ko syang itinulak, "Bitawan mo nga ako."
Tinitigan nya ako, "Tara sa clinic," sabi nya pa at akmang aalayan ako kaso tinaboy ko 'yung kamay nya.
"Ang sabi ko, bitawan mo ko! Hindi ko kailangan ng tulong na manggagaling sa kagaya mo!" inis na sabi ko.
Ewan ko ba pero nakikita ko pa lang sya naiinis na ko. Meron lang siguro talagang taong ganon, 'yung hindi mo feel?
"Ano bang problema mo? Namumutla ka na nagtataray ka pa," sabi nya na halatang naiinis na rin sakin.
"Pake mo ba? Kaya ko sarili ko! Umalis ka na shoo! Shupi!" sabi ko pa habang tinataboy sya na para bang nagtataboy ako ng aso.
Kumunot ang noo nya, "Kung ayaw mong magpatulong. Edi wag. Hindi kita pipilitin. Kaya mo sarili mo?" tumawa sya na parang nang-iinis, "Hindi ka na nga makababa nang hindi nakakapit dyan sa hawakan."
"Nye nye." sabi ko na lang at inirapan sya.
Childish na kung childish! But I'd really rather to have struggle alone than accepting help from this annoying guy!
He shook his head at tinalikuran na ko at tuluyang naglakad pababa ng hagdan. Pinanood ko lang sya kahit nagdadalawa na ang paningin ko.
"Right! I don't need your hel-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko at tuluyan na 'kong nawalan ng ulirat.
Nagising ako nang may marinig akong ingay. Saktong pagmulat ng mga mata ko ay tumama ang paningin ko sa isang lalaking akmang kakapasok lamang, hawak n'ya pa ang seradura ng pinto.
Medyo nanlalabo pa ang paningin ko at nang tuluyang makapag-adjust ang mga mata ko, nakilala ko agad kung sino.
Naglakad sya palapit sakin. Hindi sya umiimik at nakatitig lamang sya sakin. Hindi ko mabasa ang emosyong nakabalatay sa itim na itim nyang mga mata.
"Anong nangyari?" tanong ko, "At bakit ka nandito?"
Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang dalawang beses n'yang paglunok bago s'ya nagsalita, "Nasa clinic ka."
Tila doon ko lang napagtanto na nasa clinic nga ako. Napansin kong may nakakumot pang puting sheet sakin. Aalalahanin ko pa lang sana ang nangyari kaso naunahan na n'ya 'ako.
"Bigla ka na lang nawalan ng malay sa hagdanan kanina," aniya, nginisihan nya ko na parang nang-iinis, "Akala ko ba kaya mo sarili mo at hindi mo kailangan ng tulong ko?"
Umiling sya, "Kung wala ako sa hagdanan kanina, baka kung ano na ang inabot mo Tiffany."
Sa pangalawang pagkakataon. Binanggit ni Alas ang pangalan ko. Napasimangot ako at hindi ko na napagilan ang sarili kong samaan s'ya ng tingin. Napakunot naman ang noo n'ya, marahil ay nagtataka sa paraan nang pagtingin ko sa kan'ya.
"Wag mo nga akong tawagin sa pangalan ko. Close ba tayo?" singhal ko sa kanya.
Nagsalubong ang dalawang makakapal n'yang kilay, "Maldita ka talaga, 'no?"
"Ano?!" sinamaan ko s'ya ng tingin, "Nang-iinis ka ba?"
Tinitigan n'ya ako, "Anong bang ginawa ko sayo at sa tuwing makikita mo ko para kang dragon?"
BINABASA MO ANG
THE RERUN: ALSATLOHNL
Fiksi RemajaMay karapatan bang magkacomeback ang relasyong hindi naman nagkaroon ng label? - If you will be given a chance to take on a love without label again? If the certainty is almost the nearest to zero, if pain is so visible to the sight, and staying tog...