018

11 0 0
                                    

Tiffany's POV

Nakasandal ako sa pader at nilalaro ang sapatos ko. Nandito ako ngayon sa labas ng faculty room.

Matapos kong magplease, hinila ako ni Alas papunta dito. Hindi ko na alam kung anong nangyari kay Zypher. Nasa loob naman ngayon si Alas para ipasa ‘yung mga papel na bitbit nya kanina.

Ilang beses na buntong hininga pa ang ginawa ko bago ko narinig ang pagbukas ng pinto at iluwa nito si Alas.

Pagtingala ko sa kanya, sumakto ang pagsilay ng ngisi sa labi nya.

"Nandito ka parin?" tanong nya.

"Hindi. Hologram ko lang ‘tong nakikita mo," sabi ko at inirapan ko sya.

Sumeryoso ang mukha nya, "Kahit pala hologram mo. Ang sagwa paring tingnan."

"Ano?! Anong gusto mong palabasin?" umalis ako sa pagkakasandal sa pader, "Na pangit ako?"

Nilingon nya ‘yung pinto ng faculty room bago tiningnan ulit and then he mouthed, "Ingay mo,"

Inirapan ko lang sya at tumalikod na ‘ko. Bakit nga ba kasi naghintay pa ‘ko sa kanya? Dapat kanina pa ‘ko umalis at iniwan na lang sya tutal tapos naman na ang kailangan ko sa kanya.

"Wala na ba ‘yung pinagtataguan mo?" biglang tanong nya kaya napahinto ako, "Kaaway mo ba ‘yon? Boyfriend?"

"Hindi ko alam at wala ka nang pakielam don," sagot naman sa kanya at nagla

"Sige," payak nyang sagot.

Pareho na kaming di nagsalita. Naglakad na ‘ko palayo sa kanya. Kaso ramdam kong nakasunod parin sya sakin. Napairap ako. Huminto ako sa paglalakad at nilingon ko.

"Bakit mo ba ‘ko sinusundan?" pagtataray ko sa kanya, "Tapos na ang kailangan ko sayo kaya makakaalis ka na."

Nakita ko ang saglit na pagkagulat sa mukha nya bagyo sya napa—pft sa harapan ko.

Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

"Hindi kita sinusundan."

"Talaga lang ha?"

At magdedeny pa sya? Sige nga, paano nya ipapaliwanag kung bakit nasa likuran ko parin sya?

"May iba pa bang daan palabas ng gate? Kung meron, sabihin mo sakin para hindi na kita mukhang sinusundan," at sumilay ang ngiting pang—asar sa labi nya.

•••

"Good evening, dear cousin!" ngiting—ngiting bati sakin ni kuya Lock. Sa tabi nya ay nandoon si kuya Lex na mayroon din ngising aso.

Sa uri pa lang ng ngiti nilang dalawa ay nakakaamoy na ko nang ‘di magandang pangyayari. Sa mapanuksong tingin pa lang nilang dalawa, halata ko na kung anong pakay nila sakin.

Mga chismoso!

"Bakit nandito kayo?" tanong ko parin sa kanilang dalawa. Kunwari ay patay malisya.

Lalong lumawak ang ngiti ni kuya Lex, "Eh ikaw? Bakit ka nandito? May sarili kang apartment ah?"

"Right. Wala pang week end pero dito ka tumuloy?" dagdag naman ni kuya Lock.

"Why? Am I not allowed to come home?"

"Wala naman kaming sinabing ganon," tumingin si kuya Lock kay kuya Lex,  "Diba, ‘tol?"

Sus! Painosente!

"Oo, nga." tapos tiningnan naman ako ni kuya Lex, "Bakit ba parang ang sungit mo? May nangyari ba?" tanong nya,

At kung ‘di ka ba naman talaga mapipikon sa dalawang ‘to, sabay pa silang humalakhak.

Confirmed. Sigurado na ‘kong may idea na nila sa pag—amin sakin ni Zypher kanina. Kairita naman, dito nga ako tumuloy dahil tinatakasan ko si Zypher at sigurado akong naunahan na ‘ko ng kupal na ‘yon sa apartment ko. Pero mukhang ‘di naman ako makakatakas sa pangangantyaw ng dalawang ‘to.

"Wala ako sa mood makipag—asaran sa inyong dalawa. Tigilan nyo ko kung ayaw nyong ikalat ko mga kadugyutan nyong dalawa," sabi ko pa pero lalo lang silang tumawa.

"Ooooh," humaba ang nguso ni kuya Lock habang tumatango—tango na para bang naniwala sya sa sinabi ko kahit halata nang hindi. Tapos bigla syang kumanta ng, "I wonder why, I wonder how,"

"Yesterday you told me ‘bout the blue blue sky," panggagatong naman ni kuya Lex

Gusto kong mapairap sa mga pasimpleng tinginan nilang dalawa na akala siguro nila ay ‘di ko nahahalata. O baka naman sinasadya nilang makita ko para lalo akong mainis.

"About the blue sky ba?" nilingon ni kuya Lock si Kuya Lex.

"Akala ko about sa hidden feelings na,"

Lalong lumakas ang tawa ng dalawa at nag—apir pa. Mga demunyu talaga ‘to!

"Ewan ko sa inyo," napailing na lang ako at akmang aakyat na ‘ko ng hagdan pero huminto ako bumalik, "Tsaka kuya Lock, mali pa lyrics mo. I wonder how muna bago why." umiling—iling pa ‘ko na parang sobrang disappointed ako sa kamaliang nagawa nya tsaka ako umirap.

Pero lalo lang humalakhak ang dalawang demunyu imbis na mapahiya. Wala na tuloy ‘kong nagawa kundi ituloy ang pag—akyat ko papunta sa kwarto ko.

"Oh, Zypher!" narinig tawag ni Kuya Lock.

Napahinto ako sa pagtapak sa steps ng hagdan at pakiramdam ko natuod na ‘ko sa pwesto ko. Napakapit ako nang mahigpit sa staircase at paulit—ulit na napalunok.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong pa ni kuya Lock.

"Hanap mo ba si Tiffany?" tanong naman ni Kuya Lex

Kahit narinig kong nabanggit na ang  pangalan ko ay hindi ko parin makuhang lumingon. Hindi ko talaga alam kung paano ko haharapin si Zypher. Hindi pa talaga ako handa. Hindi ko pa alam kung paano ko sya kakausapin.

Ano bang sasabihin ko sa kanya? Ano bang dapat sabihin kapag may nagtapat sayo? Wala talaga akong alam sa ganito.

Nakaramdam ako ng may humawak sakin at pinihit ako paharap, "Tiffany—"

"AYOKONG MAKIPAG—USAP!" sigaw ko habang nakapikit.

"O... kay?" narinig kong boses.

Mabilis akong napadilat ng marinig ko ang pamilyar na boses na ‘yon, "Nico?" tawag ko sa lalakeng may hawak sakin ngayon.

"Yes. Sorry," sabi nya na titig na titig sakin, "Inutusan lang ako ng mga pinsan mo na habulin k—"

Hindi ko pinansin ang sasabihin nya at nilinga ko ang mata ko sa paligid pero wala akong nakita ni anino ni Zypher. Imbis ay nakarinig ako ng malalakas na halakhak.

Naningkit ang mga mata kong napatingin sa pwesto ng dalawang demunyu kong pinsan.

"HAHAHAHAHAHA dang—"

"Fuck! That's hilarious! HAHAHAHA—"

Halos hindi na sila magkandamaliw sa pagtawa at may pahampas pa sila sa sofang inuupuan nila.

Pigilan nyo ako at mukhang makakapatay ako ng dalawang animal ng wala sa oras.

THE RERUN: ALSATLOHNLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon