Tiffany's POV
“AYOKO NA MAG—ARAL,” reklamo ni Zypher at ginulo ang buhok n‘ya.
Alas—dos na ng hating—gabi ngunit pareho parin kaming mulat pa ang dalawang mga mata. Gustuhin ko mang matulog ay hindi ko magawa, kailangan kong bantayan ang tamad na nilalang na ‘to habang gumagawa s‘ya ng mga requirements na kailangang n‘yang ipasa.
Kapag hindi ko s‘ya binantayan, malamang na tutulugan n‘ya lang lahat ng dapat n‘yang gawin.
“Nakakapagod maging College!” reklamo na naman n‘ya habang lugmok na lugmok na nakatingin sa madaming school papers na nakakalat sa lamesa ko dito sa living room.
Tambay parin si Zypher dito sa apartment na tinutuluyan ko. Ayaw pa daw n‘yang umuwi sa kanila at ang nakakainis pa, sinosolo na n‘ya ‘yung mga lugar na ako dapat ang malayang gumagamit. Ayos rin ang isang ‘to, talaga naman, ibang klaseng nilalang.
Kung tatanungin n‘yo naman ako kung itinuloy n‘ya ‘yung dapat ay sasabihin n‘ya nung lasing siya. Isang malaking hindi ang sagot ko.
And he‘s totally forgotten about it. At mabuti pa nga sigurong nakalimutan n‘ya, hindi ko na rin inopen up.
“Exhausting!” sabi n‘ya at naramdaman kong nilingon n‘ya ako, “Matutulog na ko, Tiff. Tumitilaok na mga manok ng kapitbahay,” dagdag n‘ya pa.
Mula sa pag–i—scroll sa News Feed ko sa Facebook ay napunta sa kan‘ya ang tingin ko.
Tinaasan ko lang s‘ya ng kilay, “Bakit ka matutulog? Tapos ka na ba? Tsaka anong tumitilaok na manok ng kapitbahay? May naririnig ka bang hindi ko naririnig?” tanong ko pa.
Ilulusot pa ‘yung katamaran n‘ya, palpak naman.
Kinunot n‘ya ang noo n‘ya at sinamaan ako ng tingin, “Hindi pa pero gusto ko nang matulog at hindi mo ‘ko mapipigilan, mas matapang ako sa pabebe girls,” at tumawa s‘ya nang mahina sa kalokohan n‘ya.
Napailing na lang ako ng ulo, “Baka gusto mong sabunutan kita?” tinapunan ko ng tingin ang mga tambak n‘yang gawain, “Bakit ba kasi ang dami n‘yan? Kailan pa ba ‘yan binigay sa inyo? Bakit ang dami mo paring kailangang gawin?” sunod—sunod kong tanong.
“Last week, I think?” sagot n‘ya at nagkibit balikat.
“What? Last week pa? Tapos kailan ang pasahan?” tanong ko pa.
“Tomorrow,” sagot n‘ya na parang wala lang, at walang kahindik—hindik na rebelasyon sa sinabi n‘ya.
“Seryoso ka ba, boy? Last week pa ‘yan binigay at bukas ang pasahan pero parang ni isa wala ka pang natatapos?” namimilog ang matang nakatingin na ako sa pagmumukha n‘yang ang sarap lamukusin. “Ang dami pa n‘yan oh? Ba‘t ngayon mo lang ginawa?”
Hindi s‘ya sumagot, he just gave me a mild crooked grin. Aba! Nakuha n‘ya pang ngumisi sa‘kin? Talaga nga naman ang lalaking ‘to kapag hindi ka nakapagpigil ay makakalbo mo.
“Tapatin mo nga ako! Anong pinanggagawa mo nitong mga nakaraang araw?” inis kong tanong, hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari sa buhay ni Zypher! He has a lot of time in his hands!
“Ikaw nga rin. Tapatin mo nga ako, tao ka ba o armalite ka?” pang—aasar n‘ya at hindi ako natutuwa na ang inosente ng mukha n‘ya habang tinatanong n‘ya sa‘kin ‘yon.
“Sasagutin mo ba ‘ko nang maayos o pauuwiin kita sa inyo?” pinandilatan ko s‘ya ng mata.
He glares at me, “I had fun, what else? Ayokong istress ang sarili ko sa mga school works na ‘yan.”
I was about to start my preaching to him pero nagsalita ulit s‘ya, “There's already been so much going on in the house, Tiffany. I wanted to breathe because these past few weeks had been suffocating. Can't I?”
Nakatitig lang s‘ya sa mata ko habang sinasabi n‘ya. Zypher is the guy who always act cool in front of people, he acts rudely as well. He rarely show his weakness to anyone kaya naman kapag ganito na s‘ya sa harap ko ay natatameme na lamang ako.
“Dad's getting married again. And I don't know what to do. Mom died just few months ago and since then, things got so out of control. Tao lang din naman ako, Tiff. Napapagod rin,” sobrang seryoso ng boses n‘ya kaya napakagat labi na lang ako.
I heard about Ninong’s marriage from my parents. But didn‘t get down with so much details. Basta ang alam ko lang ikakasal na si Tito ulit.
Tinuro n‘ya ‘yung mga papers, “Sinubukan ko namang gawin kanina pero sinukuan ko rin, ayoko na talaga,” tumayo na s‘ya, “Let me sleep now, okay?”
“Pero kung matutulog ka, paano mo ‘yan ipapasa?” tanong ko sa kan‘ya.
“Ayokong pumasok bukas. Ayoko gumising ng maaga at mas ayoko sa mukha ng prof ko dahil ang panget ng pagmumukha n‘ya,” iritableng sabi n‘ya.
Kung siguro sa ibang pagkakataon ay baka natawa na ‘ko dahil sa mga sinabi n‘ya. But just a few moment ago, he showed me that he isn‘t fine and I don't really know how to comfort him. Bumuntong hininga na lang ako at tumango.
“Goodnight, Tiffany. Matulog ka na rin,” sabi n‘ya at pumasok na sa isang kwarto pa na katapat ng kwarto ko. Naiwan ako sa sala na nakatunganga sa mga gawain n‘ya.
Ano nang gagawin ko ngayon?
Kinabukasan, maagang natapos ang klase. Hihikab—hikab pa ako habang naglalakad pababa ng hagdan. Inaantok na ‘ko. Hindi pa ‘ko natutulog at gustong—gusto nang bumagsak ng talukap ng mata ko.
Naduduling na din ako sa sobrang antok, hindi man lang kasi ako nakatulog dahil tinapos ko ‘yung ibang requirements ni Zypher dahil wala na talagang planong magpasa ang siraulong ‘yon. Tapos naulan pa ko kaninang umaga pagpasok.
Ang sama ng pakiramdam ko at ang bilis rin ng tibok ng puso ko at para akong nahihirapang huminga. Dapat ata hindi ako uminom ng kape. Naninikip na talaga ‘yung puso ko at parang ang init ng pakiramdam ko.
Pipikit–pikit na rin ang mga mata ko at pakiramdam ko nakalutang na ‘ko. Nakahawak na nga lang ako sa railings ng hagdan para alalayan ang sarili ko. Pababa na kasi ako. Isang hakbang na lang para tuluyan akong makalapag sa hagdan patungong second floor kaso tuluyan nang umikot ang paningin ko.
Napakapit ako sa staircase at naramdaman kong may sumalo sa‘kin.
"Ayos ka lang, Miss?" narinig kong boses. Napatingin ako sa kamay na humawak sa braso bago tumingin sa mukha nang nakasalo sa‘kin.
"Tiffany?" sabi n‘ya nang makita ako.
Lalo atang sumama ang pakiramdam ko nang makita ko ang mukha n‘ya.
BINABASA MO ANG
THE RERUN: ALSATLOHNL
Teen FictionMay karapatan bang magkacomeback ang relasyong hindi naman nagkaroon ng label? - If you will be given a chance to take on a love without label again? If the certainty is almost the nearest to zero, if pain is so visible to the sight, and staying tog...