TANGHALI na nang magising si Nikon pero parang gusto nalang niyang bumalik sa kanyang kwarto nang maabutan niya ang isang hindi kanais-nais na eksena sa kusina nila nang bumaba siya.
Canon and Tutti were there, laughing over a cup of coffee. Literal, dahil may kung anong itinuturo si Canon sa tasa na ikinatatawa naman ng dalaga.
Hindi talaga niya maintindihan ang dalawa. Kagabi, napuyat siya sa kakaisip na all this time, may lihim palang pagtingin si Canon kay Tutti. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman na sa mga taon palang palagi nilang kasama si Tutti, may kung anong tinitikis pala ang kanyang kapatid sa damdamin nito.
Tutti, on the other hand hindi talaga niya ineexpect kung ano man ang nakikita niya ngayon. All this time, silang dalawa ang palaging magkasama. Nagbabangayan man sila, pero alam niyang si Tutti ay palaging nakasunod sa kanya. Pero ano pa nga ba ang aasahan niya ngayong mas close na ang dalawa kaysa sa kanya?
Just thinking of how things turned out was making his head ache with so much uneasiness. Parang may mali sa sitwasyon at ayaw iyong tanggapin ng kanyang isip. Ayaw niya dahil si Canon at si Tutti are the most unlikely pair that he wanted to see.
Pero ang unlikely pair na iyon ay nasa harap niya ngayon at mukhang masayang masaya samantalang siya, parang insomiac na walang tulog sa kaiisip sa dalawa.
Naiinis na lumapit siya saka nakita na ang kape ang tinatawanan ng dalawa. Hindi ba alam ni Canon kung gaano kasarap ang kape ni Tutti at tinatawanan lamang nito iyon? Walang babalang lumapit siya at kinuha ang tasa ng kape sabay inom niyon.
He ignored the puzzled and surprised look on their faces. Namiss niya ang kape ni Tutti. Kalian nga ba niya huling natikman iyon? It seemed like it was so many years ago. Kaya naman kahit mainit init pa ang kape ay balak niyang ubusin iyon nang maramdaman niya ang mabining paghawak nang pamilyar na kamay sa kanyang braso.
"Nikon, hindi mo dapat ininom yan." Harsh voice, yet there was something gentle about it. Tiningnan lamang niya si Tutti mula sa gilid nang kanyang mata. Balak niyang ipakita dito at kay Canon na gusto niya ang kape nito at hindi dapat nila pinagtatawanan iyon. "Nikon—"
Biglang tumayo ang kapatid niya at puwersahang kinuha sa kanya ang tasang hawak niya. Ayaw niyang ibigay. "Kuya may langaw na lumulutang sa kapeng yan, kanina pa."
Nakadalawang lagok pa siya sa kape bago niya na-realize ang sinabi ng kanyang kapatid. Bigla niyang naibuga ang iniinom na kape. True enough, pagtingin niya, naroroon pa ang langaw na mukhang nageenjoy sa pag-suswimming na hindi niya alam kung sa kabutihang palad ay hindi niya nainom.
"I told you, hindi mo dapat ininom yan," si Tutti.
"Bakit hindi nyo agad sinabi?"
"Ikaw ang basta nalang kumuha ng tasa at dire-diretsong ininom 'yon!"
"But you were laughing at it! Dapat ay—" bigla siyang napahinto sa kanyang paglilitanya nang marealize niya ang logic sa mga nangyari. Kaya tumatawa ang dalawa dahil sa langaw na lumutang sa kape? Fuck.
Naiinis na tinapon niya ang natitirang laman ng kape sa lababong malapit sa kanya saka nagmumog. Fuck talaga. Bakit ba kasi basta nalang niyang kinuha ang kapeng iyon? Bakit ba kasi hindi siya nag-iisip kanina? Bakit ba kasi—ah, he cut himself off from asking too many questions. Dahil isa lang naman ang rason kung bakit niya ginawa iyon and it can be summarized into two names: Canon and Tutti.
Humarap siya sa dalawa, pakiramdam niyang nawasak bigla ang kung anong reputasyong mayroon siya dahil sa lintik na langaw na iyon.
"Kung gusto mo ng kape, ipagtitimpla kita," alok ni Tutti habang nakatigin sa kanya. Umiling siya kahit gaano pa niya kagusto ang kape nito. Hindi niya kayang tagalan na makasama ang dalawa dahil bukod sa napahiya na siya, he just couldn't understand his strong urge to hold Tutti's hand and snatch her away from Canon.
BINABASA MO ANG
Picture of Love Trilogy Book 1: Nikon's Tutti Fruity
RomanceNikon and Tutti had always been each other's worst enemies, but they were also each other's best of friends. Magulo, platonic at hindi kayang ipaliwanag ng salita ang kanilang relasyon sa isa't isa. Pero isang bagay yata ang common denominator nila:...