UNANG HINANAP ng sikmura ni Nikon nang magising siya kinabukasan ay kape. Pero alam niyang hindi uubra ang 3 in 1 lang o kahit ang mismong kapeng gawa ng Mama Rissa niya kaya naman naghilamos siya saka dumiretso papunta sa bahay sa tapat nila.
Inabutan niya doon si Tito Roger, ang papa ni Tutti. May hawak itong mga itlog na malamang ay mula sa inahing manok na alaga nito.
"Good morning Tito," bati niya dito. "Si Tutti po?"
"Tulog pa," anito sa kanya. "Matanong nga kita, hindi ba't magkasama kayo kagabi?"
"Opo," ipinaalam niyang lalabas sila ni Tutti kagabi. Kahit alam niyang papayagan ito ng ama, palagi parin niyang ipinapaalam dito ang dalaga. Tutti was really lucky to have her father with her, hindi man kasi vocal ito sa pagmamahal nito sa anak, ipinapakita nito iyon sa mga ginagawa nito.
Tito Roger always told him na gustong gusto nitong bumawi kay Tutti dahil napabayaan nito ang dalaga mula noong mamatay ang esposa nito. Tutti grew up independently kaya naman noong matauhan na siya, hindi na niya alam kung paano tutulungan ang anak. Now, he was doing everything he could to provide and take care of his only daughter.
"May nangyari ba?"
Nangyari? Kay Tutti? "Po?" Bigla siyang kinabahan kasabay ng pagkukot ng konsensiya. Oo kasama niya si Tutti kagabi, ngunit hindi ba iniwan niya ito kasama si Mark pagkatapos ng dinner nila?
May nangyari nga ba?
"Umuwi siya kagabi nang basang basa ng ulan at kasedohang nakasuot ng bestida eh, walang harabas na naglalakad sa daan. Sabi sa akin ni Mineng ay nakita niyang nakabusangot na bumaba sa jeep ng dis-oras ng gabi ang batang 'yon nang walang payong."
Si Aling Mineng ang may-ari ng tindahan sa kanto ng street nila at walang dudang makikita nga nito si Tutti dahil sa tuwing may bagong maaaring pagkuwentuhan, nangunguna roon ang ginang.
Bigang nag-init ang batok niya. Kung sinasabi ni Tito Roger na nagjeep si Tutti, ibig sabihin, hindi ito inihatid ni Mark?
"Pupuntahan ko lang po si Tutti," aniya saka pumasok sa loob ng bahay ng dalaga at tinunton ang kwarto nito. It was a huge mess, considering na kamakailan lamang muling nagamit iyon dahil matagal na nawala ang dalaga. Hindi talaga natutong mag-ayos ng gamit ang dalaga simula noong bata pa ito. Para bang ipinanganak na itong kakambal ang kalat at gulo.
Speaking of Tutti, she was sleeping in fetal position in the middle of the mess—with her hair looking like a bird's nest and she was wearing an oversized shirt which exposed her creamy legs. No, hindi mahaba iyon dahil hindi katangkaran ang dalaga—but it looked so delectable and soft.
Naikuyom ni Nikon ang kanyang kamao. Iyon ang rason kung bakit mas pinili niyang iwan si Tutti kagabi sa pag-aakalang ihahatid ito ni Mark pauwi. He was getting distracted with her presence na noon naman ay hindi nangyayari.
That night when he picked her up for dinner muntik na niyang makalimutan na kasama pala si Arienne dahil noong makita niya si Tutti, pakiramdam niya ay unang beses palang niyang nakita ang dalaga.
Her light blue dress hugged every curve of her body he never knew she had. Lalo ring naemphasized niyon ang kaputian ng dalaga. Noon lamang din niya nakitang nag-ayos si Tutti na parang hindi—a natural effortless look as they call it. Alam niyang may make up ito ito pero alam niyang kakaunti lamang iyon. Her hair was curled too, which added a charismatic effect on her over all look.
Paulit ulit na pinaalalahanan ni Nikon na si Arienne ang dapat niyang pagtuunan ng pansin at hindi si Tutti pero sa tuwing maririnig niya ang pag-uusap nito at ni Mark ay parang gusto niyang makisabat nang makisabat.
![](https://img.wattpad.com/cover/239218527-288-k766726.jpg)
BINABASA MO ANG
Picture of Love Trilogy Book 1: Nikon's Tutti Fruity
RomanceNikon and Tutti had always been each other's worst enemies, but they were also each other's best of friends. Magulo, platonic at hindi kayang ipaliwanag ng salita ang kanilang relasyon sa isa't isa. Pero isang bagay yata ang common denominator nila:...