CHAPTER FIVE

25 3 1
                                    


"LEAVE her out of your games, Kuya."

Parang patalim na paulit ulit na humihiwa sa utak ni Nikon ang sinabi ni Canon sa kanya noong isang gabi—matapos manuod ng sine ng dalawa, ay sinita niya ito kung bakit halos dis-oras na ng gabi umuwi ang mga ito.

Then Canon looked at him sternly, asking him why he was dragging Tutti through this mess. Gusto niyang itanong sa kapatid kung nagsumbong ang dalaga dito, but knowing how protective Canon is when it comes to Tutti, malamang kahit wala itong sabihin, handa itong ipagtanggol ng kapatid niya—at the expense na pati siya, pagsasabihan nito.

Hindi niya maunawan ang nararamdaman kung bakit naiinis siya kay Canon sa pagiging protective nito kay Tutti, pero mas lalo siyang naiinis dahil kahit alam niyang tama ang kanyang kapatid, ay gusto parin niyang makasama si Tutti sa mga plano niya.

Pero hindi na pwede. In fact, sa tingin niya kahit wala na si Tutti sa tabi niya, maisasagawa niya ng maayos ang mga bagay bagay lalo na at si Arienne na mismo ang tumatawag sa kanya at nagyayang lumabas sila.

Kagaya ngayon.

Kasalukuyan silang nasa isang fashion event kung saan panauhing pandangal ang dalaga. She had asked him to be her escort for the night.

"Are you okay?"

Napabaling siya kay Arienne nang bigla nitong hawakan ang pisngi niya. "Uh? Y-yes." Mabilis niyang hinuli ang kamay ng dalaga at tinanggal iyon sa pisngi niya. Ewan niya, parang bigla hindi siya kumportable na sobrang lapit ng dalaga sa kanya.

"Sigurado ka?"

Tumango siya dahil kung mag-e-elaborate pa siya, parang mas hahaba pa ang kanilang usapan. At kapag naguusap sila, Arienne is too sweet, too caring, and too much of a nice girl. Hindi niya alam kung paano i-deal ang babaeng kagaya nito. But he had to, because tonight he was going to ask her to be his girl.

It wasn't a sudden decision dahil noong una palang, iyon naman talaga ang balak niya hindi ba? Kaya wala na siyang balak patagalin iyon lalo pa ngayon at malapit na malapit na silang dalawa ni Arienne sa isa't isa.

But inside him, there was that small voice nagging him. Iyon nga lang ba talaga ang rason? 

Si Arienne?

Awtomatikong nag-flash sa kanyag isip ang mukha ni Tutti—si Tutti na ilang araw na yata siyang palaging binubulabog nang walang kaalam-alam. Si Tutti na biglang nag-iba ang pagtingin niya.

It's too incredulous thinking about it now, pero higit kailanman siya ang nakakalam na siya at si Tutti ay parang dalawang bagay na impossibleng magsama. Never silang naging compatible.

And Arienne, he believed, was his perfect match.

ISANG outreach program ang pinapangunahan ng pamilya Elizalde minsan sa anim na buwan taon-taon. Sa outreach program na iyon, pumupunta ang buong mag-anak sa mga maliliit na foundation kung saan madalas hindi naaabot ng tulong ng mga mas malalaking nagbibigay ng tulong.

This time, sa Holy Child Center ang naging destinasyon ng pamilya. Bukod sa buong mag-anak, may ilang mga photographers din silang nahihikayat na sumali sa programang ito. Iyon kasi ang main point ng programa, ang bigyan ng pagkakataon ang mga bata na ma-appreciate ang pagmamahal sa pagkuha ng larawan. Bukod pa roon ay nagkakaroon din sila ng games, reading sessions, at mga pagpapakain sa mga bata.

Mula noong simulan ng pamilya ang panata ng mga ito ay palaging kasama si Tutti doon. Ani Papa Olsen, it was their own way of giving back the blessing they have got through the years.

Picture of Love Trilogy Book 1: Nikon's Tutti FruityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon