Nakakainis naman 'tong si kursten bakit kase ngayon pa natripan ligawan si jemimah, naglakad na ako papasok sa banyo para makapag gayak na at pupunta pako sa meeting place namin ni kursten.
habang naliligo ako napaisip ako kung pano nagsimula ung pagkakaibigan namin naalala konna nagkakilala kame sa sementeryo nakita nia akong dinalaw ung papa ko dun nang biglang umulan at wala akong masilungan kaya nababasa ako ng ulan pero maya maya lang hindi na tumatama ung ulan sa katawan ko,nag angat ako ng tingin at nakita ko si kursten ang gwapo nia nung panahon na yun na love at first sight ako sa kanya pero mas pinili kong itago ung pagmamahal ko sa kanya.
kaya habang patagl ng patagal palalim ng palalim ung nararamdaman ko sa kanya.
hanggang sa nakilala nia si jemimah ung bagong transferee sa school namin ang ganda nia bagay talaga sila kung tutuusin at kung ihahalintulad sa akin ay para lamang akong kabute na sumulpot kung saan gaya ng nangyayare sa tuwing kailangan ng tulong ni kursten sa tuwing kailangan nia ng panyo pamunas sa pawis ni jemimah panyonko ung binibigay ko,sa tuwing kailangan nia ng payong payong ko ung pinahihiram ko at sa tuwing kailangan nia ng makakapitan ako ung nandidito kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi nia ako mapansin sa tuwing iniisip ko na magkaibigan kame dapat ba akong maging masaya dahil mag kaibigan kame o umiyak dahil hanggang dun lng kame.
"Hoy! Lesley tagal mong nakatunganga jan...tara na mahaba habang pagpaplano nanaman to" sabe nia ng may hagikgik pa.
pumasok nako at umupo.
"simulan mo na" sabe ko sa kanya di na siya nagdalawang isip at nag umpisa na siya.
Mag gagabi na ng makauwi ako inihanda ko na ang sarili ko sa mga magaganap bukas I accept it I should accept it kung un lang ung papel ko sa buhay nia kailangan ko un tanggapin.
nagsulat nako ng mga letra na ididikit ko bukas para sa proposal ni kursten 'CAN I COURT YOU' yan ung ididikit ko bukas....
inimagine ko na sana sakin sabihin ni kursten ang mga katagang yan pero nalungkot nlng ako dahil hanggang imagine nlng ako
➪➪➪➪
naidikit ko na sa black board ung mga letters naayos ko na din ung decor si kursten nmn hindi mapakali
"hoy ano ba nakakahilo ka nmn,kanina ka pa palakad lakad jan ah" sita ko sa kanya ano bang bumabagabag sayo
"eh kase naman wala pa s---" hindi nia na natapos ung sasabihin dahil iniluwa na ng pinto si jemimah hindi maipinta ung reaksiyon nia ng makita ung mga letra sa black board lalo na ng makita si kursten
"jemimah can I court you?" Kursten asked
lumapit sa kanya si jemimah at niyakap sabay sabing
"I'm sorry but no, I don't want to commit this is not my priorities im so sorry" sabe nia at tsaka lumabas ng room nakita kong bumagsak ang mga luha ni kursten kaya naman dali dali akong yumakap sa kanya umiyak siya doon ng umiyak
"bakit siya nag pakita ng motibo" umiiyak na sabi ni kursten.
"sshh...shhh tahan na ganun talaga hayaan mo makikita mo din ung para sayo" at sana ako ung makita mo.
"kung hindi lang din nmn siya ung makakasama hindi nako magmamahal pa" at dahil sa sinabe niang un napaiyak ako ansakit,ansakit isipin na kailanman ay hindi nia ako magugustuhan.
"bakit ka umiiyak?" takang tanong nia kaya lalo akong napaiyak umalis siya sa pagkakayakap sa akin.
"umiiyak ako kase hindi moko makita."
"nagpapatawa kaba anong hindi makita ayan nga nakikita kitang umiiyak" biro pa nia.
"hindi un ang tinutukoy ko...kurst gusto kita gusto kita matagal na but why? Why not me?" pag amin ko sa kanya.
"dahil magkaibigan tayo lesley...ayokong masira ung pagkakaibigan natin tsaka hindi ako ang para sayo" mahinahon niang sabe.
"Pero ako ung parating nandiyan, I saw everything, I saw your sufferings,nung lugmok na lugmok ka I was there kaya bakit hindi nalng ako."
"tsaka nlng tayo mag usap kapag matino na kitang makakausap" sabi niya sabay alis.
napaluhod nalng ako habang patuloy na umiiyak.
antanga tanga ko bakit ko ba sinabe un
tumayo ako at hinabol siya pero pagdating ko sa stage nakita ko si jemimah at si kursten na magkayakap may disenyo din ang stage nakadikit doon ang katagang 'YES! YOU CAN COURT ME' teka anong ibig sabihin nito.Kinuha ni jemimah ung mic.
"kursten,akala ko hindi mo ako susundan eh..pero sorry kung nagulat ka,nalaman ko kase ung plano nio ni lesley kaya nagplano din ako prank lang talga ung kanina un ung way ko para mapapunta kita dito,so hindi ko na to papahabain pa mag umpisa ka na bukas" sabi ni jemimah ng may ngiti sa labi.
Nagyakapan ulit sila nang magawi ang paningin sakin ni kursten nakita din ako ni jemimah kumaway pa ito at parang galak na galak akong makita, may ibinulong si kursten kay jemimah at tumango namn ito.
akmang lalapit siya sa akin pero tumakbo ako,tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mapagod ako. Now I realize and now I know the answer why not me?,Because I'm Lesley.
𝙀𝙉𝘿
THANKS FOR READING!
hope that you like it but if not,sorry for dissapointment
D.I.S.C.L.A.I.M.E.R
this is work of fiction
Crdts to the pictureDONT FORGET TO VOTE AND COMMENT
YOU ARE READING
COLLECTANEA
General FictionCompilation of one shot stories. D.I.S.C.L.A.I.M.E.R this is work of fiction Photo's aren't mine credits to the rightful owner. My source on picture that i've used is PINTEREST AND GOOGLE