PROLOGUE

31 5 0
                                    

Once Upon a Fan
by rxiamy


This is a work of fiction. All characters, names, place, business, events, incidents are from author's imagination and invention. Please be aware that some scenes are not suitable for very young readers.

Warning: You may encounter typos and wrong grammars in this story, so if you are a perfectionist, free to leave.

©to the picture owner

-------


"Ang sakit ng ulo ko!" luminga-linga ako sa paligid at napagtanto kong hindi ko 'to kwarto.

Patay ka sa akin Tiffany!

She left me at a hotel room after making me drunk last night. Ni hindi man lang ako hinatid sa bahay o sa apartment ko man lang! Bakit ba kasi siya andito? Miss niya na ba ako kaagad e isang linggo pa lang naman ako dito. Sipain ko kaya siya pabalik sa Pinas o sa America kasi doon naman talaga siya nagmula. Bumangon na ako kahit ang bigat ng ulo ko, sumilip ako sa glass window na malapit sa kama.

"Seoul" I whispered to myself.


Its been a week mula noong bumalik ako rito. Kahit ayaw ko, e wala naman akong choice dahil wala naman na yung sakit ko, at utos ito ni dad so I have no choice. Pero yung sakit sa puso ko, nandito pa rin. Baka makita ko na naman siya, baka bumalik lang ang lahat ng sakit.


Nabalitaan kong magdidis-band na sila. I dont even know the reason why. I'm not updated anymore. And we don't have communication already tsaka bakit ba dapat meron pa? E wala naman na kami. Or should I say.. wala naman naging kami.


"Hahahaha" I laugh out of nowhere. Mababaliw ako dito, lagot ka talaga sa akin Tiff. Napatigil ako sa pagtawa dahil sa pagtunog ng phone ko na nasa.. sahig? Napailing-iling na lamang ako habang pinupulot ang phone ko.

"Yeoboseyo?" I answered it without looking at the screen.

[Yeona, where are you?!] bahagya kong nilayo ang phone sa tainga ko dahil sa lakas ng boses sa kabilang linya. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ang tumatawag.

"Manager Jang!" I answered feeling nervous.

"Im in a hotel" I tried to sound normal but Im freaking nervous!

[And what kind of hotel Yeona?!] hindi pa din siya kumakalma. Nalaman niya bang uminom ako kagabi? Tiffany, your dead.

"A five-star hotel" umirap ako sa hangin nang marinig ko siyang magbuntong hininga.

[Wear a cap and a mask before you leave and please Yeona don't let the reporters to see you!] he warned me after that he ended the call.

Bakit ba kasi nila ako tinatanong at sinusundan e hindi ko na nga nakakasama si U-jin! Ilang ulit ko bang sasabihin? Kainis naman!Nagmadali na akong pumunta sa cr dahil malapit nang tumirik ang araw at wala pang masyadong tao sa labas. Tamang tama dahil walang makakakita sa akin. Hindi naman ako kasikatan dito sa Seoul pero dahil sa U-jin na yan ay sinusundan ako ng mga reporters!

tss.

Pagkatapos kong mag shower ay nagbihis na ako at kinuha na ang mga gamit ko.. sa sahig. Nagsuot lang ako ng mom jeans and plain white shirt. I tucked it in and wear a pastel brown coat matching it with my brown boots. Hindi na ako nagmake up ng bongga dahil nakamask at nakakotse din naman ako. Isa pa, papunta rin naman naman ako sa apartment ko para matulog. Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at cellphone sa ibabaw ng coffee table. Palabas na sana ako nang tumunog ang phone ko.

tiffanderson sent you a message.

Pagkabasa ko noon ay bumalik ang pagkainis ko sa bestfriend kong iniwan ako rito mag isa!

tiffanderson: wag na magalit ang bebe na yan, yung ilong mo umuusok na. btw, I already paid the hotel room of yours haha may important business lang! I will visit to your apartment later and please wag kang maingay sa floor na kinalalagyan mo mga bigatin kasama mo jan.

I immediately type a message.

hyunyeona: ikr and i don't care! get ready for a war, humanda ka sa 'kin!

tiffanderson: okay then, i'll bring ramen and kimchi later.

What?! Napailing na lang ako at binulsa na ang phone ko.

Binuksan ko na ang pinto at lumabas na pero agad akong napatigil sa paglalakad nang makita ko ang pamilyar na dalwang lalaking nagtatawanan habang may hawak na monopad at camera, dalwang room lang ang pagitan mula sa room ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtantong si Duri at Eun iyon.

what the..

Boys Generation is here. Mabilis akong tumalikod pero huli na dahil napansin pala ako ni Duri.

"Excuse me Miss?" tanong niya habang unti-unting naglakad palapit sa akin, ramdam kong nakasunod sa kanya si Eun.

Huminto ako sa paglalakad at nang maramdaman ko sila sa likuran ko, dahan dahan akong humarap sa kanila. Babatiin ko na sana sila para maka alis na ako agad nang bumukas ang pinto sa room na pinang-galingan nilang dalawa kanina. Halos sabay sabay kaming napatingin doon at lumabas si Yong-rae, Haneul, Hyeon, at.. U-jin. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko at bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko sila.. siya.

"Ohhh" rinig kong sambit ni Haneul nang mapagtanto niya kung sino ang nasa harap niya.

They can recognize me with this disguise huh?

"Annyeonghaseyo" I slightly bow my head to them feeling awkward while they greet me back, but with joy except for U-jin who's still seriously looking at me. Sa kabila nang pagiging seryoso niya ay nakita ko pa rin ang pagkabigla sa kaniya, at ang lungkot sa kaniyang mga mata. Bakit?

"Yeona you are here.." Duri said. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla.

Yes I am! I am here! I'm in Seoul!Pero bakit kayo andito sa kaparehas na hotel? Ganito ba talaga kaliit ang mundong ginagalawan natin? Sa huling pagkaka-alam ko ay malaki ang mundo, malawak. Pero bakit nasa harap ko kayo ngayon? Bakit nasa harap.. kita?

"Ahh.. I'm about to leave. Bye!" I bowed to them for the last time. Duri was about to say something but I walk faster as I could after saying goodbye, so he didn't have the chance to talk.


Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok ako sa kotse. Inuntog ko ang ulo ko sa manibela at napa buntong hininga. Naramdaman ko ang mainit na likidong pumatak sa kaliwa kong mata.

Ouch..

'Bat masakit pa din?

"Yeona for god sake ang tagal na noon! Ilang taon na pero bakit ganiyan ka pa rin?!" para akong tangang nagtatanong sa sarili.







Bakit ba nagpakita ka pa ngayon?

Nakapag-handa ka na ba?

Kaya mo na ba akong ipaglaban?

Once Upon a FanWhere stories live. Discover now