-------
"Hays, gusto ko ng pumasok" bored na bored na ako dito sa kwarto ko dahil wala naman akong gagawin dito sa bahay. Pangalawang araw na akong hindi pumapasok dahil sa bagyo.
Noong isang araw ay absent talaga ako dahil malakas ang hangin pati ang ulan at sobrang lamig pa sa labas. At ngayon naman, suspended ang klase sa Manila dahil signal number two na daw dito.
Sumilip ako sa bintana at tumingin sa baba, yung bola ni Jae asa labas ng bahay ni hindi man lang tinabi pagkatapos niyang paglaruan nabasa na tuloy. Tumingin naman ako sa bahay nila Duri, may second floor din sila at may katapat na bintana ang kwarto ng bintana ko.
Laking gulat ko ng dumaan si Duri sa bintana nang topless at tuwalya lang ang nakatapis sa pang ibaba, basa pa ang buhok nito at kung hindi ako nagkakamali ay kalalabas niya lang mula sa banyo. Agad akong umupo sa sahig dahil muli na naman siyang dumaan sa bintana.
the heck?!
Kwarto niya iyon?! Susmaryosep! Wala naman akong nakita ano?! Gumapang ako papunta sa kama ko at nahiga. Pinilit kong matulog dahil wala naman talaga akong gagawin sa pamamahay na 'to.
Gabi na ng kumatok ang isa sa mga helper namin at tinawag ako para kumain sa baba. Pagkababa ko ay nakaupo na si kuya katabi niya si Ae-ri, ang isa ko pang nakababatang kapatid na babae at si Jae, ang bunso naming lalaki.
"Cancelled ang flight nila mommy due to this typhoon" pormal na sabi ni kuya at saka pinunasan ang side ng labi niya gamit ang table napkin.
Tumango lang si Ae-ri at nagpatuloy sa pagkain, si Jae naman ay nalungkot ang mukha. Dahil katabi ko siya sa upuan ay hinaplos ko na lang ang likod niya, tumingin naman siya sa akin at ngumiti na parang sinasabing okay lang siya.
Pagkatapos kumain ay hinatid ko na si Jae sa kwarto niya at pumunta na din ako sa kwarto ko. Pinatay ko na ang ilaw at tanging ang lamp na nasa bedside table ko na lang ang liwanag. Natulog nga pala ako kanina kaya hindi ako agad makatulog ngayon.
geez.
Nagulat ako ng may makita akong parang lazer na kulay pulang umiilaw mula sa labas ng bintana ng kwarto ko. Dahan dahan akong tumayo at pumunta sa gilid ng bintana, baka mamaya mamamatay tao pala 'yon. Umikot ikot pa ang pulang ilaw bago tuluyang mawala. Nakahinga naman ako ng maayos dahil doon.
Tumunog ang cellphone ko sa kama kaya bumalik ako roon para tingnan ang notification.
kimdurime sent you a message.
Nagmessage ang kumag sa IG, hiniram niya ang cellphone ko last time at inaccept ang request niya at siya ang nagfollow sa sarili niya.
Naalala ko na naman tuloy yung nakita ko kanina, sinampal ko muna ang pisngi ko bago buksan ang message niya.kimdurime: alam kong kwarto mo yang asa tapat sumilip ka nga!
Agad naman akong sumilip sa bintana at nakita ko siyang naka-pj na at hawak ang cellphone, winagayway niya ang cellphone at nagtype. Tumunog naman agad ang cellphone ko kaya binasa ko ang message niya.
YOU ARE READING
Once Upon a Fan
FanfictionOnce Upon a Fan is a story of a girl named Yeona who fell inlove with an idol that she knew very well, right before he became famous. Yeona is a pure Korean living in Philippines for a long time because of her condition called cold urticaria and whe...