CHAPTER THREE

11 1 0
                                    

-------

Mabilis na lumipas ang mga araw at nasa ika-dalawang linggo na mula noong first day of school. At ika-dalawang linggo na din akong hindi tinatantanan ni Duri, hindi lang pala ako, kung 'di kaming apat!



Simula kasi noong malaman niyang magkapit-bahay kami ay palagi niya na akong gustong kasabay. Tulog pa si kuya kaya wala na namang maghahatid sa akin sa school, napagod pa ata kagabi sa mga paper works. Sinasabay niya pa naman ang pag-aaral niya. Sa isang araw pa kasi uuwi sila daddy, may inaasikaso sila sa Korea ngayon kaya si kuya ang nag aasikaso ng business namin dito sa Pinas.



Talagang inagahan ko ngayon para hindi ako maabutan ni Duri, ang ingay niya kasi at ang daming tanong. Napapagalitan na nga siya ni tita, yung mommy niya, dahil hindi daw nagpapahatid at sundo sa driver nila. Oo, tita na ang tawag ko dahil noong minsang sinabayan niya ako ng hapon at naabutan namin sa labas ang mommy niya ay pinakilala niya ako bilang kaibigan. Nakakahiya naman kung itanggi ko, tawagin ko na raw siyang tita kaya wala na akong nagawa.


May pinagmanahan si Duri.



Luminga-luminga ako sa paligid at saka lumabas ng dahan dahan. Isinasara ko pa lang ang gate nang biglang may humawak sa palapulsuhan ko.



"Instinct" naka-smirk na sabi ni Duri nang humarap ako sa kanya. Napahawak naman ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.



"Pa-pasok ka na?" kunwaring tanong ko, gulat pa din dahil sa biglang pagsulpot niya.



"Alam kong aagahan mo ngayon" bored na sabi niya. Nagsimula na kaming maglakad dahil wala na rin naman akong magagawa. Kainis talaga 'to! Di ko man lang matakasan, tsk.



"Hindi ka talaga papatalo 'e no?" mataray na tanong ko sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Seryoso siyang tumitig sa akin kaya kumunot ang noo ko.



"I told you I don't have friends here Yeona, both Vinh and Georg is treating me well. Alam kong likas na mataray si Tiff kaya okay lang 'yon. 'Bat ba? Bawal ka ba maging kaibigan?" malungkot at seryosong tanong niya sa akin. Nakonsensya tuloy ako, nakikita ko ngayon ang sarili ko sa kanya noong bago pa lang ako dito.



"It's not like that Duri, we.. we can be friends naman-" nagulat ako nang bigla niya akong hinatak kahit hindi pa ako tapos magsalita.



"Iyon naman pala 'e! Friends na tayo ah, narinig ko sabi mo!" masiglang sabi niya habang hatak hatak pa din ako. Talaga namang ibang klase ang lalaking ito, dapat ay hindi na ako nakonsensya kanina. Nagpa-awa lang naman pala siya, bwisit!



Pero totoong wala siya ditong kaibigan, pero bakit ba sa aming apat na babae siya dumidikit? Ang dami pa namang nagkakagusto sa kanya sa school, baka bigla na lang kaming masabunutan. Nakaka-awa naman kasi kung ipagtabuyan ko habang buhay, tutal nabanggit niya naman na hindi siya dito magtatagal dahil babalik din siya sa Korea.



hays, ako kaya?



"Duri?" tawag ko sa kanya habang naglalakad.



"Hmm?" maikling sagot niya habang nakatingin pa din sa daan.



"Ano na ang itsura ng Korea sa personal?" seryosong tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin saglit at bahagyang tumawa, binalik naman niya agad ang tingin sa daan.

Once Upon a FanWhere stories live. Discover now