-------
"Yeona!" napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan ko.
"Tiff, hi!" masigla kong bati sa bestfriend kong si Tiffany.
First day of school namin ngayon, grade 12 na kami. Graduating na, ang bilis lang. Parang noon lang ay para akong ewan na nawawala sa napakalaking school na 'to.
Sa Werlin School of Asia ako nag-aaral. Dito ako inenroll ni daddy simula pre-school dahil nagmula sa iba't-ibang race ang mga nag-aaral dito. But majority is Half Filipino or Chinese. Marami rami din naman ang Japanese at pure Korean na katulad ko. Okay na rin 'yon para maramdaman ko man lang na parang nasa Korea ako, kahit asa Pinas namang talaga.
hays.
"What are you thinking na naman ba? You are so lutang while naglalakad ka" ayan na naman siya kakasermon niyang with matching Tag-lish.
"I'm thinking of you" seryosong sabi ko. Bigla naman siyang tumawa sa sinabi ko.
"How sweet-"
"Iniisip ko kung bakit ang ingay mo palagi" napatigil siya sa paglalakad kaya nilagpasan ko na siya.
"You're so meanie talaga kahit kailan!" rinig ko pang sigaw niya habang tumatakbong palapit sa akin.
Natawa na lang ako sa inasta niya. Ang ingay kasi nang Amerikanang yan! Pero nasanay na lang din ako, mula elementary ba naman kasama ko na 'e. Ako pa nga nagturo ng tagalog sa kanya.
Nakarating kami sa room at binati din ang dalawa pa naming kaibigan na si Georgia at Vinh.
"Woah! Georgia Navarro why so early today?" natatawang tanong ni Tiffany kay Georg. Tiningnan niya ng masama si Tiff at saka tumingin kay Vinh. Tumawa naman si Vinh at saka nakipag apir kay Tiff.
"Ang sama mo Vinh!" dinuro niya pa si Vinh pagkasabi noon. Patuloy lang naman sa pagtawa si Vinh at Tiff.
"Why?" nagtatakang tanong ko kay Georg.
"Kaya pala pagkapasok ko sa pinto kaninang 7:30 e may pagtayo ka at pagpalakpak!" sagot niya. Pati tuloy ako ay natawa sa kanya para siyang bata na inagawan ng lollipop.
"Sige pagtawanan niyo ako hanggang sa mamatay kayo dyan" naiinis na sagot ni Georg at saka umupo sa upuan niya.
Palagi kasing late si Georg kaya nakakapagtaka na maaga siya. Sabagay, last school year, first day lang din siya maaga.
Filipino time..
Umupo na rin kaming tatlo nang marinig ang tunog ng bell. Pumasok na din ang teacher naming pasexy pa kung maglakad kahit na lalaking-lalaki ang porma niya, pormal naman kaming bumati sa kanya. Malamang siya ang adviser namin ngayong taon.
"Magandang umaga! Good morning! Annyeonghaseyo! Ohayōgozaimasu! Zǎoshang hǎo!" napangiwi ako sa sinabi niya.
Sana okay ka lang sir..
"Im your adviser for this school year and my name is Clavio Crisostomo. So today class, we don't have regular class yet because teachers are still finalizing your names on attendance. Andami kasing transferee! But anyways, I'm here to welcome you and to know you all especially the boys!" malanding sabi ni sir habang pumapalakpak pa. Bading si sir.
YOU ARE READING
Once Upon a Fan
FanfictionOnce Upon a Fan is a story of a girl named Yeona who fell inlove with an idol that she knew very well, right before he became famous. Yeona is a pure Korean living in Philippines for a long time because of her condition called cold urticaria and whe...