CHAPTER FIVE

5 1 0
                                    

------

"Please introduce yourself" tinuro ni sir ang unahan at confident na tumayo naman ang bago naming kaklase.. na hindi na bago sa paningin ko at ni Duri.

Speaking of kumag.

"Gwapo niya 'no?" bulong ni Duri sa akin mula sa likuran. Pinag ekis ko ang dalawang daliri ko at muling tumingin sa unahan.

Nababakla na ata 'to si Duri sa bestfriend niya.

"Ako si U-jin" maikling pakilala niya at saka nag bow.

Wow, very meaningful.

"Marunong ka pala magtagalog iho? Wala sa itsura mo" nakangiting sabi ng subject teacher namin sa kanya.


Late na kasi siya pumasok kaya hindi na niya naabutan si sir, at kung naabutan siya ay abot langit na naman ang ngiti noon panigurado. Nagkamot lamang siya ng batok habang nakangiti sa teacher.


"Umupo ka na iho" mahinahong utos ni maam kay U-jin. Mabilis naman itong naglakad papunta sa idinagdag na upuan ni Duri sa tabi niya. Silang dalawa na tuloy ngayon ang nasa likod naming apat.


Hindi namin inaasahan pero simula noon ay palagi na kaming magkakasama, madalas na kaming lumabas bagay na hindi namin ginagawa noong kami pa lang apat.  Siguro dahil ay mahigpit ang magulang ni Vinh at ayaw naming umalis ng hindi kami kumpleto. Pero dahil hindi na kami mapaghiwalay na anim ay natuto na kaming tumakas para lang magkita-kita.


Mas sumaya kaming apat noong dumating ang dalawang 'to. Sila na kasi ang nagmistulang mood maker ng barkada. Lalo na si Duri na hindi nauubusan ng dad and corny jokes, katulad ngayon.


"Anong aso ang mainit?" nakangising tanong ni Duri sa amin.


"Ano?" tanong ni Vinh habang nakataas ang kilay.


"Edi... HOTDOG!" sagot niya habang tumatawa at nakahawak pa sa tiyan.


Tinalikuran siya ni Vinh at Georg habang si Tiff naman ay inirapan siya. Humarap na lang ako sa dagat dahil wala namang nakakatawa sa sinabi niya.


"Suotin mo 'tong jacket ko Yeona" napatingala ako kay U-jin ng alukin niya ako ng jacket niya, naka crop top lang kasi ako. Siya pa ang nagsuot noon para masigurong hindi ko siya susuwayin.


Nasa seaside kami ng MOA ngayon, ang paalam ni Vinh ay may gagawin kaming documentary.. kahit wala naman talaga. Gamit namin ang kotse ni Duri at siya din ang nagdrive.


"Can I suggest where we are going to eat for lunch?" tanong ni Vinh. Sumang ayon naman kaming lahat, pinili niyang kumain sa isang tapsilogan.


"Tanghali na Vinh, bakit dito?" nagtatakang tanong ni Duri sa kanya. Kanina pa siya excited kaya biglang nag iba ang ekspresyon ng mukha niya sa tanong ni Duri.


"Wala kang pakealam!" mataray na sagot ni Vinh.


"Nagtatagalog ka na ngayon ah!" natatawang sabi ni Duri at nauna ng pumasok sa loob.


Napailing na lamang si Tiffany dahil sanay na sa bangayan ng dalawa. Alam naman naming hindi siya pinapayagan dito kaya sabik na sabik ito sa tapsilogan.


Maaga kaming umuwi ng araw na iyon dahil may event ang school kinabukasan, foundation iyon na taon taong selebrasyon ng paaralan. Pagkadating ko sa bahay ay hindi na ako kumain ng dinner dahil busog pa ako kaya nag cellphone muna ako bago matulog.


"Yeona?" tawag ni mommy sa labas ng pinto ng kwarto ko.


"Ne?" sagot ko habang nakatingin pa din sa cellphone.


"Did you eat?" tanong ni mommy na nasa labas pa din ng pintuan ng kwarto ko.


"Ne" sagot ko ulit habang hindi pa din kumikilos sa higaan. Hindi na siya nagsalita ulit kaya ini-off ko na ang cellphone ko at nagbabalak ng matulog.


Sa aming magkakapatid ay ako ang  hindi pinakamalapit sa magulang dahil pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit wala kami sa Korea ngayon. Nakakalungkot na tama ang aking naiisip at hindi na mababago iyon. Pinikit ko na ang aking mga mata at dahil na rin sa kapaguran ay agad ding nakatulog.


Maaga akong nagising para maghanda sa event na gaganapin sa school ngayon. Pagkatapos kong maligo at mag skin care ay nagbihis na ako. I wore my nude trouser while I tucked in my white tshirt na may tatak na pinasadya ng aming batch para sa five days event.


Nakatulala ako ngayon sa second floor at tinitingnan ang juniors sa baba, busy sa event na nagaganap. Napahawak ako sa noo ko dahil may biglang pumitik doon, tiningnan ko ng masama si U-jin na nakangiti lang sa akin.


"Bakit ba?" naiiritang tanong ko sa kanya.


"Sasali ka?" nakangiti pa ding tanong niya sa akin.


"Saan na naman ba? Sa laro?" tanong ko sa kanya.


Natawa naman siya sa tanong ko. Paano kasi noong minsan ay nakita ko silang nakikipaglaro sa mga grade seven ng batuhang bola. Kung hindi pa sila higitin ni Georgia ay hindi sila aalis dahil nasasaktan na yung ibang juniors sa lakas nilang bumato.


"Hindi, sa banda" tumaas ang kilay ko sa tanong niya.


"Hindi ako marunong" bored na sagot ko.


"Kailangan ko ng ka-duet na babae. Narinig kaya kitang kumakanta noong asa mall tayo, please? Libre kitang unlimited ramen" nagmamaka-awang sabi niya.

Unlimited ramen?

"Unlimited ramen ha? Sige!" pumapalakpak na sagot ko.


Pumunta na kami sa music room para magpractice. Hinigit niya pa ako papunta doon dahil baka daw tumakbo ako kung saan.

San naman ako pupunta?

"This way ma'am" magiliw na sabi niya sa akin pagkatapos buksan ang pinto. Inirapan ko lamang siya at tuloy tuloy na pumasok sa loob.


"Woah! Napapayag mo?" gulat na tanong ni Tiffany pagpasok naming dalawa ni U-jin.


"Napapayag niyo si Vinh?" pabalik na tanong ko.


"As if I have a choice" sagot ni Vinh saka tumingin ng masama kay Duri.


Siguro ay kinulit na naman siya nito, napailing na lamang ako sa kanilang dalawa.

"So ganito, dahil dagdag grades 'to ay pumayag ako sa sinabi ni ma'am" natatawang sabi ni Duri. Napailing naman si U-jin.


"Ako ang drummer, si Tiff sa bass at sa electric guitar ka naman Georg dahil iyon ang gusto niyo. At si Vinh naman ang magpa-piano. So kayong dalawa ang vocalist, okay?" seryosong paliwanag ni Duri sa aming lahat.


"Anong kakantahin? Tsaka bakit tayo andito? Bakit wala tayo sa event?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.


"Five days yung event, sa ika-five days natin 'to kakantahin kaya excuse na tayo ngayon pa lang. Pagkatapos 'to ng Ms. and Mr. Foundation, may mga bisita daw kasi" sunod na paliwanag ulit ni Duri.


"Gabi 'to di ba?" tanong ni Georgina.


"Oo" sagot sa kanya ni Duri.


"Okay, let's start!" excited na sabi ni Tiffany.


"Anong kanta ang tutogtugin ninyo?" tanong ko ulit at saka tumingin kay U-jin. Hindi naman kasi ako sinagot ni Duri kanina.


"Best Friend by Rex Orange Country" nakangiting sagot ni U-jin sa 'kin.

Once Upon a FanWhere stories live. Discover now