-------
"Koreano pala yung transferee 'no?" out of nowhere na sabi ni Tiffany habang kumakain ng lasagna na inorder niya.
Sa cafeteria kami ngayon nag lunch, tinatamad daw kasi silang maglakad ng malayo. Wala pa si Vinh kasi biglang tumawag yung lolo niya, baka importante kaya lumayo siya.
"Ang gwapo nga 'e" tatawa-tawang sagot ni Georg sa sinabi ni Tiff. Agad naman siyang sinubuan ng sandamakmak na fries ni Tiff.
"Hoy fries ko 'yan!" saway ko sa kanilang dalawa. Nagpeace sign naman si Tiff sa 'kin.
"You guys are fighting again?" nakapamewang na sabi ni Vinh at saka ay umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Nagkibit balikat lang ang dalawa.
"Tagal mo?" tanong ko sa kaniya.
"Lolo. Imporante sabi niya" tumango na lamang ako, naintindihan ko naman kahit nabubulol siya. Bago pa lang kasi siya dito, almost two years pa lang ata but she's taking an online class to be fluent in Tagalog since last summer vacation, ngayon lang siya nagkaroon ng time. Matalino naman 'to kaya madali lang matututo isa pa, ay kinakausap naman namin siya ng tagalog.
"What are you guys talking about?" nagtatakang tanong ni Vinh sa aming tatlo.
"Bet ata ni Georg yung transferee" nang-aasar na sagot ni Tiff.
"Luh. Hindi ahh, Amerikano kaya gusto ko, kaya nga gusto kita" mabilis na tanggi ni Georg at saka biniro si Tiff. Natawa kami sa reaksyon niya, para siyang nandidiring ewan.
"Ahh, the new guy from Korea. What do you expect from Georg?" uminom muna siya ng juice bago magpatuloy sa pagsasalita.
"Why are you choose this school again, Georg?" tanong ni Vinh kay Georg.
Oh shit.
Ito na naman po tayo, bago pa man siya makapagsalita ay nagtaklob na ako ng mukha dahil alam ko na ang sagot niya.
"Para makapag-asawa ng may lahiiii" sinigaw at hinabaan niya pa ang pagkakasabi 'non dahilan para mapatingin sa amin ang ilang estudyante.
Lupa, kainin mo ako.
"Hindi ko po kasama 'to, nakitable lang" sabi ni Tiff sa mga taong nakatingin at saka ay tumakbo nang mabilis palabas. Tumayo na din ako at sumunod na ang dalawa habang tumatawa, ubos na din naman ang pagkain namin. Nauna akong maglakad dahil ang lakas pa ng tawa ni Georgia kahit nakakahiya yung ginawa niya.
Napatigil kami sa paglalakad ng makita si Duri na kalat ang ilang gamit sa daan at si Tiffany na todo sorry dito sa labas ng cafeteria.
"Nabangga mo?" tanong ko nang makalapit kami sa kanila. Tumango naman siya.
"Mianhe" kaswal na sabi ko kay Duri at saka nagbow ng kaunti sa kanya. Nagsimula kaming tumulong na pulutin ang mga nagkalat na gamit.
"Hoy mga lods ako na!" tumatawang sabi niya. Napatigil ako sa sinabi niya, I thought he don't speak tagalog. Napatingin din ang tatlo sa kanya pero bumalik na ulit sa ginagawa at nang matapos ay binigay sa kanya ang gamit na napulot nila.
YOU ARE READING
Once Upon a Fan
FanfictionOnce Upon a Fan is a story of a girl named Yeona who fell inlove with an idol that she knew very well, right before he became famous. Yeona is a pure Korean living in Philippines for a long time because of her condition called cold urticaria and whe...